^

PSN Showbiz

Anak ni Sen. Tessie Oreta, gusto si Juday

-
Nagsimula sa isang blind item na may isang anak ng politician ang may gusto kay Judy Ann Santos at karagdagang tsika ay sinundan nito ang aktres nang mag-show ito sa America noong kalagitnaan ng taong nakaraan.

Kinumpirma sa amin ito ng aming source na ang tinutukoy na admirer ng aktres ay si Len Oreta III na talagang humingi raw ito ng tulong sa kanyang inang senadora na gawan siya ng paraan para makilala ng personal si Juday. Dahil sa nakatambak ang trabaho ng inang senadora ay pinayuhan daw nito ang kanyang anak na maghanap siya ng paraan para siya mismo at sa sarili nitong sikap makilala ang kanyang nililiyag.

Nagpunta raw ang batang Oreta sa ABS-CBN para manood sa taping ng aktres. Patingin-tingin lang daw ito kay Juday at hinihintay na matapos ang taping kaya lang nabagot daw ito dahil matagal siya sa taping. Ang ending, umuwi na lang itong di nakilala ng personal ang aktres.

Sa aming ambush interview kay Sen. Tessie Aquino-Oreta sa Podium kamakailan lamang ay inamin nitong alam niyang may gusto ang kanyang anak sa aktres na sa pakiramdam namin sa pananalita ng senadora ay boto siya sa aktres. "Actually, she finds her (Juday) a very pretty girl and like any young boy, gusto niyang makilala. And from me naman, she’s a young pretty girl."– Alex Datu

vuukle comment

AKTRES

ALEX DATU

DAHIL

JUDAY

JUDY ANN SANTOS

KINUMPIRMA

LEN ORETA

NAGPUNTA

NAGSIMULA

TESSIE AQUINO-ORETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with