Ang dream concert ni Aga Muhlach
February 6, 2004 | 12:00am
Huwag nyong palalampasin ang mga palabas ng Okay Fine Whatever lalo na sa buwan na ito ng Pebrero dahil magsi-celebrate si Aga Muhlach ng kanyang 20th year anniversary in showbiz sa programang ito.
Im sure nag-enjoy kayo sa naging reunion ng mga Bagets, ang film debut ni Aga na ipinalabas nung 1984. Sa second week, magkikita-kita naman sa show ang mga Oki Doki Dok stars like Roderick Paulate, Camille Prats at Paolo Contis.
Sa 3rd week ipakikita ang commercial side ng career ng napaka-guwapong aktor. Iispupin sa show ang mga nagawa niyang komersyal Argentina, Jollibee, Promac at Touch Mobile. Humingi pa ang istasyon ng permiso sa mga naturang produkto para sa kanilang gagawin.
Sa ika-apat na linggo, isang full musical ang ipalalabas, sa halip na ang ordinaryong sitcom. Syempre, kung di pa ninyo alam, feeling concert artist si Aga kaya, siya ang magiging tampok na performer dito.
Sa mga hindi nakakaalam, madalas sa abroad si Aga na kung saan ay nagpapalabas siya ng mga musical shows, kumakanta siyat sumasayaw. Concert King nga ang tawag sa kanya sa mga palabas niya sa abroad.
Sa mga hindi nakakaalam, pangarap ni Aga at birthday wish niya ang magkaroon ng isang musical concert. Pero, di tulad ng mga ipinalalabas na concert na napakamamahal ng bayad, ang dream concert niya ay libre para sa lahat pero itatampok dito ang pinaka-magagaling na performers ng bansa. Gaya ni Gary Valenciano na kung saan ay lalaban ng hatawan sa sayaw si Aga. Gusto rin niyang maka-duet sa isang Broadway Medley si Martin Nievera. At si Regine Velasquez. At para mas lalo pang maging masaya ang kanyang dream concert, balak niyang isama rito ang mga tampok na bandang Side A, South Border at Freestyle.
Sa ngayon, this will remain to be just a dream concert pero, anong malay natin, baka magkaroon ito ng kaganapan sa madaling hinaharap, depende sa availability ni Aga at ng mga intended guest niya.
As it is abala si Aga sa Okay Fine Whatever at sa mga gagawin niyang pelikula. Nagsisimula na sila ni Kristine Hermosa ng kanilang pelikula na ang tentative title ay Star Cruise. Kung nung una raw ay palaging nasa tabi lamang si Kristine at tila intimidated kay Aga, hindi na ngayon, na-break na ang ice between them at nagsisimula na silang mag-bonding.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended