^

PSN Showbiz

Nakuha ang titulong 'pictorial queen' na dating hawak ni LT

-
Sa halip na magkaroon ng party to celebrate her birthday, Tracy Torres, instead shared her blessings with the members of the press na nakatulong sa kanya the whole year of 2003.

Sa rami ng naglalabasang publicity photos ni Tracy ngayon, tinatawag na siyang Pictorial Queen. This tag used to be Lorna Tolentino’s several years back. Naalala namin, si Fanny Serrano pa ang nag-aayos kay LT at nagdidirek ng kanyang mga pictorial.

Natutuwa kami rito kay TT dahil sa ganda ng kanyang pananaw sa buhay. Mabait siya in person at makikita mo ang magandang breeding niya with the way she answers all the questions thrown at her.

Aminado siya na malungkot at maginaw ang Kapaskuhan dahil nag-iisa lang siya’t walang kasalong minamahal. Marami naman daw nanliligaw but it seems, wala sa mga ito ang hinahanap niya sa isang lalaki.

Iniilusyon niya si Jon Hall, ang modelo ng Bench na isa sa kapareha ni Aubrey Miles sa pelikulang Xerex ng Regal Entertainment.

"Feel ko yung dating ni Jon Hall, maganda ang body niya at parang laging amoy pawis. Gusto ko kasi yung natural na amoy ng isang lalaki at ayokong mas mabango sila sa akin, ‘no!

"Kahit man lang poster ni Jon ang ibigay sa akin for Christmas and for my birthday, masaya na ako. Sana lang, magkasama kami sa isang pelikula at maging leading man ko siya. I’m sure kahit anong ipagawa sa akin ng direktor, gagawin ko para sa kanya.

"Huwag naman ninyong isipin na seryosohan na ito, pero talagang sa career ko muna naka-focus ang atensyon ko ngayon. Ilusyon ko lang talaga si Jon, pantasya lang muna ako ngayon.

"Kundi naman, I wouldn’t mind kung may mag-mediate at ipakilala kami sa isa’t isa, kahit walang personalan, titigan lang kami, solve na ako, ha! ha! ha! ha!"

After her last movie Mapanukso, abala ngayon si Tracy sa mga show in and outside the Metropolis. Mahusay at masaya siyang performer on stage at ilang ulit na namin siya napanood, complete with audience participation. – Ben Dela Cruz

vuukle comment

AUBREY MILES

BEN DELA CRUZ

FANNY SERRANO

JON

JON HALL

LORNA TOLENTINO

PICTORIAL QUEEN

REGAL ENTERTAINMENT

TRACY

TRACY TORRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with