Bold actor, 4 ang girlfriend na Haponesa
January 24, 2004 | 12:00am
Noong isang araw ay nakausap namin ang isang dating artista rin noong araw, at ngayon ay nagbabalik nga sa showbusiness bilang talent manager, si Joey Aquino. Nasabi niya sa amin, nabasa raw niya ang sinulat namin dito rin sa Pilipino Star tungkol sa pagbi-build ng mga stars, o iyong sistema ni Kuya Germs.
Nasabi sa amin ni Joey na may nabasa rin daw siya sa isang kolumnista na ang opinyon ay kagaya rin ng sa amin. Umayon din naman ang beteranong photographer na si Ben Nollora na iba nga ang klase ng pagbi-build up na ginagawa sa mga artista noong araw kaysa ngayon. At iyon nga raw ang dahilan kung bakit walang naging superstar lately.
Pero aywan kung bakit, nagkaisa nga kaming tatlo sa paniniwalang ang isa sa mga dahilan kung bakit bagsak ang industriya ng pelikula ay dahil sa telebisyon. Kasi kung manonood ka ng tv ngayon para na ring pelikula. Ang mas masama pa, iyong mga artista natin sa pelikula ay nakababad na rin sa telebisyon.
Tingnan ninyo sa US, iba ang artista sa soap opera kaysa sa mga artista sa pelikula. Sa ganoong paraan nabibigyan nila ng proteksyon ang industriya ng pelikula. Kasi sino nga ba ang magbabayad pa para mapanood ang mga artistang napapanood naman nila nang libre sa tv?
Kaya nga kami, naniniwala kaming iyang mga artista babad na sa tv, huwag nang pagawin ng pelikula ang mga iyan, at kung gusto nila na ang industriya ng pelikula ay makabangon, kailangang limitahan kung hindi man mapipigil ang mga artista sa pelikula at lumabas sa telebisyon, lalo na nga iyang mga drama at mga telesine na iyan.
Kumakain kami sa isang restaurant noong isang araw nang biglang magsigawan iyong ibang mga tao sa loob. Akala namin kung ano na ang nangyari, iyon pala tinawaran na ni Anjo Yllana nang mahigit na isandaang libo iyong contestant sa Laban o Bawi ng Eat Bulaga, at lahat ng tao sa restaurant ay sumisigaw ng Laban, dahil sabi nila kaya umabot sa ganoon kalaki ang tawad ay dahil isang milyon ang laman ng huling slot.
Ganoon nga ang ginawa ng contestant na babae at nanalo nga siya ng isang milyon.
Nagkakagulo sila sa katuwaan pagkatapos, kasi may nanalo na naman ng isang milyon. Tapos narinig namin ang kuwentuhan nila. Sabi noong isa, naniniwala raw siya na sa Eat Bulaga, basta nanalo ng isang milyon nakukuha talaga. May pinsan daw kasi siya na nanalo sa ibang show, hindi nakuha ang buong premyo. Kinangkong pa raw ng ilang tauhan ng show na iyon.
Nasa Japan ngayon at nagtatrabaho bilang hosto ang isang male bold star na naging bida rin sa maraming pelikula noong araw. Pero pinag-uusapan daw iyan ng mga pinay sa Japan, kasi ang sabi ayaw raw niyang mag-entertain basta Pinay. Ang gusto raw ng dating male bold star, puno haponesa lamang ang kanyang customer. Kasi mas madali raw hingan ng pera ang mga Haponesa kaysa sa mga Pinay. Lalo na iyong mga lonely talaga. Apat daw ang girlfriend na haponesa ng male bold star.
Nasabi sa amin ni Joey na may nabasa rin daw siya sa isang kolumnista na ang opinyon ay kagaya rin ng sa amin. Umayon din naman ang beteranong photographer na si Ben Nollora na iba nga ang klase ng pagbi-build up na ginagawa sa mga artista noong araw kaysa ngayon. At iyon nga raw ang dahilan kung bakit walang naging superstar lately.
Pero aywan kung bakit, nagkaisa nga kaming tatlo sa paniniwalang ang isa sa mga dahilan kung bakit bagsak ang industriya ng pelikula ay dahil sa telebisyon. Kasi kung manonood ka ng tv ngayon para na ring pelikula. Ang mas masama pa, iyong mga artista natin sa pelikula ay nakababad na rin sa telebisyon.
Tingnan ninyo sa US, iba ang artista sa soap opera kaysa sa mga artista sa pelikula. Sa ganoong paraan nabibigyan nila ng proteksyon ang industriya ng pelikula. Kasi sino nga ba ang magbabayad pa para mapanood ang mga artistang napapanood naman nila nang libre sa tv?
Kaya nga kami, naniniwala kaming iyang mga artista babad na sa tv, huwag nang pagawin ng pelikula ang mga iyan, at kung gusto nila na ang industriya ng pelikula ay makabangon, kailangang limitahan kung hindi man mapipigil ang mga artista sa pelikula at lumabas sa telebisyon, lalo na nga iyang mga drama at mga telesine na iyan.
Ganoon nga ang ginawa ng contestant na babae at nanalo nga siya ng isang milyon.
Nagkakagulo sila sa katuwaan pagkatapos, kasi may nanalo na naman ng isang milyon. Tapos narinig namin ang kuwentuhan nila. Sabi noong isa, naniniwala raw siya na sa Eat Bulaga, basta nanalo ng isang milyon nakukuha talaga. May pinsan daw kasi siya na nanalo sa ibang show, hindi nakuha ang buong premyo. Kinangkong pa raw ng ilang tauhan ng show na iyon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended