^

PSN Showbiz

Jean, pabor sa May-December love affair

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Pinabulaanan ni Jean Garcia na siya ang dahilan ng split-up nina John Lloyd Cruz at Ciara Sotto. Naging malapit lang silang magkaibigan ng aktor dahil sa kanya nito inihihinga ang problema nito pero may limitasyon dahil kapwa sila may pinuprotektahang pamilya.

Pabor naman ito sa tinatawag na May-December affair basta’t mature ang pag-iisip ng lalaking higit na nakababata sa kanya. "At kung magkakasundo kami sa maraming bagay, why not?" sey nito.

Deglamourized ang karakter nito sa It Might Be You kung saan mabait naman ang role na ginagampanan. Nasanay na kasi si Jean sa pagiging kontrabida.
More Than P328-M Ang Total Ng Metro Manila Film Festival 03
Naging inducting officer ng Philippine Movie Press Club si Mayor Rey Malonzo ng Caloocan City na kung saan nakausap ko siya tungkol sa official returns ng mga pelikulang kalahok sa nakaraang Metro Manila Film Festival. Ang total gross ng pelikula ay umabot ng higit sa P328-M sa 15 days na pagpapalabas ng mga entries.

Noong nakaraang taon ang total gross ay P315-M at inabot naman ng 17 days ang showing ng mga pelikulang kalahok. "Kung nakasali ang Milan ay baka mas malaki pa ang kinita. Gayunpaman isang napakalaking tagumpay ang nakaraang film festival," anang mayor.

Ang official standing ng mga entries kasama na ang mga official returns from the provinces ay ang mga sumusunod:


1. Captain Barbell;

2. Fantastic Man;

3. Crying Ladies;

4. Mano Po 2;

5. Malikmata;

6. Filipinas;

7. Bridal Shower;

8. Gagamboy at

9. Homecoming

Humigit sa P60-M naman ang kinita ng Captain Barbell. Higit na tinangkilik ang mga fantasy at pambatang pelikula.

Balak nga ni Mayor Malonzo sakaling siya pa rin ang maging vice-overall chairman next year na ibalik sa Magic 7 ang mapipiling entries para hindi na mapuputol ang pagpapalabas ng mga mauunang mga pelikula na pang-December 25 at ang natira ay sa Enero 1 naman ipalalabas.
* * *
Nagbibiro nga si mayor na tahimik ang Metro Manila Film Festival at walang intriga di gaya noong nakaraang taon. Gayunpaman natutuwa naman siya dahil matagumpay na nairaos ang festival kung saan halos lahat ng entries ay puro de-kalidad.
Malalaking Kasalan Sa Marso
Dalawang malalaking kasalan ang magaganap sa Marso. March 6 ang church wedding nina Mayor at Gigi Malonzo na tinitiyak ding magiging wedding of the year. Matapos ang 25 years ng pagsasama ay makakasal din na may basbas ng simbahan ang dalawa. Ito’y idaraos sa Our Lady of Grace sa Caloocan City.

"Talagang kami ang itinadhana dahil sa kabila ng maraming problema ay kami pa rin ang nagkatuluyan. "King meets the Queen" na sumasagisag sa aming pangalan. Ang ibig sabihin ng Rey ay hari at reyna naman ang Gwendolyn, di ba? Masaya naman ang aming pagsasama," anang tinatawag na Mayora Gigi.

Aabangan din ang kasal nina Congressman Jules Ledesma at Assunta de Rossi sa March 14 sa Sanctuario de San Antonio sa Forbes Park. Gaya ni Mayor Malonzo ay dadaluhan din ito ng mga taga-pulitika at taga-showbiz.
Dedma Lang Si Alma Sa Intriga
Ngayong nalalagay na naman sa intriga si Mayor Joey Marquez tungkol sa babaeng nabuntis nito ang nagngangalang Mariz ay tahimik lang si Alma Moreno tungkol sa isyu. Ayaw na nitong magbigay ng reaksyon sa takot na baka madawit pa siya sa isyu ng pambababae nito. Abala ngayon ang aktres sa kanyang kampanya at balitang malakas ito sa Parañaque lalo na sa mga kababaihan. Kung tutuusin ay malaki ang naitulong nito sa dating asawa kaya nanalong mayor ng lungsod.

Ayon pa kay Ness ay mas gugustuhin niyang ma-annul na ang kanilang kasal ni Joey para asikasuhin na ang kani-kanilang buhay lalo na sa pag-ibig. Malaya na silang pumili ng kanilang kakasamahin sa buhay ayon pa sa mayoralty aspirant ng Parañaque.
Aktor, Naghamon Ng Away Sa Edsa
Kwento ito sa amin tungkol sa sikat na aktor at isang taxi driver. Hindi sukat akalain ng driver na ganoon pala ang pag-uugali ng actor na maamo ang mukha at mabait pa kung kumilos at magsalita.

"Mainitin pala ang ulo ng aktor dahil nang minsang nag-overtake sa kanyang van ang driver sa may Edsa ay hinabol nito ang taxi. Galit na galit na pinabababa ang taxi driver. Hinahamon siya ng suntukan. Kaso hindi bumaba ang driver at sinabing may pasahero siya. Takot din pala ito sa aktor. Humingi na lang ng dispensa ang driver habang nagmumura pa rin sa galit ang aktor na kung aakalain mo ay role model ng mga kabataang artista," anang source.

Hindi nababakante sa telebisyon ang aktor dahil nakatali ito sa isang malaking network na may nobya ring artista na hindi gaanong aktibo sa paggawa ng pelikula.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CAPTAIN BARBELL

CENTER

KUNG

MAYOR

MAYOR MALONZO

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with