^

PSN Showbiz

Edu, gustong tanggalin sa Magandang Umaga Bayan!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
At stake na naman ang credibility ni Kris Aquino. Ito ay matapos siyang magbigay ng statement sa The Buzz at Morning Girls with Kris and Korina na pineke raw ni Phillip Salvador ang kanyang signature para maibenta ang kanilang condo unit sa Greenhills.

Sinasabi pa niya kay Korina sa Morning Girls na grabe raw ang ginawa ni Phillip. Sana raw sinabi na lang sa kanya dahil madali lang naman siyang kausap pagdating sa ganoon dahil may sarili naman siyang pera.

Kaya lang ang siste, hindi pala totoong ginawa ni Phillip ‘yun.

Ano bang nangyayari kay Kris Aquino? Mali na naman ang mga sinabi niya. Kawawa naman si Phillip. Isa siya sa mga actor na totoong mabait.

Sino pa kayang maniniwala sa kanya ngayon? Paano pa niya i-endorse si President Gloria Macapagal Arroyo na balitang binayaran siya ng P10 million para mag-endorse sa mga kandidato ng administration?
* * *
May isang malaking party sana na inihahanda ang isang showbiz organization para kay Fernando Poe Jr. pero mismong si Da King ang nakiusap na huwag na muna. Saka na lang daw, pag malapit na ang election.

Big party sana ‘yun kung saan a-attend ang malalaking artista at talent managers na susuporta kay FPJ.

Actually, voluntarily ang nasabing party ng mga artistang gustong tumulong kay FPJ ng libre.

Anyway, ayon sa isang source ng Baby Talk, hindi namimilit si FPJ na ikampanya siya ng mga kasamahan niya sa industry. In fact ang balita, nagpadala si FPJ ng letter sa mga talent managers na hindi siya mahu-hurt in case na pumayag ang mga alaga nilang artista na mangampanya sa ibang presidentiable. Ang pakiusap lang daw niya (FPJ), huwag manira or ‘wag magba-bad mouth. Maiintindihan daw niya kung tanggapin ng artista ang alok na mangampanya sa ibang kandidato para kumita naman sila ngayong eleksyon.

Hindi raw sasama ang loob niya sa mga artista na magi-endorso ayon pa sa source ng Baby Talk.

Na-mention din daw sa letter na nagpapasalamat siya in advance sa mga tutulong sa kanya like Dolphy, Eddie Garcia, among others.
* * *
Humanda na ang mga pirata ngayong nag-oath na si Edu Manzano as new Videogram Regulatory Board Chairman kahapon sa Malacañang. Malala kasi ngayon ang pirates since mag-declare si Bong Revilla ng candidacy sa pagka-senador at iwan ang pagiging VRB chairman. Sinamantala ng mga namimirata ang chance para palakasin ang kanilang negosyo. Wala nga naman kasing nakabantay. "Pero ngayong nandito na ako, sisiguruhin kong makaka-recover ang movie and music industry natin na nalulugi dahil sa kanila. I will also make sure na lahat ng mga nasimulang programs ni Bong sa VRB ay iko-continue ko," sabi ni Edu na mas piniling maging VRB kesa tumakbo ngayong election.

Last MMFF, grabe ang pirata. Isang araw pa lang napapalabas sa mga sinehan ang seven official entries, aba the following day nasa Quiapo na ang mga pirated copies. Unang na-pirate ang Captain Barbell and Filipinas na parehong produce ng Viva Films. Kaya naman, hindi na-surpass ng income ngayong taon ang kinita ng MMFF last year.

Kasi nga madaling na-pirate ngayon ang entries compared last year na natutukan ng husto ng VRB.

Going back to Edu, nag-promise din ang actor na wala siyang sasantuhin sa mga piratang ito na anay ng industriya ng pelikula at musika. "Kahit sino pa sila at kahit anong impluwensya ang gamitin nila, hindi pwede. Kailangang magbayad sila sa kulungan," he added in a chance interview last week.

Ayon kasi sa bali-balita, malalaking tao ang involve sa pagpipirata kaya hindi matapos-tapos ang problemang ‘yan sa ating bansa.

In any case, ano ba ‘tong narinig kong balita na gusto raw tanggalin si Edu sa Magandang Umaga Bayan. Kung sabagay kung papipiliin naman kasi si Edu, mas type niyang sa Masayang Tanghali Bayan na lang maging regular. Kasi nga naman sa MTB, hindi mo kailangang gumising ng 3:00 a.m. At least ang MTB, tanghali, hindi kailangang magmadali. Kaya lang ang siste, patok siya sa MUB, parang kulang kung mawawala pa siya dahil interesting ‘yung ginagawa nilang discussion ni Erwin Tulfo.

In fact, pag wala nga siya sa show may ilang nagtatanong at naghahanap sa kanya.

Sa MTB naman contrary sa napapabalita, walang plano ang ABS-CBN na mag-reformat or something ang MTB. Masaya raw ang staff ngayon ng show dahil nakakadikit na sila sa rating ng Eat Bulaga kumpara noon.
* * *
Isa sa mga shows na exciting panoorin ngayong Valentine season ay ‘yung shows na siguradong magi-enjoy ka. At isa rito ang concert nina Basil Valdez, Kuh Ledesma and Zsa Zsa Padilla sa kanilang two night concert billed "Devotion" sa Grand Ballroom ng Westin Philippine Plaza on February 13 and 14.

Dalawang gabi ng beautiful and unforgettable love songs na siguradong lalong magpapa-excite sa mga in love ngayong Valentine ang nasabing concert.

Ang mga songs na kasama sa repertoire na ballad and love theme songs ay pinili ng musical director na si Louie Ocampo.

Matagal-tagal na rin nang huling mapanood ang tatlo na sama-samang nag-concert. "The time has come for these three singers to go up the stage again and harmonize their artistry that has long been missed by their followers," sabi ni Louie.

Ang "Devotion" ay production ng Artists House, Headline Concepts and Artistation, Inc.

For ticket inquiries, please call 817-4660, 815-1953, 750-0350 or 551-7255.

BABY TALK

EDU

KAYA

KRIS AQUINO

LANG

MORNING GIRLS

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with