Kyla, gustong makilala sa abroad
January 6, 2004 | 12:00am
Kahapon ang exact birthday date ng tinaguriang Princes of R&B na si Kyla na ngayon ay 23 years old na. Pero kahit birthday ay subsob ito sa rehearsal para sa kanyang concert na Kyla Recall ngayong Biyernes sa Music Museum.
Okey lang daw sa kanya na magtrabaho sa kanyang b-day dahil nag-get-together na sila last Sunday sa SOP ng kanyang mga pamilya sa GMA, at maging ng kanyang mga close friends. Blooming na blooming ngayon si Kyla lalo na last Sunday pero wala pa raw siyang special someone. At isa sa wish ni Kyla ay maging international star.
"Greatest dream ko nga po na makilala sa abroad. Hindi ko alam kung paano yun mangyayari. But for the meantime, trabaho muna like this Friday."
Dalawa sa hinahangaang foreign singers ni Kyla ay sina Aretha Franklin na kumanta ng "Natural Woman" at Loren Gil na kumanta naman ng "His Eyes on the Sparrow." Sa local artist naman ay favorite niya sina Ella Mae Saison at si Jaya na makakasama niya sa kanyang concert ngayong Biyernes. Sa tinagal-tagal ni Kyla as a singer, may mga na-compose na rin siyang mga kanta. "Wala lang, basta naiisip ko lang na sumulat ng kanta. Depende sa moods sayang naman yung mga magagandang ideas kaya teni-take note ko."
Makakasama rin nila Kyla at Jaya sa concert si Luke Mejares.
Tinanghal na champion ng Star In A Million last Saturday si Erik Santos. Nanalo siya ng P1M at house and lot, plus recording contract sa Star Records at TV exposure sa ASAP.
Bago pa ang contest, hindi nag-expect na mananalo si Erik dahil alam daw niyang malakas ang laban ni Sheryn Mae Regis.
"Sinunod ko lang po yung sinabi nila na pag-tinawag na ang pangalan ko, ariin ko raw na akin yung stage. Kaya that time, I gave my best and made the most of it. Lalo akong na-inspire nang makita ko na isa sa judges si Mr. Gary Valenciano. Sobrang tuwa ko pa nung inin-courage niya ako after kong manalo. Sabi niya ang husay ko raw po, nanliit po tuloy ako sa sarili ko."
Speaking of Gary V, may concert din ito ngayong Sabado sa Aliw Theater na Gary V. Live. Muli niyang makakasama ang kanyang second son na si Gabriel Valenciano. Si Gabriel ay minsan nang nagpamalas ng kahusayan sa pagsasayaw na obviously ay namana niya sa kanyang ama. Tiyak na parehong hahataw ang mag-ama sa kanilang performance ngayong Biyernes. Magpi-perform din ang Ugoy Ugoy band at si Pam G ng Genesis, ang front act ng concert ni Gary V.
Ang Gary V. Live ay gagawin sa Aliw Theater, Star City Complex. Ticket P500 and P300 available at Ticket World, Ticketnet and Star City.
Nakaalis na sa bansa ang grupo ng Sampaguita na binubuo ng mga batang Pinoy na lumaki sa United Kingdom. Pero tuloy pa rin ang kanilang pagtulong sa ating mga naghihikahos at may sakit na cancer na mga batang Pinoy. Itoy sa pamamagitan ng pagbebenta ng kanilang "Children of the World" album na ipo-promote naman nila sa Europe. Kabilang sa mga tinutulungan ng Sampaguita ay ang Asilo de San Vicente de Paul at Cancer Institute Foundation ng PGH. Itoy sa pakikipagtulungan din ng Candid Records.
Okey lang daw sa kanya na magtrabaho sa kanyang b-day dahil nag-get-together na sila last Sunday sa SOP ng kanyang mga pamilya sa GMA, at maging ng kanyang mga close friends. Blooming na blooming ngayon si Kyla lalo na last Sunday pero wala pa raw siyang special someone. At isa sa wish ni Kyla ay maging international star.
"Greatest dream ko nga po na makilala sa abroad. Hindi ko alam kung paano yun mangyayari. But for the meantime, trabaho muna like this Friday."
Dalawa sa hinahangaang foreign singers ni Kyla ay sina Aretha Franklin na kumanta ng "Natural Woman" at Loren Gil na kumanta naman ng "His Eyes on the Sparrow." Sa local artist naman ay favorite niya sina Ella Mae Saison at si Jaya na makakasama niya sa kanyang concert ngayong Biyernes. Sa tinagal-tagal ni Kyla as a singer, may mga na-compose na rin siyang mga kanta. "Wala lang, basta naiisip ko lang na sumulat ng kanta. Depende sa moods sayang naman yung mga magagandang ideas kaya teni-take note ko."
Makakasama rin nila Kyla at Jaya sa concert si Luke Mejares.
Bago pa ang contest, hindi nag-expect na mananalo si Erik dahil alam daw niyang malakas ang laban ni Sheryn Mae Regis.
"Sinunod ko lang po yung sinabi nila na pag-tinawag na ang pangalan ko, ariin ko raw na akin yung stage. Kaya that time, I gave my best and made the most of it. Lalo akong na-inspire nang makita ko na isa sa judges si Mr. Gary Valenciano. Sobrang tuwa ko pa nung inin-courage niya ako after kong manalo. Sabi niya ang husay ko raw po, nanliit po tuloy ako sa sarili ko."
Ang Gary V. Live ay gagawin sa Aliw Theater, Star City Complex. Ticket P500 and P300 available at Ticket World, Ticketnet and Star City.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended