^

PSN Showbiz

Sa 2007 pakakasal si Claudine kay Raymart!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Maganda ang relasyon nina Raymart Santiago at Claudine Barretto at umaasa ang magandang aktres na sana ay huwag silang magkaroon ng problema sa kanilang relasyon. Sinabi pa nito na sana’y si Raymart na nga ang makasama niya habang buhay.

Ayon pa kay Claudine, after three years pa sila magpapakasal dahil hindi pa siya handang lumagay sa tahimik sa taong ito. Nakahanda namang maghintay si Raymart dahil mahal na mahal niya ang aktres.

Ipinangako ni Claudine sa kanyang ama na hindi siya mabubuntis bago ang kanyang kasal. Ang pambababae at pananakit sa kanya ang magiging dahilan sakaling hiwalayan niya ang aktor. Pero malabong mangyari ito dahil mahal na mahal nga siya nito. Naniniwala rin si Claudine na magiging mabuting asawa at ama si Raymart dahil naging mabuti ito sa kanyang pamilya.
Balik-‘Twin Hearts’
Nakakailang episodes pa lang ng Twin Hearts ay bigla nang pinatay si Karylle na gumanap na Iris sa teleserye. Siya ang unang girlfriend ni Adrian na ginampanan ni Dingdong Dantes. Dahil sa pagkamatay nito ay nai-donate ang puso nito kay Althea na ginampanan naman ni Tanya Garcia.

Nagkaroon ng panibagong twist ang istorya dahil sa biglang pagsulpot ng isang babae na kamukhang-kamukha ni Iris.

Naging kapana-panabik ang Twin-Hearts dahil magkakaroon ng kaagaw sa pag-ibig si Althea o Tanya kay Dingdong sa katauhan ng babaeng kamukha ni Iris. Tiyak na matutuwa ang maraming fans ni Karylle dahil sa pagbabalik nito sa nagri-rate na teleserye.
Sariwa Queen
May nagtatanong kay Kuhdet Honasan na isa sa bida ng Puri ng ATB 4 kung bakit siya binansagang "Sariwa Queen" kumpara sa ibang mga rebel beauties na alaga ni Katrina Paula.

"Ako lang kasi ang may pelikula kaya siguro insecure sa akin ang iba kong mga kasamahan. Hindi kasi sila nagtiyaga at nilayasan agad ang aming manager. Wala naman akong problema kay Ate Katrina. Mabait naman siya at nagkakasundo kami. Natutuwa ako at may pelikula na rin ako at ang role ko ay si Purita isang rebelde, malaswa at liberated na kapatid nina Purificacion at Purisima. Wala naman akong frontal nudity sa movie kundi breast exposure lang at patagilid pa ang kuha," aniya.

Pero sinabi ni Kuhdet na kung bibigyan siya ng solo movie, lahat ay gagawin niya kahit maghubad siya ng todo-todo para masiyahan ang mga male moviegoers.
Pang-Bagets Ang Beauty
Kung noon ay pinakatagu-tago ni Janice de Belen ang kanyang lovelife ngayon ay hayagan na ito. May glow na ang kanyang mata dahil sa bagong inspirasyon na isang varsity player ng Ateneo. Twenty years old lang ang binata. Mas bata kaysa sa kanya ang bagong pag-ibig.

Happy si Janice dahil bukod sa magandang lovelife ay mataas pa rin ang rating ng kanyang dalawang show na S-Files at Sis.
Danica, Recording Artist Na Rin
Danica Sotto na maging singer. Nakagawa na ito ng isang album at iri-release na ito sa market next month. Ang title ng carrier single ay "Fallin" at may MTV na ito.

Akala ng iba ay loveless ngayon ang young actress matapos ang break-up nila ni Boy 2 Quizon. Hindi zero ang lovelife niya ayon pa sa aktres kaya lang lihim na lang ito para walang intriga.

Inamin din ni Danica na aware naman siya sa pakikipagrelasyon ng kanyang mommy at daddy pero hindi siya nakikialam kung sino ang mahal nila. "Basta’t gusto ko lang ay mahalin sana ng tapat si Daddy at alagaan naman si Mommy. Kung saan sila maligaya dun ako," aniya.

CENTER

CLAUDINE

DAHIL

RAYMART

SARIWA QUEEN

SIYA

TWIN HEARTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with