Mymy, Raymond mga bida sa isang Israeli movie
January 2, 2004 | 12:00am
Maganda ang naging karanasan ni Mymy Davao sa bansang Israel noong gawin nila ni Raymond Bagatsing ang pelikulang Care Giver na ginawa ng Norma Productions. Very systematic ang kanilang shooting schedule na sa pakiwari ng aktres ay nasa Hollywood sila nagsu-shooting.
Trilogy ang ginawa nilang pelikula, ang una ay ginampanan ng bidang Indians, ang pangalawa ay mga Thai ang bida at sila ang nasa pangatlong episode. Unluckily, hindi mapapanood ang ginawa nilang pelikula dito sa atin dahil intended lang iyong movie sa bansang Israel.
Maganda ang treatment sa kanila at nagulat siya nang makita niyang parang nasa Manila lang sila dahil ang daming mga Pinoy doon na masayang nagtatrabaho. Gustung-gusto umano ng mga tagaroon ang mga Pinoy lalo na bilang mga caregiver dahil malilinis magtrabaho at talagang hanga sa kanila ang kanilang mga sineserbisyuhan.
Pati ang production staff ay gustung-gusto nila sina Raymond at Mymy dahil very professional daw silang magtrabaho. Kaya naman, baka may kasunod silang project dahil gamay nila ang staff and crew ng Norma Production. "Masuwerte tayong mga Pinoy dahil tayo ang hinahanap ng mga Israelites pagdating sa trabaho. Maalaga raw ang mga Pinoy kaya nga pumapalakpak ang tenga ko sa mga paghanga nila sa tin." Alex Datu

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended