LT,natutuwa na magtrabaho sa GMA kahit kontrabida siya sa bagong teleserye
December 28, 2003 | 12:00am
Na-interview ni Archie de Calma si Lorna Tolentino at nabanggit nito ang tuwa sa pagiging bahagi niya ng bagong teleserye ng GMA-7 na as of now, wala pang final title. Mula sa Hiling, naging Pag-ibig Koy Sa Yo Lang Ibibigay at ngayon, Giliw na raw ang title ng teleserye na magkatulong na dinidirek nina Joey Reyes at Marc Reyes.
Nagustuhan ni LT ang working condition sa Channel 7 dahil two months nakaplano ang episode at di pinapalitan. Type rin ni LT ang role niyang powerful and rich woman in a community dahilan para siyay katakutan ng kanyang mga kasama. May pagka-kontrabida ang role ni LT na first time niyang gagawin sa telebisyon.
Nilinaw din ni LT kay Archie na di totoo ang tsismis na nagtampo siya kay Director Erik Matti dahil lumiit ang exposure niya sa Mano Po 2. Ayon kay LT, naintindihan niya ang pag-iksi ng exposure niya sa Regal Entertainment movie at alam niyang para ito sa ikagaganda ng pelikula.
Napanood na namin ang MP 2 at hindi pa rin naman nagpahuli si LT sa mga kasama sa pelikula. May mga highlight din siya at isa ritoy ang breakdown scene niya nang mag-suicide si Richard Gutierrez na gumaganap na kanyang anak.
Mourning Girls ang title ng next movie ni Director Gil Portes after Homecoming. Istorya ito ng apat na babae na nag-aagawan sa iisang lalake. Sa pagkamatay lang ng kanilang asawa nila malalamang apat pala sila sa buhay nito at apat silang asawa nito. Kwela ang ending ng movie dahil sa ending, mabubulgar na may karelasyon ding bading ang lalaki.
Naghahanap si Direk Gil ng apat na artistang babae at sa aktor na gaganap na bading na karelasyon ng pag-aagawang lalaki na babagay sa role ng kanyang pelikula. Kung pupwede lang si Alessandra de Rossi, kasama sana siya sa pelikula. Pero, sabi ni Direk Gil, masyadong bata si Alex para sa role na kabit. Kaya lang, dahil signature actress siya ni Direk Gil, hindi kami magugulat kung makakasama rin siya sa cast ng pelikula.
Kay Sarah Geronimo inila-loveteam si Mark Bautista pero, si Amanda Griffin ang biggest crush nito. Ang wish ni Mark ay makitat makilala niya si Amanda na sa show nitong F at sa mga magasin at newspaper pa lang niya nakikita.
"Maganda nay parang mabait pa siya. Hindi naman siguro ako dededmahin noon. Saka, crush ko lang naman siya, di ko naman liligawan," pahayag ni Mark.
Alam ni Mark na marami ang may gusto sa loveteam nila ni Sarah kahit off-cam ay "Kuya" ang tawag nito sa kanya. Akala tuloy ng kanilang fans ay hindi feel ni Sarah na siyay maka-loveteam dahil dito. Sabi naman ni Mark, gumagalang lang sa kanya si Sarah dahil mas matanda siya talaga rito.
"Hanggang loveteam lang kami noon. Hindi ko siya liligawan at parang kapatid ko yun. Sabay kami sa Star For A Night at natutuwa ako sa success niya ngayon. Im sure, happy din siya na may album na rin ako," ani Mark.
Nai-promote na ng husto ni Mark ang kanyang self-titled album mula sa Viva Records. Twelve-track album ito kasama ang "Ngayon at Kailanman" na ipinanlaban niya sa Star For A Night at carrier single naman nito ang "Baliw" na isa sa 12 finalists sa 1st Levi Pop Song Writing Festival.
