Man'ong ipalabas na ang movie ni Jolina!
February 7, 2004 | 12:00am
![](./main/20040207/images/show4.jpg)
Palagay naman namin kahit na ano pa ang kasabay niyang pelikula kung talagang panonoorin siya ng mga tao at marami siyang fans, kikita rin iyan. Kung hindi naman, kahit na wala siyang kasabay flop pa rin iyan.
Dapat siguro ilabas na nila iyan dahil habang ganyan iyan, parang espadang nakabitin sa kanilang tuktok ang pelikulang iyan. Palagay namin, hindi naman maiiba ang resulta niyan sa takilya, may kasabay man o wala.
Nagkaroon lang ng pangalan talagang masasabing kanya iyang si Bernadette noong gawin siyang host ng Wish Ko Lang, na tumaas naman ang ratings. Tinapatan iyan nang mga shows na ginaya sa Wish Ko Lang ang format, pero hindi natupad ang wish nila na talunin ang show ng Channel 7.
Ngayon ang ginawa nila ay sinulot nila ni Bernadette, pero sa palagay namin hindi pa rin mangyayari ang wish nilang talunin ang Wish Ko Lang.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended