^

PSN Showbiz

Ate guy galit kay Ate Gay

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Na-interview ni Archie de Calma si Nora Aunor sa shooting ng Naglalayag at isa sa kanilang napagkwentuhan ay ang pag-i-impersonate ng bading na comedian na si Ate Gay. Hindi natutuwa si Guy sa klase nang panggagaya sa kanya ng komedyante’t ang feeling nito’y binabastos siya. Okey lang daw na siya’y gayahin pero, ‘wag naman daw bastusin ang kanyang pagkatao.

Pinuri naman ni Guy si Terry Aunor, isa rin niyang impersonator at regular na napapanood sa Eat Bulaga. At least daw, nakakatuwa’t ‘di nakakairita ang panggagaya sa kanya ni Terry.

Ganadong makipag-kwentuhan si Guy nang dumalaw sa shooting si Archie na pati pagtatampo nito sa Alpha Records ay naikuwento. May kinalaman ito sa muling pagri-release ng Alpha sa compilation album ni Guy na hindi ipinagpaalam sa kanya. Sabi raw ni Guy, kaya pala hindi pumayag ang Alpha sa suggestion niyang mag-record ng bagong album dahil balak nilang mag-release ng kanyang compilation album. Nag-expire na ang contract ni Guy sa Alpha two years ago pa, kaya wala siyang makukuhang royalties.

Maaaring may mga taga-recording industry na hindi pabor sa pagrereklamo ni Guy kay Buddy de Vera pero, ang paniniwala nito’y unfair ang ginawa sa kanya ng Alpha. Nagpadala na siya ng demand letter thru’ her lawyer na hindi pa sinasagot ng Alpha. Baka umabot sa korte ang kaso ‘pag ‘di naayos.
* * *
Mahal pa rin ng fans si Nadine Samonte kahit na-eliminate na siya sa StarStruck. Nang ma-interview namin ito kamakailan, may fans siyang sumunod sa resto kung saan kami nag-interview para lang siya’y makita’t makausap.

Kahit si Nadine, aminadong malaki ang nagawa sa kanya ng StarStruck dahil inuulan din siya ng offer na kung tatanggapin niyang lahat ay mas malaki pa ang kanyang kikitain sa magiging winner sa StarStruck.

Abangan si Nadine sa Max’s brochure, magko-cover sa notebook, kinukuhang endorser ng jeans at lalabas siya sa Palmolive Cream & Conditioner bottle at sachet. Si Nadine ang image model/endorser ng Icarus T-shirt at Gibi Shoes kung saan kare-renew lang niya ng kontrata.

Marami ring TV guesting si Nadine at nakatanggap na rin ng movie offer. Bawal pa nga lang ito tumanggap ng mga TV guesting na hindi sa GMA-7 dahil on-going pa ang StarStruck. After January 30, puwede nang humada ng husto ang 15-year-old pretty young thing.

"Medyo masakit nang ma-eliminate ako sa StarStruck. Mami-miss ko ang staff at mga kasama kong finalists. At the same time, thankful ako na wala na ako sa talent search dahil puwede na akong magpahinga. Grabe ang schedule namin lalo na kung may taping at minsan, two hours lang ang tulog ko. Ngayon, kaya kong matulog hangga’t gusto ko," wika ni Nadine.

Umaasa si Nadine na matuloy ang diumano’y balak ng Channel 7 na bigyan at pagsama-samahin ang 14 StarStruck finalists sa isang youth-oriented TV show entitled Love Struck. Siguradong maghi-hit ito sa rami ng fans ng grupo.
* * *
Isang handshake lang ang bating ginawa ng isang aktor sa kapwa aktor nang magkasama sila sa taping ng isang TV show. Matagal nang hindi binabati ni Actor A si Actor B dahil minsang magkasabay ang showing ng kanilang pelikula’y natalo ng pelikula ni Actor B ang pelikula ni Actor A.

Hindi nga lang naiwasang magkasama sa taping ang dalawa pero, gaya ng dati, hindi pa rin binati ni Actor A si Actor B. Kinamayan lang nito si Actor B pero, hindi kinausap hanggang natapos ang taping. Ayaw ni Actor B na maunang gumawa ng hakbang para kausapin si Actor A dahil wala siyang kasalanan dito. Bayaan na lang daw na hindi siya batiin ng kapwa aktor dahil lang sa nangyari three years ago.

vuukle comment

ACTOR

ACTOR A

ACTOR B

AFTER JANUARY

ALPHA RECORDS

LANG

NADINE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with