Sa first day ng Metro Manila Film Festival, nanguna sa box-office ang Fantastic Man at second placer ang Captain Barbell. Nasa third place ang Mano Po 2, sumunod ang Crying Ladies, pang-apat ang Filipinas, pang-lima ang Malikmata at panghuli ang Homecoming. Pero, ine-expect naming magbabago ang trend nito after Saturdays awards night.
Sa Robinsons Galleria kami nanood at nakakatuwang ang mga bata ang nasusunod kung anong pelikula ang kanilang panonoorin. Ang mga bagets kasi ang may pera dala nang napamasko nila, kaya sila ang nasusunod ha-ha-ha!
Sa pamamagitan ng kolum na itoy binabati namin ng Masayang Bagong Taon ang mga kaibigan naming sina Dave Rojo ng Los Angeles, California at Ed Ramos Bautista and his family na nasa San Diego, California. Nalaman namin kay Dave na nababasa ni Ed sa Internet ang Pilipino Star Ngayon at lagi niyang sinusubaybayan ang About Showbiz mula nang magsimula itong lumabas dito.
Nagustuhan ni LT ang working condition sa Channel 7 dahil two months nakaplano ang episode at di pinapalitan. Type rin ni LT ang role niyang powerful and rich woman in a community dahilan para siyay katakutan ng kanyang mga kasama. May pagka-kontrabida ang role ni LT na first time niyang gagawin sa telebisyon.
Nilinaw din ni LT kay Archie na di totoo ang tsismis na nagtampo siya kay Director Erik Matti dahil lumiit ang exposure niya sa Mano Po 2. Ayon kay LT, naintindihan niya ang pag-iksi ng exposure niya sa Regal Entertainment movie at alam niyang para ito sa ikagaganda ng pelikula.
Napanood na namin ang MP 2 at hindi pa rin naman nagpahuli si LT sa mga kasama sa pelikula. May mga highlight din siya at isa ritoy ang breakdown scene niya nang mag-suicide si Richard Gutierrez na gumaganap na kanyang anak.
Naghahanap si Direk Gil ng apat na artistang babae at sa aktor na gaganap na bading na karelasyon ng pag-aagawang lalaki na babagay sa role ng kanyang pelikula. Kung pupwede lang si Alessandra de Rossi, kasama sana siya sa pelikula. Pero, sabi ni Direk Gil, masyadong bata si Alex para sa role na kabit. Kaya lang, dahil signature actress siya ni Direk Gil, hindi kami magugulat kung makakasama rin siya sa cast ng pelikula.
"Maganda nay parang mabait pa siya. Hindi naman siguro ako dededmahin noon. Saka, crush ko lang naman siya, di ko naman liligawan," pahayag ni Mark.
Alam ni Mark na marami ang may gusto sa loveteam nila ni Sarah kahit off-cam ay "Kuya" ang tawag nito sa kanya. Akala tuloy ng kanilang fans ay hindi feel ni Sarah na siyay maka-loveteam dahil dito. Sabi naman ni Mark, gumagalang lang sa kanya si Sarah dahil mas matanda siya talaga rito.
"Hanggang loveteam lang kami noon. Hindi ko siya liligawan at parang kapatid ko yun. Sabay kami sa Star For A Night at natutuwa ako sa success niya ngayon. Im sure, happy din siya na may album na rin ako," ani Mark.
Nai-promote na ng husto ni Mark ang kanyang self-titled album mula sa Viva Records. Twelve-track album ito kasama ang "Ngayon at Kailanman" na ipinanlaban niya sa Star For A Night at carrier single naman nito ang "Baliw" na isa sa 12 finalists sa 1st Levi Pop Song Writing Festival.
Sa Robinsons Galleria kami nanood at nakakatuwang ang mga bata ang nasusunod kung anong pelikula ang kanilang panonoorin. Ang mga bagets kasi ang may pera dala nang napamasko nila, kaya sila ang nasusunod ha-ha-ha!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended