Recretion center ng The Haven,ipinangalan kay Martin
January 18, 2004 | 12:00am
Nagkaroon ng inagurasyon at pagbabasbas ang The Haven for Children noong Huwebes sa Alabang kung saan naging special guest si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo gayundin si DSWD Secretary Dinky Soliman at iba pa.
Suot ng mga daang bata ang t-shirt na may nakasulat na Heaven sa Haven kung saan sa pamamagitan ng lugar na ito ay makadadama sila ng panibagong pag-asa sa buhay mula sa pagiging batang lansangan. Mayroon productivity center kung tuturuan ang mga bata ng vocational skills, therapy center na nagbibigay ng psychological counseling at special education center para sa non-formal schooling.
Si Manay Gina de Venecia sa tulong ng Congressional Spouses ang talagang nagpakahirap para matupad ang kanilang pangarap na makapagpatayo ng The Haven na sinimulan para sa mga battered at sexually abused women at ngayon naman ay para sa mga streetchildren. Malaking tulong din si Speaker Jose de Venecia para maitayo ito.
Isa sa pinasalamatan nina Manay Gina at kahit si Pangulong Arroyo ay si Martin Nievera kung saan ang ipinatayong recreation center ay ipinangalan sa singer bilang pagpapahalaga sa naitulong nito at naiambag mula sa kanyang mga performances sa Amerika para sa mga bata.
Tumayong program hosts sina Mrs. Margie Duavit at Pops Fernandez na natutuwa sa malaking naitulong sa The Haven ng ex-hubby.
Showbiz agad ang dating ng StarStruck finalist na si Mark Angelo Herras kaya nagkaroon agad sila ng bonding ni Lolit Solis na pansamantala nitong manager. Pero ayon dito, baka si Lolit na ang kunin niyang manager kahit tapos na ang competition dahil wala namang nagha-handle sa kanyang career gaya ng iba kaya swerte nga niya.
Hindi naman nahihiyang sabihin ni Mark na kakulangan sa pera o financial problem ang nagbunsod sa kanya para sumali sa StarStruck at maging matagumpay na artista balang araw. "Higit sa lahat ay may faith ako kay Lord at alam kong gaganda rin ang buhay ko someday. Hiwalay na ang mga magulang ko at nagluko pa sa pag-aaral ang panganay kong kapatid. Marami kaming problema pero alam kong darating din ang panahon na magiging matatag ang aking pamilya," aniya.
Tumigil na muna ito sa kanyang pag-aaral sa La Salle, Dasmariñas Cavite sa kursong Business Management dahil abala siya sa kanyang showbiz commitment. "Kahit marami kaming problema ay never akong mag-gi-give-up dahil gusto kong matupad ang aking pangarap na makaipon ng pera para sa aking pamilya," dagdag pa ni Mark.
Hindi kabado si Yasmien Kurdi nang sumali sa StarStruck kung saan natira ito sa apat na finalists. Katwiran ng magandang baguhan ay sanay na siya sa kumpetisyon. Ibat ibang kontes na ang kanyang sinalihan kung saan nanalo naman siya. "Nanalo po akong Miss Earth at Miss Universe sa aming iskwelahan. Napili rin ako para maging modelo sa Ponds Cream 2003. Naniniwala po kasi ako na kapag may kumpetisyon ay nagiging malakas ang iyong loob para lumaban para manalo gaya ng ginawa ko sa StarStruck," aniya.
Magdiriwang si Yasmien ng ika-16 taong gulang ngayong Enero 26 at ang wish niya ay sanay manalo siya sa StarStruck para di na matuloy ang pagtatrabaho ng kanyang ina sa ibang bansa. Hiwalay na kasi ang kanyang ama at ina.
Natawa ako sa kanyang sinabi na hindi na siya ngayon nakalalabas ng bahay na nakasando lang o sumisigaw sa kalye kapag may basurang nagdaraan kasi kilala na siya sa kanilang lugar.
Lagi na siyang nakaayos kapag lumalabas ng bahay.
May nagkwento sa amin tungkol sa young actress na ito na primadonna ang dating. Naimbitahan ito para sa isang out-of-town show na malapit lang naman sa Kamaynilaan. Hindi pa man sikat na sikat ay marami nang demands ang aktres gaya ng paggamit ng sariling van at gustong hatid-sundo pa sa kanilang bahay. "Mas sikat pa nga sana ang ibang kasama niya sa show pero hindi ganito ka-demanding. Kaya hindi na lang namin siya inimbita," anang source.
Ang young actress na ito ay magaling umarte lalo na sa mga character role.
Suot ng mga daang bata ang t-shirt na may nakasulat na Heaven sa Haven kung saan sa pamamagitan ng lugar na ito ay makadadama sila ng panibagong pag-asa sa buhay mula sa pagiging batang lansangan. Mayroon productivity center kung tuturuan ang mga bata ng vocational skills, therapy center na nagbibigay ng psychological counseling at special education center para sa non-formal schooling.
Si Manay Gina de Venecia sa tulong ng Congressional Spouses ang talagang nagpakahirap para matupad ang kanilang pangarap na makapagpatayo ng The Haven na sinimulan para sa mga battered at sexually abused women at ngayon naman ay para sa mga streetchildren. Malaking tulong din si Speaker Jose de Venecia para maitayo ito.
Isa sa pinasalamatan nina Manay Gina at kahit si Pangulong Arroyo ay si Martin Nievera kung saan ang ipinatayong recreation center ay ipinangalan sa singer bilang pagpapahalaga sa naitulong nito at naiambag mula sa kanyang mga performances sa Amerika para sa mga bata.
Tumayong program hosts sina Mrs. Margie Duavit at Pops Fernandez na natutuwa sa malaking naitulong sa The Haven ng ex-hubby.
Hindi naman nahihiyang sabihin ni Mark na kakulangan sa pera o financial problem ang nagbunsod sa kanya para sumali sa StarStruck at maging matagumpay na artista balang araw. "Higit sa lahat ay may faith ako kay Lord at alam kong gaganda rin ang buhay ko someday. Hiwalay na ang mga magulang ko at nagluko pa sa pag-aaral ang panganay kong kapatid. Marami kaming problema pero alam kong darating din ang panahon na magiging matatag ang aking pamilya," aniya.
Tumigil na muna ito sa kanyang pag-aaral sa La Salle, Dasmariñas Cavite sa kursong Business Management dahil abala siya sa kanyang showbiz commitment. "Kahit marami kaming problema ay never akong mag-gi-give-up dahil gusto kong matupad ang aking pangarap na makaipon ng pera para sa aking pamilya," dagdag pa ni Mark.
Magdiriwang si Yasmien ng ika-16 taong gulang ngayong Enero 26 at ang wish niya ay sanay manalo siya sa StarStruck para di na matuloy ang pagtatrabaho ng kanyang ina sa ibang bansa. Hiwalay na kasi ang kanyang ama at ina.
Natawa ako sa kanyang sinabi na hindi na siya ngayon nakalalabas ng bahay na nakasando lang o sumisigaw sa kalye kapag may basurang nagdaraan kasi kilala na siya sa kanilang lugar.
Lagi na siyang nakaayos kapag lumalabas ng bahay.
Ang young actress na ito ay magaling umarte lalo na sa mga character role.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
January 18, 2025 - 12:00am