^

PSN Showbiz

2 movie ng OctoArts, tumatabo sa takilya

RATED A - Aster Amoyo -
Nagbi-breakfast kami nung nakaraang Lunes ng umaga nang bumulaga sa amin ang balita sa Magandang Umaga Bayan na namatay ang young actor na si Miko Sotto dahil aksidente itong nahulog mula sa kanyang veranda sa kanyang tinutuluyang condominium sa may Mandaluyong City. Nang mga sandaling ‘yon ay kasama umano ni Miko ang kanyang pinsan na si Oyo Boy Sotto.  Nagkakasayahan umano ang dalawa nang aksidenteng mahulog si Miko mula sa ikasiyam na palapag ng condominium. Wala na umanong buhay si Miko nang ito’y isugod sa pagamutan.

Napakabilis talaga ng mga pangyayari.  Noong Biyernes lamang ng gabi ay nakita pa namin si Miko sa thanksgiving party ng Fantastic Man na ginanap sa Virgin Café ng Tomas Morato. Nanggaling pa ito sa isang promotional activity sa Makati City.  Kasama niya ng gabing ‘yon ang kasintahan niyang si Angel Locsin, si Oyo Boy Sotto at ang isa pa niyang kasamahan sa Fantastic Man na si Valerie Concepcion. Hindi namin akalain na ‘yon na pala ang magiging huli naming pagkikita. Tuwang-tuwa pa nga si Miko nang gabing ‘yon dahil nabalitaan niya kung gaano kalakas sa takilya ang Fantastic Man.  First movie niya ‘yon kasama ang kanyang Uncle Vic Sotto na siyang gumanap sa papel na Fantastic Man. Sumama pa si Miko sa parada ng mga artista nung nakaraang December 24 at all out din ang naging suporta nito sa promo ng Fantastic Man. 

‘Beinte uno anyos pa lamang si Miko, ang bunso sa dalawang anak ng estranged couple na Maru Sotto (kapatid nina Sen. Tito Sotto, Val at Vic Sotto) at ang singer-actress na si Ali Sotto. Solo itong naninirahan sa isang condo unit sa Mandaluyong. 

Si Miko ay nagsimula sa programang Click at na-involved pa ito sa dalawa pang programa ng GMA. Kamakailan lamang ay nag-guest si Miko sa Sis kasama ang kanyang inang si Ali Sotto na kasalukuyang nagbabakasyon sa Maynila. Ang kanyang ama namang si Maru ay nasa Cebu nang mangyari ang aksidente. Very close si Miko sa kanyang hiwalay na mga magulang lalung-lalo na sa kanyang mommy na may iba ng asawa. Tiyak na malungkot ang pagtatapos ng taon at pagpasok ng Bagong Taon sa pamilya Sotto dahil sa pagkamatay ni Miko na napakabata pa.
* * *
Aminado si Rica Peralejo na depressed siya sa pagpasok ng Pasko dahil sa pagkamatay ng isang bata na nabundol ng kanyang Expedition na minamaneho ng driver niya. Gumaan lamang ang kanyang pakiramdam nang malaman niyang malakas ang kanyang pelikulang Malikmata kung saan niya mga kabituin sina Dingdong Dantes, Marvin Agustin, Ana Capri, Nikki Valdez, Ricky Davao, Wowie de Guzman, Shintaro Valdez at Ms. Barbara Perez mula sa panulat at direksyon ni Joey Javier Reyes. 

Nung nakaraang December 27 ng tanghali, nagbigay ng blow-out party ang Canary Films dahil sa tagumpay ng Malikmata kaya naibsan ang naramdamang depression ni Rica dahil sa pagkamatay ng bata.  In fairness sa pamilya ni Rica, hindi sila nagpabaya sa pagtulong sa pamilya ng namatayan. 

Para makapag-relax, nagtungo ng Borocay ang pamilya ni Rica nung December 28 at doon na rin sila magpapalipas ng Bagong Taon. Bukod sa pamilya ni Rica, kasama rin niya ang kanyang boyfriend na si Bernard Palanca at boyfriend ng kanyang nakababatang kapatid na si Paula, si Paolo Misa. Sa Enero 2 ang balik ng mag-anak sa Maynila.   

