^

PSN Showbiz

Sexy stars nagbigay ng ningning sa Christmas Party ng Pilipino Printing

-
Hindi na sila palaban lamang sa paghuhubad. Ito ang pinatunayan ng mga sexy stars na dumalo sa Christmas party ng aming sister company, ang Pilipino Printing sa paanyaya nina G. Mar Gemino at Ms. Deng Figueroa, dalawa sa namumuno sa nasabing kumpanya.

Ang pagdiriwang na ang theme ay Filipiniana ay nagsimula sa ika-apat ng hapon at natapos ilang minuto makaraan ang ika-9 ng gabi.

Naunang dumating si Diana Zubiri na kasama ang aming kapatid sa hanapbuhay at manager niya na si Jojo Gabinete. Nagparinig siya ng dalawang awitin sa kasiyahan ng lahat.

Fortunately, lahat ng mga bisita ay nagkaroon ng audience participation. Nakipagsayaw sila, nakipagkantahan sa mga empleyado ng Pilipino Printing sina Gwen Garcia ng Viva Hot Babes, Hanni Miller at Yda Manzano, mga artista ni Richard Hiñola, Maye Tongco, Rajah Montero at Anne Borromeo, mga alaga ni Bing Tongco na dala-dala naman ni Rodel Fernando.

Mayro’ng dumating na mga singers, sina Sharmaine Santiago of the Mayumi TV fame, Aimee Torres na hindi rin patatalbog sa mga kapwa nila guests sa paseksihan.

Pero, ang pinaka-star ng party ay mismong ang mga manggagawa na bawat departamento na naghanda ng kani-kanilang production number, mula sa maglalatik, tinikling hanggang sa subli dance na nilagyan ng flavor ng mga bagong kanta gaya ng "Otso-Otso" at "Spageti".

Bukod sa mga malalaking cash prizes, nakapag-uwi rin sila ng mahahalagang gamit sa bahay.

AIMEE TORRES

ANNE BORROMEO

BING TONGCO

DENG FIGUEROA

DIANA ZUBIRI

GWEN GARCIA

HANNI MILLER

JOJO GABINETE

PILIPINO PRINTING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with