^

PSN Showbiz

Aiko,di makakatulong sa political career ni Herbert

-
Nagkaroon ng linkage between Q.C., Vice Mayor Herbert Bautista at Aiko Melendez, konsehal ng second district ng Q.C. Marami ang hindi pabor kung sakali’t nagpatuloy ang pag-uugnay sa kanila.

Unang dahilan ay ang maganda pa ring samahan ni Vice sa kanyang live-in partner na si Tates Gana. May dalawa silang anak, si Hannah who is now 7 years old and the 4-month old Harvey.

Hindi kaila kay Tates ang balita tungkol kina Herbert at Aiko. May mga nakararating sa kanyang balita pero si Herbert ang hinihintay niyang mag-confirm nito sa kanya. Pero to this day, wala namang sinasabi at inaamin sa kanya si Bistek, kaya nanatili ang tiwala niya rito.

Aminado naman si Tates na hindi makatutulong sa political career ni Herbert ang linkage niya kay Aiko. Muli itong tatakbo bilang vice mayor ng Kyusi at dito nakatuon ngayon ang kanilang paningin.

Lately, nababalitang kay Victor Neri na nabaling ang atensyon ni Aiko. Magkasama sila sa nakaraang MMFFP Award’s night at nang tanggapin ni Victor ang kanyang Best Supporting trophy, kitang-kita sa television screen ang kagalakan ni Aiko, as if meron na nga silang unawaan. Kunsabagay, wala namang masama dahil dalaga na siyang muli ngayon, after the annulment of her marriage to Jomari Yllana.

Ano kaya, gusto ba niyang lumagay muli sa tahimik before the coming May 2004 elections? Kung sila ni Victor ang magkakatuluyan, instant family sila agad dahil pareho lang silang may anak ni Victor. Pero ano kaya ang priority ngayon ni Konsehala, love, movie career or politics?Ben Dela Cruz

AIKO

AIKO MELENDEZ

AMINADO

BEN DELA CRUZ

BEST SUPPORTING

JOMARI YLLANA

PERO

TATES GANA

VICE MAYOR HERBERT BAUTISTA

VICTOR NERI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with