A tale of two rapper
January 24, 2004 | 12:00am
Mayron pa bang di nakakakilala kay Marc Logan, siya na kung magsalita sa TV ay talagang nakakatawa, ito ay sa kabila ng pangyayaring di siya dapat pagtawanan dahil seryoso ang kanyang trabaho, ang pagbibigay ng balita sa milyun-milyong manonood ng telebisyon? At napamahal na siya sa maraming TV viewers dahilan sa kakaibang paraan niya ng pagsasalita.
May bagong career si Marc at ito ay hindi nakakatawa sapagkat seryoso siya na makilala bilang sa isang recording artist. Katunayan, labas na ang kanyang debut album na ginawa niya sa Alpha Records. Pinamagatang "Mga Kwentong Kanta ni Marc Logan." Naglalaman ito ng 12 awitin na ang 10 ay si Mark mismo ang nag-compose. Ang carrier single nito, "Scratch Mo Baby" ay inareglo ni Edwin Ortega at sinaliwan ng Keekaaayz, isang bagong grupo ng sing and dance ladies at nilagyan ng back-up vocals ng Canticle at ang rap tandem nina DJ Jam at DJ Anthony.
Ang musika ni Mark ay isang offshoot ng kanyang karakter sa TV Patrol na kung saan ay nagbibigay siya ang balita na may rhythm.
Ipinagmamalaki ni Mark na nakasama niya sa album ang kanyang dalawang anak, sina Justin at Mara, nag-rap ang una at nakasali naman sa chorus ang ikalawa.
Bagaman at mabilis nang bumebenta sa kasalukuyan ang kanyang album, sinabi ng TV journalist na hindi pera ang pangunahing konsiderasyon niya sa paggawa ng album, kundi ang pagnanais na may maipagmalaki sa kanyang mga magiging apo pagdating ng araw.
Ang iba pang kanta sa album ay ang "Galaw-Galaw", "Pirated", "Kiss Sabay Hug", "Panaginip Ka", "Fiesta", "Nangaano Ka, "Ulo Ng Mga Balita", "Gabay" at "Aasa Ka Pa".
Habang nasa proseso ng recording, nakagawa ng isang political jingle si Mark para kay Kabayan Noli de Castro. May tatlong politiko pa siyang igagawa ng jingle.
"Di na bago sa akin ang paggawa ng kanta, o ang pagkanta. Nasa high school pa ako ay talagang gumagawa na ako ng kanta kasama ang barkada. Sa unang singing contest na sinalihan ko, ang Student Pop, ay nanalo rin ako. Yung pagri-record ng kanta ay matagal nang offer mula kay Mr. Buddy de Vera pero, ngayon lamang nagkaroon ng katuparan," kwentong may pagmamalaki ni Mark.
Hindi tumatakbo sa kahit ano mang posisyon sa gobyerno si Andrew E. pero magiging abala siya sa kampanya sa mga susunod na mga buwan, hindi para sa kanyang sarili kundi para sa mga pulitikong kakandidato." Maraming pulitiko ang kumukuha sa akin dahil lahat ng pinupuntahan kong kandidato, panalo. Wala pa akong talo," aniya sa launching ng kanyang bagong album sa Viva Records na pinamagatang "Krispy Na, Kreamy Pa". Isa na naman itong album na punung-puno ng kalokohan, diretso at walang pakyut. Gaya ng "Pink Palaka". "High Blood", "Shoot, Shoot", "Krispy Na, Kreamy Pa", "Majime" na ibig sabihin sa Japanese ay mabait, "Thats Why I Love You" na isang duet kasama si Regine Velasquez, "Beach", "Tuwina", "Gusto Ko (Dalawa)", "Pretty Girl", "Sa Club" featuring Carlos Agassi at ang "Here We Go", na nagtatampok sa 19 na bagong rappers mula sa Dongalo Wrecords, ang sariling kumpanya ni Andrew.
"Di na manghuhula pa ang mga makakarinig, di tulad ng mga kanta ko na may double meaning. Gusto ko bago naman kaya diniretso ko na ang lyrics ng kanta," dagdag pa ni Andrew na ginawa ang buong album ng 12 araw lamang.
Nakatakda na pumunta ng Japan si Andrew sa Lunes, muli, kasama, niya ang kanyang mag-ina. "Di ko sila iniiwan, sila kasi ang swerte ko," ani Andrew.
