^

PSN Showbiz

Piolo, pangarap ni direk sa gay movie

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Nakakwentuhan namin si Direk Buboy Tan sa presscon ng Puri ng ATB 4 kung saan naitanong namin kung ano ang kanyang dream movie.

"Mayroon akong gustung-gustong magawang pelikula tungkol sa isang bading, yong closet queen na talagang wholesome ang dating at may girlfriend pero may misteryong bumabalot sa katauhan. Tragic ang ending nito dahil mapagtitripan din siya ng kalalakihan. Kinu-conceptualize ko na ito at ang gusto kong maidirek para gampanan ang role ay si Piolo Pascual. Bagay ang karakter na ilalarawan niya sa pelikula," ani Direk Buboy.

Nakagawa na rin siya ng gay movie sa ATB 4 titled ang Naiibang Eva na ginampanan noon ng nasirang Jun Encarnacion.
Miyembro Ng Viva Hot Men
May Viva Hot Men na rin pala na gumagawa ngayon ng VCD under Viva. Kasama sa grupo si Allen Dizon na talagang daring ang mga mapapanood. Tinanong namin kung hindi ba nagseselos ang kanyang asawa kapag nali-link siya sa mga leading ladies na bold stars o naiilang sa mga maiinit na eksena na mapapanood sa VCD.

"Sanay na siya Tita, kaya hindi na nagseselos. Supportive nga siya sa aking career," aniya.

Huminto na sa pagtatrabaho sa isang accounting firm ang asawa ni Allen para masubaybayan ang kanilang anak na babae na isang taon na at apat na buwan na. Five years din kaming naging magnobyo bago tuluyang nagpakasal. Nakaipon na rin ako ng pera para maitaguyod ang aking pamilya at gusto ko ring mag-business," anang aktor.

Kasama sa Puri si Allen kung saan ginagampanan nito ang papel bilang asawa ni Stella L. pero nagkaroon ng relasyon kay Isabela Gomez.

Kumpara sa Sex Scandal dalawa lang ang lovescenes ko rito at hindi gaanong mainit ang mga eksena gaya sa nakaraan kong movie. Comfortable kami ni Stella sa mga lovescenes dahil marami na rin kaming pelikulang nagawa.
42nd Founding Anniversary Ng Caloocan
Nagsisimula na ang selebrasyon ng 42nd Founding Anniversary ng Caloocan na sinimulan noong January 17 na bisperas din ng kaarawan ng Mayora ng lungsod na si Gigi Malonzo. Kinabukasan pa ang birthday nito na Feast Day naman ni Sto. Niño.

Ang pinaka-highlight ng pagdiriwang ay ang pagpili ng Mutya ng Caloocan sa Kapistahan ng lungsod sa Pebrero 16. Nanalo noon si Aubrey Miles bilang Mutya ng Caloocan gayundin ang isang miyembro ng Gee Girls na nobya ngayon ni Vandolph. Si Angel Locsin naman ay nanalo bilang 2nd runner-up ng Miss Young Caloocan noon. Ngayon ay masasabing sikat na artista sila sa TV at pelikula.
Versatile Actress
Matatawag na versatile actress si Angelika dela Cruz dahil bukod sa magaling ito sa drama ay maaasahan din sa komedi gaya ng role nitong may pagka-kikay sa Sana’y Wala Nang Wakas sa Channel 2. Nailalarawan nito ang tamang karakter sa teleserye na pagbabalik-tambalan nila ni Jericho Rosales.

Hindi lang sa akting magaling ang magandang aktres kundi gayundin sa pagkanta at pagsayaw kung saan mainstay ito sa ASAP Mania.

Ang kailangan na lang ni Angel ay isang matinding proyekto na malamang matupad ngayong nasa ABS-CBN na ito. Bakit kaya hindi sila igawang muli ng pelikula ni Jericho dahil bagay ang dalawa kahit nali-link pa sa iba ang aktor?
SEXY STAR, KINALASAN NG MAYAMANG NEGOSYANTE
Kung sa iba lang na sexy stars nangyari ang panliligaw ng mayamang businessman ay baka sinunggaban na nila ang offer nito. Mabubuhay sana sa luho ang sumisikat na sexy star na ito kung pumayag lang siya sa alok ng madatung na businessman na igarahe na siya.

Kaso ayaw pumayag ng seksing aktres dahil sa ambisyong mag-artista at kumita ng pera. Kung igagarahe nga naman siya ng negosyante ay malabo na niyang matupad ang pangarap.

May pelikulang ipalalabas sa buwang ito ang seksing aktres.

ALLEN DIZON

ANGEL LOCSIN

AUBREY MILES

BUBOY TAN

CALOOCAN

CENTER

KUNG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with