^

PSN Showbiz

Bitag,walang takot tumapat sa Imbestigador

- Veronica R. Samio -
Matapos ang isa’t kalahating taon nang pagpapalabas sa telebisyon at pagpapatunay kung gaano katapang ang programa, ang investigative-undercover news and public service TV program na Bitag ay mapapanood na sa primetime, at sa bago nitong istasyon, ang IBC 13 simula sa Pebrero 7 sa ika-7-8 ng gabi tuwing Sabado. Makakatapat nito ang Imbestigador ng GMA7 na may kapareho ring format.

"It’s a dream come true. We’ve been longing for this and look forward to the competition," anang producer/ host ng programa na si Ben Tulfo na siya ring nag-isip ng konsepto at nag-produce ng show sa tulong ng isang maliit na grupo ng mga ma-talento at agresibong investigative journalists and researchers.

Sa mga tanong kung paano lalabanan ng show ang katapat nitong programa sa isa sa higanteng network, sinabi ni Ben na handa na ang Bitag sa laban at welcome sa kanya ang mga pagkukumpara na gagawin ng mga manonood.

"Yun ang talagang hangad namin, we beg the viewers to compare," sabi niyang may tiwala sa kanyang programa.

Maipagmamalaki ng Bitag ang mga naisagawang undercover operations. Ilang beses nang nagamit ng mga pulis ang programa dahil sa kakayahan ng grupong nakapasok sa mismong kuta ng mga sindikato dala ang kanilang mga surveillanced devices.
* * *
Sa Martes, Enero 27, nakatakdang parangalan ng Center for Pop Music Phils ang Soul Siren na si Nina bilang Ambassador of Goodwill 2004 sa isang konsyerto na pinamagatang Fly High, Nina na magaganap sa Baluarte Plano Luneta de Sta. Isabel, Intramuros, Manila sa ganap na ika-6:00 ng gabi. Sponsor ang WOW Phils. ng Dept of Tourism.

Bilang Singing Ambassador of Goodwill, opisyal na ire-represent ni Nina ang CPMP sa iba’t ibang mga functions.

Taong 1994, sa edad na 12, nang magsimulang mag-training si Nina sa CPMP sa superbisyon ni
Butch Albarracin.

Magpi-perform sa
Fly High, Nina ang ilang piling estudyante mula sa 13 sangay ng CPMP. Hahandugan nila ng awitin si Nina. Kakantahin naman ni Nina ang kanyang mga hits at ilang awitin sa kanyang bagong album na "Smile". Panauhin din ang kapatid ni Nina na si King.

Libre ang konsyerto para sa lahat. Makipag-ugnayan lamang sa CPMP sa 7275293/7210731/4117310.
* * *
May bagong singer-actress na gustong mapag-usapan kaya gumagawa ng gimik at pumili ng pangalan na nagbigay ng malaking kaisipan sa marami dahil tinatanong siya kung may koneksyon siya sa isang malaking pulitiko, anak ba raw siya nito?

Natatawa na lamang si Evelyn Villar na mabibigyan ng break sa Totoy Guwapo ni Rudy Dominguez. "Bilib lamang ako sa senador kaya isinunod ko ang screen name ko sa kanya," anang baguhang artista.
* * *
Paborito talaga ng GMA si Jolina Magdangal. Ginawa nila siyang kauna-unahang artist ng GMA Records.

Ang kanyang album na pinamagatang "Forever" ay nakalabas na. Nagtatampok ito ng 12 awitin na pinamumunuan ng carrier single nitong "Bahala Na". Tungkol ito sa pagkatakot ng isang kabataang babae na pumasok sa isang seryosong relasyon pero nanaig din ang tawag ng pag-ibig. Kasama rin ang "Sayang", ""Kung Kailan Wala Ka Na", "You Don’t Have to Say You Love Me", "Parang Baliw", ang theme songs ng mga teleseryeng
Kahit Kailan at Narito Ang Puso Ko, "Una’t Nag-iisang Mahal", "Forever Be", "Text Me I Love You" at "Happy Ending".

Sa pamamagitan ni Jolina, layunin ng
GMA Records na makilala bilang standard bearer ng Original Pilipino Music.

AMBASSADOR OF GOODWILL

BAHALA NA

BALUARTE PLANO LUNETA

BEN TULFO

BILANG SINGING AMBASSADOR OF GOODWILL

BITAG

FLY HIGH

NINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with