Michael Buble', pinipintasan ang sarili niyang album
February 1, 2004 | 12:00am
Ano bang klaseng musical artist si Michael Bublé at tila hindi niya alam ang mga pinagsasabi niya. Ang reklamo ng singer na matanda na ng magkaroon ng pangalan, hindi siya nakakakuha ng royalty sa Universal Records mula sa mga pinagbilhan ng kanyang Totally Bublé album na siyang naglabas ng nasabing plaka.
Narito ang sagot ni Mr. Ramon Chuaying, executive vice president ng Universal Records: "Being in the business for 11 years, Michael Bublé should know better. Universal Records licensed this album last year from an independent record label DRG Records (the same label that gave us "Flower Drum Song" soundtrack featuring Lea Salonga), which includes master rights and artist royalty. It is DRGs responsibility to do accounting with Bublé or to anyone of their artist.
"It is standard business practice that we report royalty earnings to DRG Records and not directly to anyone or any individual artist. Whatever deal Michael entered with the record label DRG, Universal Records is not part of it."
Kaya walang karapatan magyabang si Bublé na hindi siya binabayaran ng Universal Records. Maliwanag na ang kausap ng Universal ay ang DRG at hindi ang singer.
At anong klaseng artist ba si Michael Bublé? Bakit sarili niyang trabaho, pinipintasan niya. Ang sabi niya, inferior ang quality ng Totally Bublé na may lamang mga kanta sa pelikulang Totally Blonde.
Kung totoong musical artist siya, bakit naman siya gagawa ng isang album na walang kalidad, tulad ng paratang niya.
Ang sigurado, noong hindi pa sikat si Bublé at nabigyan siya ng isang early big break sa pamamagitan ng pagkanta sa Totally Blonde, sinunggaban agad niya ito. Bakit ngayon siya pa ang mamimintas sa sarili niyang trabaho. Hangal pala siya at ginawa niya ang isang bagay na labag sa kanyang kagustuhan?
Sa halip na tumanaw siya ng utang na loob sa kanyang earlier record label, siniraan pa niya. At kung ano man ang nagamitan kay Bublé at ang mga naunang record labels niya, walang pakialam ang Universal Records. Masamang asal ang pati na ang isang Filipino record company ay siraan niya pa at idamay kung anuman ang sama ng loob niya.
Nagulat pa ang isang malaking record outlet nang dumaan doon si Bublé. Nakita kasi ng singer na higit na maganda at napapansin ang display ng Totally Bublé album.
Matapang din naman ang apog ni Buble dahil agad niyang pinatatanggal ang nakitang display. At nag-utos pa siyang huwag itinda sa oulet ang Totally Bublé album.
Sino ba siya para sundin ng mga tauhan sa tindahan. Unang-una, Universal Records ang gumasta para sa nasabing in-store merchandising. Ano naman ang karapatan niyang basta na lang ito ipatanggal.
Lalong wala siya sa lugar para pagbawalan ang pagtitinda ng Totally Bublé album. Hindi sa kanya ang tindahan para pwede na lang siyang magpa-pull out ng kahit anong tinda doon.
Bastat ang alam ng Universal Records, legal ang kontrata nila with DRG Records. Kung may reklamo si Bublé, sa DRG siya dumiretso. Ewan ko lang kung pansinin pa ang kanyang mga kapritso.
Ang sabi naman ng ibang nasa showbiz, baka ginamit lang ni Bublé ang Universal para maging kontrobersyal at mapansin siya. Sa ganoon nga naman maraming manunuod ng kanyang show.
Ang kaso higit na napansin ang Totally Bublé album. Mas marami tuloy ngayon ang bumibili nito dahil sa bigay na publisidad ng walang utang na loob na singer.
Sa ngayon ay mahigit na 6,000 copies na ang nabenta nito. Ang pinagtataka ni Mr. Chuaying, kahit sa anim na libong bumili ng Totally Bublé walang nagreklamo na pangit ang album.
Kahit isa kasi walang nagbalik sa amin ng album o nagsabing pangit ito," pahayag ni Mr. Chuaying. "Ibig sabihin nasiyahan siya sa narinig nila sa album. Nagtataka tuloy ako sa motibo ni Bublé, para pintasan ang sariling trabaho. It is really strange for an artist to criticize and put down is own works."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended