^

PSN Showbiz

Jennylyn talunin kaya si Yasmien?

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Ngayon pa lang ay humahakot na ng kanya-kanyang mga tagahanga ang Final 4 ng StarStruck. Malakas ang dating ni Jennylyn Mercado at nakatitiyak na ito, matalo o manalo man ay may naghihintay na project sa kanya sa GMA 7. Balitang isasama ito sa isang soap opera kung saan makakatambal ang isang sikat na young aktor.

Ang bentahe kay Jenny ay maganda ang kanyang tinig at pwedeng maging singer bukod pa sa pag-arte. Bago sumali sa StarStruck ay lumalabas na ito sa ilang mga tv shows kaya sanay na sanay nang humarap sa kamera. Isa pa mayroon na siyang manager na siyang nagha-handle kina Angel Locsin, Valerie Concepcion at iba pa.
Gladys-Chris, Magni-Negosyo
Maganda ang nilipatang bahay sa Pacita Complex ng bagong kasal na sina Gladys Reyes at Christopher Roxas ayon sa kwento ng mommy ng aktres na si Zeny. "Pero magpapatayo rin sila ng bahay sa may Quezon City para mapalapit sa kanilang trabaho. "Nasa honeymoon stage pa ang dalawa at nagbabalak na ring magtayo ng business na nauukol sa pagkain. Magaling kasing magluto ng steak si Chris at ngayon may kasosyo na sila ay baka magtayo sila ng restaurant na ang specialty ay steak," ani Mommy Zeny.

Hindi pa rin makalimutan ng mag-asawa ang napakagandang kasalan na sinuporthan ng maraming kaibigan. "Pero unang-una ay nagpapasalamat ako sa Diyos, kay ka Erdie Manalo at sa kanyang pamilya, sa aming ministrong si Arnel Tumanan, sa koro sa pamumuno ni Ka Flor Angeles, sa mainit na pagtanggap ng mga jakunesa, jakuno at mga Bem sa mga bisitang dumalo para saksihan ang aming kasal," pahayag ni Gladys.
Fap, May Website Na
Inilunsad noong Miyerkules ang Film Academy of the Philippines (FAP) website na sinaksihan ng mga Board of Directors. Ang ipinagmamalaking website ay nilikha ng Primegreen Interactive Services Inc. isang web development company na naka-base sa California.

Sa pamamagitan ng website na ito (www. fap.org.ph.) makikita ang angking talento ng mga Pilipino sa pag-arte at ang mga pelikulang klasiko na gawang Pilipino. Malalaman din dito ang history ng pelikulang Tagalog.
Dennis, Liligawan Si Tanya?
Dumating ang biggest break ni Dennis Trillo noong nakaraang taon sa soap operang Twin Hearts. Minsan pang ipinamalas ng guwapong aktor ang kakayahan sa pag-arte. Naging kapareha niya si Tanya Garcia at tinanggap naman ang kanilang tambalan kahit andyan si Dingdong Dantes. Umaasa nga si Dennis na mabigyan din sana ng pagkakataong makilala nang lubusan ang pagtatambal nila ni Tanya at maging permanent niyang ka-loveteam. Marami na rin silang following sa Twin Hearts.

Type nito ang kagandahan ng aktres kaya naitanong minsan sa kanya kung gusto na niya itong ligawan?" Close lang kami ni Tanya at hindi naman ako nanliligaw sa kanya. Basta’t masaya kami bilang magkaibigan at magkatrabaho. Kahit sino naman ay magugustuhan si Tanya dahil bukod sa napakaganda nito ay mabait pa pero sa ngayon ay prioridad ko ang aking career. Marami pa akong pangarap na nais na matupad gaya ng pagkakaroon ng break naman sa pelikula," sey ng aktor.
John Lloyd, Babalikan Ni Ciara?
Tanggap na ni Ciara Sotto ang paghihiwalay nila ni John Lloyd Cruz pero madalas pa rin itong tumatawag sa kanya. Inamin naman nito na mahal pa rin niya ito pero ayaw niyang magsalita nang patapos kung babalikan pa niya ito.

Sa ngayon ay nag-i-entertain na siya ng manliligaw. Gayunpaman ayaw muna nitong pumasok sa isang seryosong relasyon. Hanggang pa-date-date lang muna ang magandang aktres.

Nag-i-enjoy si Ciara sa kanyang buhay ngayon at bukod sa showbiz ay nagko-concentrate siya sa pag-aaral kung saan nasa ikalimang taon na ito sa Conservatory of Music at desididong makapagtapos sa kursong ito.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

ARNEL TUMANAN

BABALIKAN NI CIARA

CENTER

TANYA

TWIN HEARTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with