Di tulad ng mga nakaraang mga taon, sa taon ng unggoy ay magiging palipat-lipat at papalit-palit ang ating kaisipan," anang psychic na si Master Ebbho Rubio.
Sa mga mahilig sa numerology, ito ang payo ni Master Ehhbo, ang mga numerong 4 6 7 ay salat at mahina. Kailangang ikumbinasyon mo ito sa mga numerong 1 2 3 5 8 9 para magamit mo sa tagumpay. Ang katapat ng bawat maswerteng numero ay magiging mas epektibo kapag kinumbinasyunan mo rin ng tamang kulay. Malakas ang green, violet at orange sa taong ito.
Tuklasin mo muna ang iyong Magical Number at malalaman mo sa pamamagitan ng iyong birthsign kung paano ka magtatagumpay. Pero, sa halip na nag-aaksaya ako ng mahabang espasyo sa pagsusulat, tawagan nyo na lang siya sa 9532316, 9529318 o 09202616070.
May bagong career si Marc at ito ay hindi nakakatawa sapagkat seryoso siya na makilala bilang sa isang recording artist. Katunayan, labas na ang kanyang debut album na ginawa niya sa Alpha Records. Pinamagatang "Mga Kwentong Kanta ni Marc Logan." Naglalaman ito ng 12 awitin na ang 10 ay si Mark mismo ang nag-compose. Ang carrier single nito, "Scratch Mo Baby" ay inareglo ni Edwin Ortega at sinaliwan ng Keekaaayz, isang bagong grupo ng sing and dance ladies at nilagyan ng back-up vocals ng Canticle at ang rap tandem nina DJ Jam at DJ Anthony.
Ang musika ni Mark ay isang offshoot ng kanyang karakter sa TV Patrol na kung saan ay nagbibigay siya ang balita na may rhythm.
Ipinagmamalaki ni Mark na nakasama niya sa album ang kanyang dalawang anak, sina Justin at Mara, nag-rap ang una at nakasali naman sa chorus ang ikalawa.
Bagaman at mabilis nang bumebenta sa kasalukuyan ang kanyang album, sinabi ng TV journalist na hindi pera ang pangunahing konsiderasyon niya sa paggawa ng album, kundi ang pagnanais na may maipagmalaki sa kanyang mga magiging apo pagdating ng araw.
Ang iba pang kanta sa album ay ang "Galaw-Galaw", "Pirated", "Kiss Sabay Hug", "Panaginip Ka", "Fiesta", "Nangaano Ka, "Ulo Ng Mga Balita", "Gabay" at "Aasa Ka Pa".
Habang nasa proseso ng recording, nakagawa ng isang political jingle si Mark para kay Kabayan Noli de Castro. May tatlong politiko pa siyang igagawa ng jingle.
"Di na bago sa akin ang paggawa ng kanta, o ang pagkanta. Nasa high school pa ako ay talagang gumagawa na ako ng kanta kasama ang barkada. Sa unang singing contest na sinalihan ko, ang Student Pop, ay nanalo rin ako. Yung pagri-record ng kanta ay matagal nang offer mula kay Mr. Buddy de Vera pero, ngayon lamang nagkaroon ng katuparan," kwentong may pagmamalaki ni Mark.
"Di na manghuhula pa ang mga makakarinig, di tulad ng mga kanta ko na may double meaning. Gusto ko bago naman kaya diniretso ko na ang lyrics ng kanta," dagdag pa ni Andrew na ginawa ang buong album ng 12 araw lamang.
Nakatakda na pumunta ng Japan si Andrew sa Lunes, muli, kasama, niya ang kanyang mag-ina. "Di ko sila iniiwan, sila kasi ang swerte ko," ani Andrew.
Sa mga mahilig sa numerology, ito ang payo ni Master Ehhbo, ang mga numerong 4 6 7 ay salat at mahina. Kailangang ikumbinasyon mo ito sa mga numerong 1 2 3 5 8 9 para magamit mo sa tagumpay. Ang katapat ng bawat maswerteng numero ay magiging mas epektibo kapag kinumbinasyunan mo rin ng tamang kulay. Malakas ang green, violet at orange sa taong ito.
Tuklasin mo muna ang iyong Magical Number at malalaman mo sa pamamagitan ng iyong birthsign kung paano ka magtatagumpay. Pero, sa halip na nag-aaksaya ako ng mahabang espasyo sa pagsusulat, tawagan nyo na lang siya sa 9532316, 9529318 o 09202616070.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended