^

PSN Showbiz

Lucky at Kristine, nagdi-date na naman

RATED A - Aster Amoyo -
Muli na naman pinatunayan ni Vic Sotto ang lakas ng kanyang pwersa sa takilya sa pamamagitan ng Fantastic Man na muling pinamahalaan ni Tony Y. Reyes sa ilalim ng OctoArts Films at M-Zet Films, the same producers ng Lastikman na pinagbidahan din ni Vic. Although wala kami sa posisyon na mag-release ng figures, napag-alaman namin na ang pelikulang Fantastic Man ang siyang nanguna sa takilya nang ito’y magbukas sa mga sinehan nung nakaraang Pasko, December 25. Sumusunod ang Captain Barbell, pumapangatlo ang Mano Po 2 ng Regal Films, pumapang-apat ang Malikmata ng Canary Films, pang-lima ang Crying Ladies ng Unitel Pictures, pang-anim ang Filipinas ng Viva Films at pang-pito ang Homecoming ng Teamwork Productions
* * *
Kung masaya ang cast ng Fantastic Man, hindi rin maikubli ang kasiyahan ng mga stars ng Malikmata na patuloy na humahataw sa takilya. Kung tutuusin, hindi kasing laki ng cast ng ibang film entries ang stars ng Malikmata pero nakikipagpukpukan ito sa takilya.     

Kung tutuusin, gusto pa sanang mag-extend ng kanyang bakasyon si Rica sa Amerika kung saan siya nagkaroon ng month-long series of shows pero, kinailangan niyang bumalik agad dahil kailangan niyang tumulong sa promosyon ng kanyang  MMFF movie. Katunayan, magmula nang bumalik si Rica nung December 16 ng umaga ay wala na itong pahinga sa kanyang promo.

Ang Malikmata ay siyang kaisa-isang horror film na kasama sa festival.
* * *
Nung Martes (Dec. 23) ng gabi ay nagtungo kami sa tiangge sa Greenhills. Kung gaano kasiksikan sa sobrang dami ng tao ay nakuha pa rin nina Kristine Hermosa at Luis Manzano na makipagsiksikan sa tiangge. Hindi naman sila nagulat nang makita kami.  Katunayan, nakuha pa ng mga ito na bumeso sa amin. Ang nakakatuwa sa dalawa, hindi nila alintana ang attention sa kanila ng mga tao at patuloy pa rin sila sa paglilibot. Si Kristine ang namimili ng mga items  habang nakamasid lamang si Luis na hindi sumama sa kanyang Mommy (Vilma Santos) sa Amerika for the Christmas vacation. "May trabaho po kasi ako na hindi ko pwedeng iwan," paliwanag  sa amin ni Luis nang usisain namin kung bakit hindi siya kasama sa Amerika ng kanyang Mommy. Masusi naming tiningnan ang dalawa at doon lamang namin na-realize na bagay pala silang dalawa. Sila na nga ba?
*****
Pag-alis namin ng tiangge sa Greenhills, nagyaya ang anak kong si Aila Marie na puntahan din namin ang tiangge sa Eastwood City sa Libis at ganoon nga ang aming ginawa.  Nasa isang stall kami nang magkagulatan kami ng sexy star na si Patricia Javier. Hindi ang kanyang ex-boyfriend na si Marc Nelson ang kanyang kasama kundi isang gwapong Amerikano na ipinakilala niya sa aming si Rob

Tulad nina Kristine at Luis, hindi umiwas sa amin si Patricia nang makita kami unlike ang magkasintahang John Estrada at Vanessa del Bianco na umiwas sa ating mga kasamahang entertainment writers nang makita ang dalawa na namamasyal din sa Eastwood City nung nakaraang Lunes (Dec. 22) ng gabi.

Ang ipinagtataka lamang ng ating mga kasamahan sa panulat ay kung bakit iwas-pusoy ang dalawa sa mga taga-press samantalang inamin na ni John on national television kung gaano kahalaga sa kanya ang dating MTB mainstay. 

May dapat pa ba silang itago samantalang libre na rin naman si John dahil annulled na ang kanyang kasal sa asawang si Janice de Belen?
* * *
Si Direk Boots Plata pala ang acting coach sa pelikulang Mano Po 2. In fairness to him, napaarte niya nang husto ang lahat ng bumubuo ng cast ng pelikula na dinirek ni Erik Matti

Kapansin-pansin din ang laki ng ipinagbago ni Kris Aquino sa kanyang acting. Hindi na siya matatawag na ham actress. After all, may dalawang best supporting trophy na siyang pinanghahawakan courtesy of Mano Po 1 na dinirek ni Joel Lamangan. Pero ang pinakagusto namin ay ang role na ginampanan ni Zsa Zsa Padilla

Pagkatapos ng screening last Monday sa Eastwood Cinemas, ang role ni Zsa Zsa ang bukambibig ng mga nakapanood. 

Hindi kaya nagsisisi sina Lorna Tolentino at Dina Bonnevie na kapwa umayaw sa role ng second wife na napunta nga kay Zsa Zsa?
* * *
Nakaalis na ang mag-inang Ruffa Gutierrez-Bektas at Lorin Gabriella Gutierrez-Bektas pabalik ng Istanbul kasama ang yaya ng bata. Hindi na nakuhang sumunod pa ng Pilipinas ng husband ni Ruffa na si Yilmaz dahil marami pa itong inaasikasong business pero muling magkakasama ang pamilya Bektas at maging ang partido ni Yilmaz sa Enero 1 sa Cyprus kung saan sila magpapalipas ng Bagong Taon. 

Mayroong hotel at casino ang mga Bektas sa Cyprus kaya hindi nila kailangang mag-stay sa ibang hotel. Kung masaya ang pagdating nina Ruffa at Lorin sa Pilipinas, naging malungkot naman ang paalaman sa mga Gutierrez.

Wala pang definite schedule kung kelan muli babalik ang mag-inang Ruffa at Lorin sa Pilipinas pero kung si Ruffa lamang ang masusunod, gusto niyang dito mag-celebrate si Lorin ng kanyang unang kaarawan.
* * *
Ang aming taos pusong pagbati ng Manigong Bagong Taon sa lahat!  Sana’y maging mapayapa at mariwasa ang papasok na Bagong Taon!
* * *
[email protected]

CENTER

FANTASTIC MAN

KANYANG

KUNG

MALIKMATA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with