^

PSN Showbiz

Judy Ann,nawawalan ng showbiz career kaya dumadako na sa pulitika ?

-
Maraming reaksyon mula sa mga tagahanga na ipinaabot sa amin sa pamamagitan ng text message na nagsasaad sa hindi nila pagka-gusto sa naging hula kay Judy Ann Santos ng isang nagngangalang Madam Suzette Arandela, isang feng shui consultant. Sa pamamagitan ng vibration ay hinulaan ng naturang manghuhula sa Mel & Jay Show sa GMA-7 na mag-i-slow down ang career ng aktres. Wala itong gagawing pelikula pero, tuloy pa rin ang kanyang teleserye. Dahil sa kawalan ng project ay tuluyang tatanggap ng mga out of country shows ang aktres.

Tinatawanan ito ni Tito Alfie Lorenzo at sinang-ayunan niya ang hula dahil sa simula ng pangangampanya hanggang sa botohan sa Mayo ay nakatuon ang aktibidades ng aktres sa pangangampanya kaysa sa paggawa ng pelikula. Totoong maglalakbay ang aktres sa iba’t ibang siyudad ng bansa at makikiusap sa mga OFCW na iboto ang kanyang iniindorsong kandidato.

Tuloy pa rin ang taping nito sa kanyang teleserye at tiniyak ng manager na pagkatapos ng halalan ay sisimulan agad ang pelikula ni Juday sa Viva Films na kasama sina Aga Muhlach at Regine Velasquez. Paborable ang panahong ito sa tatlo dahil matatapos na rin ang commitment ni Regine sa kanyang natanguang show at si Aga naman, sinisigurong natapos na nito ang kanyang pelikula na kapareha si Kristine Hermosa.

Nakapila pa rin ang gagawing pelikula ni Juday sa Star Cinema at pati iyong project niya sa Regal Films ay naghihintay sa kanyang availability. Isang pelikula rin ang nakapila sa aktres na naka-planong gagawin sa Europe. — Alex Datu

vuukle comment

AGA MUHLACH

ALEX DATU

JAY SHOW

JUDAY

JUDY ANN SANTOS

KRISTINE HERMOSA

MADAM SUZETTE ARANDELA

REGAL FILMS

REGINE VELASQUEZ

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with