^

PSN Showbiz

Stella L, ayaw ng pamilya ni Korina

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Napanood namin si Stella L sa isang talk show kung saan buong ningning na sinabing nagkaroon sila ng relasyon ng nakababatang kapatid ni Korina Sanchez. Sinabi niyang ginagamit lang siya nito.

At nang magkahiwalay ito at ang girlfriend niya ay tinawagan siya kaya nagkabalikan na naman sila.

Pero niloko na naman siya nito. Ayaw din sa kanya ng pamilya ng lalaki.

Marami na palang problemang ibinigay sa kanya ang ex-bf eh bakit hindi na lang niya ito kalimutan lalo pa at sinasabing ginagamit lang siya? Mahilig din kasi sa kontrobersya ang Stella L na ito.
Dawn, Tumanggi Sa Soap Opera!
Hindi talaga matanggihan ni Dawn Zulueta ang offer ni Joel Lamangan na direktor nito sa Filipinas na makasamang muli si Richard Gomez sa Sa Iyo Lamang, isang pagsasadula ng tunay na buhay ni Mayor Lito Atienza. Ito’y napapanood tuwing Linggo sa IBC 13, 9:30 p.m.

Ngayong visible na muli ang magandang aktres sa telebisyon ay mayroon din itong offer para gumawa ng isa pang soap opera pero tinanggihan niya ito. "Mahirap kasi ang trabaho sa soap opera dahil kailangang magtaping ka ng three to four times a week. Kailangang manatili ako rito. May mga business kaming inaasikaso ni Anton sa Davao at may tinutulungan din akong foundation," aniya.

Tinanggap ni Dawn ang hosting job sa All About You at ang Sa Iyo Lamang dahil once a week lang ang taping ng mga ito.
Dante Rivero, Ipoprodyus Ng Pelikula Ang Anak Na Si Michael
Malamang na matuloy na ang pangarap ni Dante Rivero na makapagprodyus ng pelikulang aksyon para sa anak na si Michael. Nakakuha siya ng investor kung saan magkasosyo silang dalawa. Sa tagal ng premyadong aktor sa showbiz ay alam na rin nito ang pasikut-sikot sa paggawa ng pelikula.

Isang beses lang pinayagan ni Dante si Michael na lumabas sa bold movie titled Bangkero pero hindi na ito mauulit pa. Gusto ni Dante na talagang malinya sa action films ang anak kung saan nagsimula naman ito bilang action star.
Pops, Primadonna!
Naintriga lately si Pops Fernandez na leading lady ni Rudy Fernandez sa Twin Hearts. Ayon sa balita ay nagpi-primadonna ito sa set ng Twin Hearts at All Together Now. Sinasabi ring nag-walk-out ito sa set ng All Together Now.

Pinabulaanan ito ni Pops at sinabing hindi siya involved sa isyu. Dedicated sa trabaho ang singer-actress at friendly ito sa mga dumadalaw sa kanya at kapag taping na ay subsob na ang ulo nito sa trabaho.
Jestoni, Exit Na Sa ‘Twin Hearts’
Kakandidatong konsehal ng Antipolo City si Jestoni Alarcon kaya kailangan na nitong umalis sa teleseryeng Twin Hearts. Papalitan siya ni Albert Martinez na siyang magiging kaagaw ni Rudy Fernandez sa pag-ibig ni Pops. Nalulungkot nga si Jess dahil para silang magpapamilya dahil nagkaroon ng bonding sa set pero kailangan na nitong mag-concentrate sa pangangampanya.

Isa sa mga ordinansa na gusto niyang ipasa sakaling manalo siya ay ang pagbabawal sa paggamit ng cellphone lalo na kapag nagda-drive na nagiging sanhi ng maraming aksidente. Gusto rin niyang pagtuunan ng pansin ang pagsugpo sa droga na nakakaapekto ng malaki sa mga kabataan.
Princess, Silent Sa Lovelife
Higit na maganda ngayon si Princess Punzalan kaya lang wala itong pinagkakaabalahang soap opera o ginagawang pelikula. Paminsan-minsan lang kung mag-guest ito sa telebisyon gaya ng Magpakailanman. Magaling pa naman itong kontrabida.

Kahit kulitin ay ayaw magsalita ni Princess tungkol sa kanyang lovelife at sinabing may boyfriend siya sa kasalukuyan pero hanggang doon na lang.

vuukle comment

ALL TOGETHER NOW

CENTER

DANTE RIVERO

LANG

RUDY FERNANDEZ

SIYA

TWIN HEARTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with