Samantala, wala mang acting award na nakuha ang pelikulang Malikmata, masaya na rin si Rica dahil bukod sa tagumpay nito sa box office, nakakuha ito ng apat na technical award at kasama na rito ang Best Visual Effects, Best Musical Scoring, Best Sound at Best Editing na siya naman talagang gustong mangyari ni Direk Joey Javier Reyes nang makausap namin sa thanksgiving party ng Malikmata.   

Nung nakaraang Linggo, December 28, naglibot kami sa Sta. Lucia Grandmall at nakita namin na halos puno ang ticket box ng Malikmata at humahabol ito sa Fantastic Man at Captain Barbell.  Maganda rin ang turn-out ng mga pelikulang Mano Po 2 at Crying Ladies.
* * *
Mukhang inspired ngayon ang OctoArts big boss na si G. Orly Ilacad dahil parehong tumatabo sa takilya ang pelikulang Fantastic Man na co-produced ng OctoArts at M-Zet Films ni Vic Sotto at ang Malikmata ng Canary Films na sister company naman ng OctoArts. Dahil dito, malamang na maging aktibong muli ito sa pagpu-produce ng pelikula sa darating na Bagong Taon. For the last two years, tuwing MMFF nagpu-produce ang OctoArts ng pelikula unlike noon na halos buwan-buwan o every two months ay may bago silang pelikula.   

Naniniwala si Boss Orly na may pag-asa pang  sumiglang muli ang industriya ng pelikulang Pilipino kung susuportahan ng mga manonood ang mga locally-produced films. Paano nga naman magpapatuloy sa pagpu-produce ang mga producers kung hindi naman kumikita ang mga ito? 
* * *
Banner year na maituturing ng dancer-comedian na si Vhong Navarro ang taong 2003 dahil bukod sa may dalawa na siyang regular TV programs sa ABS-CBN, nakagawa siya ng  limang pelikula sa taong ito — Keka ng Viva, Pinay Pie ng Star Cinema, Asboobs ng isang independent film company, ang kanyang solo launching movie na Mr. Suave sa ilalim ng Star Cinema at ang Gagamboy ng MAQ Productions na isa sa siyam na official entries ng ongoing Metro Manila Film Festival. Hindi man nagsimula ang Gagamboy  nung Disyembre 25, malakas ang pag-asa ni Vhong sa pagsisimula ng kanyang pelikula sa Enero 1 dahil ganoon din ang nangyari sa kanilang Spirit Warriors 2 na pinagbidahan ng Streetboys kung saan isa sa mga original members si Vhong. 

Sa pagpasok ng Enero, agad namang sisimulan ni Vhong sa Star Cinema ang Otso-Otso na pagsasamahan nila ni Bayani Agbayani na ididirek ni Jerry Sineneng.

Kahit hiwalay na si Vhong sa kanyang misis na si Bianca Lapus, hindi siya nagpapabaya sa kanyang obligasyon sa kanyang anak na si Yce, now five years old.
* * *
Parehong wala sina Hilda Koronel at Eric Quizon sa nakaraang awards night ng MMFF na ginanap sa PICC Plenary Hall nung nakaraang Sabado, December 27. Hindi tuloy nila personal na tinanggap ang kanilang best supporting actress at best actor respectively dahil sa kanilang mahusay na pagkakaganap sa pelikulang Crying Ladies na siya ring pinalad na nanalong Best Picture at Best Director para sa baguhang film director na si Mark Meily. 

Mabuti’t hindi maagang umuwi si Maricel Soriano, otherwise, hindi sana niya personal na matatanggap ang kanyang Best Actress trophy para naman sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang Filipinas ng Viva Films na siyang nanalong 3rd Best Picture.

vuukle comment

BEST

DAHIL

FANTASTIC MAN

KANYANG

MALIKMATA

MIKO

SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with