^

PSN Showbiz

Ang gf ang laging taya sa date nila ng aktor !

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Minsan ay nag-date ang magnobyong celebrities sa isang bar sa Quezon City kasama ang ilang malalapit na kaibigan. Sweet na sweet ang dalawa habang magkatabi sa upuan kung saan nagyayakapan pa mandin paminsan-minsan. Hindi nila iniintindi kung nakikita man sila ng ibang customer.

Nang dumating na ang bayaran ay nagulat ang lahat nang ang aktres ang kumuha ng pera sa wallet at siyang nagbayad sa kanilang kinain. Ayon sa isang source, ganito naman lagi ang drama ng aktor kahit noong karelasyon ito ng ibang aktres. Ni hindi marunong maglabas ng pera ang aktor at ipinauubaya ang pagbabayad sa mga girlfriends.
Maria, Ayaw Pang Maging Lola
Marami ang nakapansin sa malaking pagbabago ni Maricel Soriano kaya naman maaaninag ang kasiyahan ngayon sa kanyang buhay. Hindi na mainitin ang ulo nito at lagi nang nakangiti. Masaya ito sa tinamong karangalan bilang Best Actress sa nakaraang Metro Manila Film Festival Awards Night dahil sa naiibang papel na ginampanan sa Filipinas.

Ang kanyang panganay na anak na si Marron ay kasalukuyang nag-aaral sa Oakdridge Military School sa North Carolina kaya malungkot ang Pasko nito. Pero baka dumalaw sila roon ni Tien Tien after the festival. "Mayroon nang girlfriend si Marron kahit 17 years old lang ito. Isa itong Russian-American girl na napakaganda. Lagi kong sinasabi sa anak ko na huwag munang mag-asawa. Magkasya na lang siya sa pakikipag-date sa nobya. Hindi ko pa pinangarap na maging lola," aniya.
Pia Rin Ang Inili-Link Kay Vic
Mahilig daw sa "Pia" si Vic Sotto. Kasi ang rumored girlfriend nito ngayon ay ang commercial model na si Pia Cabreira. Nakilala niya ito sa pamamagitan ni Jackie Manzano na asawa ni Anjo Yllana. Naging magkaibigan ang dalawa hanggang nauwi sa ligawan.

Ngayong nasa Eat Bulaga na si Pia Guanio ay inili-link din ito kay Vic. Pero malabong magkaroon sila ng relasyon dahil may nobyo na ang bagong co-host.
Jay, Pulitiko Na Rin!
Kapag nadaan ka sa kahabaan ng EDSA ay mapapansin mo ang karatula doon ng pagbati ng "Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon" mula kay Jay Manalo. Ito’y paghahanda na sa kanyang pagpasok sa pulitika kung saan kakandidato siyang konsehal ng Tondo. Di lang namin alam kung saan distrito. Wish din pala ng magaling na aktor na makapaglingkod sa kanyang mga mahihirap na kababayan.

Isa sa paghahanda ring ginagawa nito ay ang pagkuha ng public administration sa UP. Ayon sa isang nakausap namin ay malaki ang tsansa nitong manalo dahil feel nila ang katapatan nito bilang isang public servant.
Aiko, Gustong Makipagbati Kay Ara
Lantaran na ang relasyon nina Ara Mina at Jomari Yllana gayundin sina Victor Neri at Aiko Melendez. Nakarating na kay Ara na gusto nang makipagbati sa kanya ni Aiko pero mas gugustuhin nitong sa pribadong lugar sila magkita at magkausap. Katunayan ay hindi na kakalabanin ni Aiko si Chuck Mathay sa pagiging congressman kundi konsehala uli ang tatakbuhin nito sa darating na eleksyon.

Kapwa maligaya ang dalawang aktres sa kani-kanilang minamahal kaya wala nang dahilan para hindi sila magkabati.
Michelle, Inggit Kay Andrea!
Sa wakas ay nag-decide na ring mag-bold si Michelle Bayle at gustong makaipon ng pera para sa kanyang inang may sakit na cancer. Sikat na sikat ngayon ang kaibigang si Andrea del Rosario at nakabili na ng bahay sa BF Homes Parañaque mula sa kanyang kinikita sa pelikula at mga shows. Gusto nang mag-iba ng image ni Michelle gaya ng kaibigan para magkapera at matupad ang ibang pangarap sa buhay.

Walang nangyayari sa career ng aktres at naniniwala siyang pag naghubad ay baka sumikat din siya gaya ng ibang mga kaibigang Viva Hot Babes.
New Year’s Wish Ni Isabel
Ang New Year’s wish ni Isabel Granada ay magkaroon sana ng bagong album at makasama sa isang soap opera.

"Sana magkaroon din ako ng concert sa abroad at maging mas maunlad ang aming negosyong Internet Café at Need For Ink. Tatakbo ring konsehal ang aking asawa sa aming lugar sa Angeles, Pampanga kaya wish ko at ipinagdarasal na sana’y manalo siya," anang aktres.

vuukle comment

AIKO

AIKO MELENDEZ

ANG NEW YEAR

ANJO YLLANA

ARA MINA

AYAW PANG MAGING LOLA

AYON

CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with