^

PSN Showbiz

Bernard, 7 taon pa maghihintay kay Rica

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Nag-deny si Rica Peralejo sa issue na nagli-live in na sila ni Bernard Palanca. Matagal na kasing issue na malimit makita si Bernard na nasa Filinvest Subdivision na rin umuuwi kung saan nakatira ang pamilya ni Rica.

"Actually totoong sa Filinvest siya nakatira ngayon, one house away from our house. Kasi nga nire-rent niya ‘yung house ng brother ko na nag-migrate na sa States. Sila ni mommy ko ang nag-usap tungkol do’n," she confessed.

Naisip daw nila ang nasabing idea since most of the time naman daw, nasa house nila si Bernard kasama ang kanyang brother at ang boyfriend ng younger sister niyang si Paula na naglalaro ng computer or naggi-gym. So no’ng umalis daw ang brother niya (Rica) for the States, nag-usap sila na kung feel ni Bernard na mag-rent na lang para mas malapit na rin sa trabaho nila at mag-neighbor pa sila. Nagkataon na plano pala talaga ni Bernard na mag-rent ng house.

Gym daw ang ibaba ng nasabing house na ginawa nga nila para hindi na sila kailangang mag-gym outside.

"Minsan totoong do’n kami natutulog ng kapatid ko," she admitted after the presscon of To The Max na nag-premiere kahapon, 3:00 p.m., na mapapanood araw-araw over ABS-CBN

At kahit ganoon na ang set-up nila, wala pa sa vocabulary nilang dalawa ang kasal. Sabi nga ni Rica, pag 30 years old na raw siya saka raw sila magpapakasal - seven years from now dahil 23 years old pa lang siya. "Saka ayaw pa rin naman niya. Marami pa kaming gustong gawin. Saka na lang," tatawa-tawang sabi ni Rica during the interview.

Anyway, ayaw munang mag-soap ni Rica. Feeling niya, gusto muna niyang magpahinga sa kakaiyak sa mga drama. "Parang pare-pareho na lang kasi ang ginagawa pag nasa soap ka. Iyak ka lang ng iyak. Pinamili naman nila ako kung hosting job or another soap opera. "Although matrabaho rin ‘to (To The Max), kaya lang ito mas may challenge. Hindi mo kailangang umiyak everytime na may taping. Makaka-travel pa kami rito since reality based show nga ‘to," she said.

Sa first challenge nila, naghanap sila ng all around yaya for Kris Aquino na dinagsa ng applicants. Ini-announce kasi ni Kris sa Morning Girls with Kris and Korina na naghahanap siya ng yaya. ‘Yun pala, para lang sa nasabing new show ng ABS-CBN na mapapanood Monday up to Saturday.

Marami raw nag-apply na aspiring yaya at doon nila na-test kung gaano katibay ang mga contestant.

Involved sila sa production ng show kaya mas challenging ang show for her. "Pati sa brain storming, kasama kami. Kailangan kasi naming mag-contribute ng mga ideas namin kasi kami ‘yung magi-execute. Pero ok lang mas fulfilling ang ganitong trabaho," she said.

Kasama niya sa show sina Marvin Agustin and Juddah Paolo.
* * *
Inabot pala ng halos seven months ang shooting ng latest offering ng Regal Films, Kuya starring Aubrey Miles, Richard Gutierrez, Oyo Boy Sotto, Railey Valeroso, Chynna Ortaleza, Angel Locsin, Maxene Magalona, James Blanco and Cogie Domingo under the direction of Dominic Zapata.

Binusisi raw kasi ni Direk Zapanta ang kanyang directorial debut na kwento ng magkakaibigan na nagkaroon ng bonding hanggang maging super close sila sa isa’t isa.

Actually, maraming nagsasabi na ang pelikulang ‘to ang magiging simula para ma-inspire uli ang mga movie producer na gumawa ng mga youth oriented movie. Konti na lang kasi ang youth oriented film na napapanood natin.

Sabi nga ni Cogie, mahirap malimutan ang ganitong movie dahil sila man ay na-feel nila kung paano magmahal ng kaibigan. "Mararamdaman din nila ‘yun pag pinanood nila ‘yung movie," he said.

Kaya naman kahit tapos na ang movie nila, tuloy ang bonding. "Naging barkada talaga kami kaya up to now, gumigimik pa rin kami basta may chance. I thought no’ng una, after the movie magiging reaction namin, next project please. Pero hindi pala. Grabe ang naging bonding namin. Nabuo ‘yung malaking grupo namin," dagdag naman ni Danilo.

In any case, totoo kayang ban ang trailer ng pelikula nila (Kuya) sa lahat ng shows ng ABS-CBN? May nabasa kasi akong nag-decide daw ang management ng ABS-CBN na huwag payagang ipalabas ang trailer nito dahil lahat daw ng main stars ng movie ay GMA 7 artists.

Pero no’ng minsan naman ay napanood si Cogie sa Morning Girls. Besides, taga-Dos si Aubrey kaya parang shock lang ako na may ganoong story.

Kuya
is set to kick off in Metro Manila theaters very soon.
* * *
Sayang at hindi ko nasimulang panoorin ang A Tale of Two Sisters na sinulat at dinirek ng visionary Korean filmmaker na si Kim Jee. Talaga raw mapapatayo ka sa kinauupuan mo pag simulan mo ang movie na ‘to kasama ang mga Korean young stars na sina Im Soo-Jung, Moong Geung-Young, Kim Kab-Su and Teoem Jeong-A.

Nauna nang pinuri ang pelikula ng mga film critic sa Korea at sinasabing biggest horror film in Korea during its theatrical release last June.

Unpredictable daw kasi ang mga scenes kumpara sa ibang horror film na pag pinanood mo, na alam na ang susunod na eksena. "May eksena nga do’n na gusto ko nang lumabas ng preview room kasi sobrang nakakatakot," sabi ng isa sa mga nakapanood ng buo sa pelikula nang magkaroon ito ng press preview last week sa ABS-CBN.

At any rate, showing tomorrow, Wednesday ang A Tale of Two Sisters na locally distributed ng ABS-CBN at Star Cinema.

A TALE OF TWO SISTERS

KASI

KUYA

LANG

MORNING GIRLS

NILA

RICA

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with