Jean at Japanese lover, nagkalabuan na
January 16, 2004 | 12:00am
Sa kabila ng kaligayahang nadarama ni Jean Garcia dahilan sa pagpasok ng character niya sa teleseryeng It Might Be You ng ABS-CBN na nangangahulugan na mayron na naman siyang regular na pagkakakitaan, malungkot na ibinalita niya na kung kailan pa naka-schedule ang pagpapakasal nila ng kanyang Japanese lover sa taong ito ng 2004 ay saka pa naman sila nagkalabuan.
"Naka-schedule pa sana sa taong ito ang pagpapakasal namin pero, siguro hindi kami talaga ang magkapalaran. After six years na maganda ang relasyon namin, nasa cooling off period kami ngayon at pakiramdam ko, lumalabo ang relasyon namin.
"Mahirap talaga ang long distance relationship. Nagkikita lang kami minsan isang buwan kapag pumupunta siya rito. Generous naman siya, may magandang trabaho siya sa Japan bilang vice president sa advertising at bata pa rin naman siya sa gulang na 30. Actually matagal na niyang gustong magpakasal kami. Nasa akin ang problema dahil ayaw kong tumira sa Japan.
"Dati-rati dumarating siya buwan-buwan pero this time, first week pa ng November nang huli kaming magkita. Mabuti na lang nandito siya nang masunugan ako, di talaga siya umalis hanggat di ako nakakahanap ng bagong matitirahan. Siya rin ang nagbayad ng lahat para makapagsimula akong muli."
"When asked kung bakit hindi na lang siya humingi ng bahay sa kanyang Japanese boyfriend, sinabi ni Jean na "Di ako ang type na humihingi. siguro kung magsasabi ako, bibigyan niya ako pero, di nga ako nagsasalita tungkol dito. Pero yung itinayo kong restaurant na Eros ay siya ang gumastos. Napalpak nga lang dahil di ko maasikaso ng mabuti dahil nga nagtatrabaho ako."
Naiiba ang role ni Jean sa It Might Be You. For a change, hindi muna siya kontrabida. Gaganap siya ng role ng isang idiot sa kanilang lugar na nagngangalang Ola. Dahilan sa inaakala ng lahat na luka-luka siya kung kaya hindi sila mag-iingat sa kanya, malalaman niya ang lahat ng sikreto sa kanilang lugar. At walang gagalaw sa kanya sa kanilang lugar dahil ang mayor dito na ginagampanan ni Tirso Cruz lll ay dating nagkagusto sa kanya.
Walang takot na tinanggap ni Nina, tinatawag na Soul Siren, ang hamon na gumawa ng major concert sa isang napakalaking lugar tulad ng Tanghalang Francisco Balagtas (dating Folk Arts Theater) sa isang ispesyal na araw na kung saan ay marami rin siyang makakasabay, sa Pebrero 14, Valentines Day.
Pinamagatang Nina: Strings of the Heart, tatalakayin ni Nina sa pamamagitan ng awitin ang ibat ibang konsepto ng love: Love for oneself, for God, for family, for craft and for the lover.
Kung mayron mang tiwala si Nina na hindi naman siya madedehado pagdating sa concert, ito ay ang pangyayaring, napakadali niyang tinahak ang landas ng tagumpay. Walang magtataas ng kilay kapag sinabing siya ang fastest rising musical star ng 2003.
Sa taong 2003 sumikat ang mga awitin niyang "Foolish Heart", "Loving You" at "Make You Mine".
Mayron ding music video ng "Make You Mine" at "Jealous".
At mga awards: Favorite New Female Artist ng Awit Awards at ng MTV Filipinas.
"Hindi ko inaasahan na magiging ganun yun kabilis," ani Nina.
An accounting graduate from Miriam College, may matatag nang sandalan si Nina kapag di siya pinalad sa kanyang showbiz career. Pero, sa takbo ng kanyang career, mukha namang di na niya kakailanganin pa ang sandalan. Madadala na siya ng kanyang musika sa lahat ng gusto niyang puntahan.
