^

PSN Showbiz

Herbert vs Dingdong sa Kyusi!

- Veronica R. Samio -
Hindi pala sa kanyang bayan sa Siquijor tatakbo ngayong eleksyon si Dingdong Avanzado kundi sa Quezon City na kung saan ay dati siyang konsehal. Humabol ang singer ng pagpa-file ng kanyang certificate of candidacy kahapon sa Comelec. Hinahangad niyang maging ikalawang pinuno ng Quezon City na ang kasalukuyang humahawak ng posisyon ay si Herbert Bautista.

Matatandaan na matagal nang balita ang muling paglahok ni Dingdong sa pulitika matapos na mabigo ito na makumpleto ang kanyang termino bilang konsehal ng Kyusi.

Pero, ang palaging nababanggit ay sa kanyang bayan sa Siquijor, na kung saan ay nagmula at kinikilala ang kanyang pamilya. Kaya marami ang nagulat nang mag-file siya ng kanyang certifite of candidacy sa QC bilang vice mayoralty candidate na ang makakalaban naman niya ay isang kasamahan sa showbiz na si Herbert nga.

Samantala, nag-file din ng kanyang certificate of candidacy ang dating beauty queen at isang kinikilalang aktres sa pelikula na si Pilar Pilapil. Isang upuan naman sa Senado ang pinuntirya nito.
*****
I’m sure marami ang interesadong panoorin ang singer na nagpasikat ng awiting "Because of You" na si Keith Martin. Dumating ito nung Enero 4 para sa isang serye ng palabas sa Meralco Theater.

Ang palabas na naka-schedule ng tatlong gabi, Enero 8, 9 at 10, ay bahagi ng ika-limang anibersaryo ng Mossimo. Ang kikitain dito ay ipagkakaloob para sa proyekto ng GMA Kapuso Foundation na magpapagawa ng mga paaralan at mga mini-libraries para sa mga bata sa war-torn areas ng Mindanao.

Nagulat ang banyagang manganganta na malaman na sikat na sikat ang kanyang "Because Of You" dito sa atin. "When I was told about this, I became excited to perform in Manila. I’m grateful to Mossimo for giving me this chance to come here and personally sing for all the people who made my music a hit," aniya.

Makakasama ni Keith sa tatlong gabing palabas ang
Passage Band, si Jimmy Bondoc, Paolo Santos at JayR. Sa Enero 8, makakasama niya sina Sarah Geronimo, Luke Mejares, Medwin Marfil ng Truefaith, Kitchie Nadal, Rebekah, Silk Band, Akafellas, Pido with Take One at ang Manila Philharmonic Orchestra. Hindi sisingil ng talent fee ang mga performers na ito.

Ang mga tiket sa Keith Martin show–Charity Night sa Enero 8, ay nagkakahalaga ng P2,500, P1,500 at P900. Mabibili ito sa lahat ng National Bookstores, Tower Records, Music Museum, CCP, Greenbelt 1, Glorietta 1, Robinson’s Galleria at Robinson’s Place. Tumawag sa Ticketworld para sa iba pang detalye.
*****
Napanood n’yo ba yung episode ng Debate na kung saan ang mga naging panelist ay ang mga local comics? (Giselle Sanchez, Debraliz, Malu de Guzman, atbp.) Di ba ang saya? Muli, pinatunayan ng mga komedyante natin na hindi sila bobo at nag-aral din sila. Nakakatawa si Caloy Alde pero, sana bawas-bawasan niya yung pagi-Ingles niya para hindi siya mag-mukhang TH.

For the first time, napatawa ako ni Gary Lising nang sabihin niya na unti-unti nang nakakatakas si Kumander Robot, nauna na raw ang mga paa nito. Sumunod na ang kanyang kidney. Paunti-unting nakakatakas siya, nakuha n’yo ang joke?

It was one of the time na hindi masyado ang sigawan sa Debate. Na siya namang dapat na mangyari dahil madalas parang di makontrol ang mga panelist.

BECAUSE OF YOU

CALOY ALDE

CHARITY NIGHT

DINGDONG AVANZADO

ENERO

KANYANG

KEITH MARTIN

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with