^

PSN Showbiz

Kulang ang Araneta Coliseum para sa StarStruck finals

- Veronica R. Samio -
Phenomenal talaga yung nalikhang impact ng StarStruck sa mga tagasubaybay ng local showbiz. Akalain mo, di pa ginaganap ang final judgement ng nasabing reality based artista search ay sikat na sikat na ang apat na natira sa kabuuang 14 na bilang ng mga napiling finalists na isa-isa ay nabawasan ng bilang sa bawat linggong sumasahimpapawid ang programa.

Tapos na ang pilian, ang dalawang naka-survive ay sina Mark Herras at Jennylyn Mercado, bagaman at ang dalawang runners-up ay hindi naman masasabing nag-pale in comparison sa kanila, sa talino, looks at sa bilang ng mga sumusuportang fans. Katunayan, pinaka-maraming fans sa kanilang apat ay ang runner-up na si Rainier Castillo na masasabi kong kapuri-puring bata dahilan sa tinanggap nito ang kanyang pagkatalo ng may ngiti sa mga labi. Yes, the smile never faltered, hanggang sa matapos ang programa, Rainier never lost that "killer smile’.

Hinahangaan ko rin si Yasmien Kurdi dahil sa kabila nang hindi maitatatwang kagalingan sa kanya ni Jennylyn bilang isang singer, at ang pagiging propesyonal nito sa pagkanta, hindi siya nangiming makipag-one-on-one dito. Nakita rin ng lahat ang walang kaplastikang kasiyahan nito sa pagkakapili kay Jennylyn bilang winner.

Talagang hindi nakapagtataka kung papirmahin man silang lahat, silang 14, ng GMA sa isang exclusive contract. Balita ko ay labis ang naging gastos ng network para sa StarStruck kung kaya’t dapat lang nilang ingatan na di ma-pirate ang 14 na finalists.

Sa sobrang dami ng mga dumalong fans ng 14, kulang ang Araneta Coliseum para sila ma-accommodate. Mga tatlong Araneta Coliseum ang kinakailangan para sila makapasok na lahat. Marami ang nagkalat na mga scalpel na nagtitinda ng mga libreng tiket na di nahuli ng mga naka-plain clothes na mga pulis.

Ang StarStruck ang nag-introduce ng pinaka-bago at pinaka-maepektong pagtuklas ng mga bagong artista. Mula sa simula hanggang sa matapos, talagang sinundan na ng mga fans ang 14. Bawat linggo ng palabas ng StarStruck, naro’n sila para saksihan ang unti-unting pagkaubos ng 14. Ang maganda, never tinutulan ng mga StarStruck fans ang naging pasya ng mga hurado na binubuo nina Director Joyce Bernal, Joey de Leon at Ida Henares. Maski na ang pagkatalo ng napaka-popular na si Rainier ay tinanggap nila ng buong puso.

Hindi lamang naman sina Mark at Jennylyn ang mabibiyayaan ng StarStruck, kundi maging sina Yasmien, Rainier at ang 10 pa nilang nakasama na ngayon ay nakikilala na sa pangalang StarStruck Avengers. Bibigyan sila ng sarili nilang programa, silang 14 (ito ba yung tsismis na programa na papalit daw sa Eat Bulaga dahil lilipat na ito ng istasyon?) at mapapanood sila. Hiwa-hiwalay, sa mga programa ng GMA.
* * *
With Arnell Ignacio’s decision to join politics or ABS-CBN, isa na namang programa ang mawawalan ng host, ang K1M Videoke Challenge.

Sino naman kaya ang makakapalit niya?

Ano kaya ang nangyari sa banta ng
GMA na idi-demanda si Elizabeth Oropesa na may malaking role sa bagong serye na Te Amo Maging Sino Ka Man dahil sa kumandidato ito?

Napanood ko pala si
Butch Francisco na pinipilit si Segundo Cernadas na magsabi ng Te Amo sa kapareha nitong si Iza Calzado sa Startalk nung Sabado. Obvious namang di siguro ito sinasabi ng Argentinian actor ng lightly at sa kung kahit na sinong babae lamang. Nag-atubili kasi ito sa kabila ng pamimilit ni Butch. Naisip ko, di na ba pwedeng panoorin ang isang programa, a love story for that matter, kung walang romansa ang dalawang magkapareha rito?

ARANETA COLISEUM

ARNELL IGNACIO

BUTCH FRANCISCO

DIRECTOR JOYCE BERNAL

EAT BULAGA

ELIZABETH OROPESA

IDA HENARES

IZA CALZADO

JENNYLYN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with