Tulad ng Tanghalang Francisco Balagtas, sa Pebrero 14 sa ika-8 ng gabi. Hinihintay kayo ni Nina, huwag nyo siyang biguin.
Makakabili ng tiket sa halagang P1200, P800, P400, at P200 sa Ticketworld.
"Naka-schedule pa sana sa taong ito ang pagpapakasal namin pero, siguro hindi kami talaga ang magkapalaran. After six years na maganda ang relasyon namin, nasa cooling off period kami ngayon at pakiramdam ko, lumalabo ang relasyon namin.
"Mahirap talaga ang long distance relationship. Nagkikita lang kami minsan isang buwan kapag pumupunta siya rito. Generous naman siya, may magandang trabaho siya sa Japan bilang vice president sa advertising at bata pa rin naman siya sa gulang na 30. Actually matagal na niyang gustong magpakasal kami. Nasa akin ang problema dahil ayaw kong tumira sa Japan.
"Dati-rati dumarating siya buwan-buwan pero this time, first week pa ng November nang huli kaming magkita. Mabuti na lang nandito siya nang masunugan ako, di talaga siya umalis hanggat di ako nakakahanap ng bagong matitirahan. Siya rin ang nagbayad ng lahat para makapagsimula akong muli."
"When asked kung bakit hindi na lang siya humingi ng bahay sa kanyang Japanese boyfriend, sinabi ni Jean na "Di ako ang type na humihingi. siguro kung magsasabi ako, bibigyan niya ako pero, di nga ako nagsasalita tungkol dito. Pero yung itinayo kong restaurant na Eros ay siya ang gumastos. Napalpak nga lang dahil di ko maasikaso ng mabuti dahil nga nagtatrabaho ako."
Naiiba ang role ni Jean sa It Might Be You. For a change, hindi muna siya kontrabida. Gaganap siya ng role ng isang idiot sa kanilang lugar na nagngangalang Ola. Dahilan sa inaakala ng lahat na luka-luka siya kung kaya hindi sila mag-iingat sa kanya, malalaman niya ang lahat ng sikreto sa kanilang lugar. At walang gagalaw sa kanya sa kanilang lugar dahil ang mayor dito na ginagampanan ni Tirso Cruz lll ay dating nagkagusto sa kanya.
Pinamagatang Nina: Strings of the Heart, tatalakayin ni Nina sa pamamagitan ng awitin ang ibat ibang konsepto ng love: Love for oneself, for God, for family, for craft and for the lover.
Kung mayron mang tiwala si Nina na hindi naman siya madedehado pagdating sa concert, ito ay ang pangyayaring, napakadali niyang tinahak ang landas ng tagumpay. Walang magtataas ng kilay kapag sinabing siya ang fastest rising musical star ng 2003.
Sa taong 2003 sumikat ang mga awitin niyang "Foolish Heart", "Loving You" at "Make You Mine".
Mayron ding music video ng "Make You Mine" at "Jealous".
At mga awards: Favorite New Female Artist ng Awit Awards at ng MTV Filipinas.
"Hindi ko inaasahan na magiging ganun yun kabilis," ani Nina.
An accounting graduate from Miriam College, may matatag nang sandalan si Nina kapag di siya pinalad sa kanyang showbiz career. Pero, sa takbo ng kanyang career, mukha namang di na niya kakailanganin pa ang sandalan. Madadala na siya ng kanyang musika sa lahat ng gusto niyang puntahan.
Tulad ng Tanghalang Francisco Balagtas, sa Pebrero 14 sa ika-8 ng gabi. Hinihintay kayo ni Nina, huwag nyo siyang biguin.
Makakabili ng tiket sa halagang P1200, P800, P400, at P200 sa Ticketworld.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended