^

PSN Showbiz

Vic Sotto,ipo-produce ng movie si Junie Lee

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Hanga si Vic Sotto kay Michael V. pagdating sa pagpapatawa lalo na ngayong ginagampanan nito ang karakter ni Junie Lee sa TV.

"Gusto kong iprodyus ng pelikula si Junie Lee at si Michael ang gaganap na bida. Gaya ng dati magiging co-producer ko si Orly Ilacad at si Tony Reyes pa rin ang magdi-direk. Hopefully ay makagawa sana ako ng dalawang pelikula next year," aniya.

"Bakit naman si Junie Lee ang gusto mong igawa ng pelikula?" tanong namin.

"Naiiba kasi ang karakter ni Junie Lee. Nakakatuwa kaya ibo-blow-up ko lang ang istorya. I believe in Michael kaya bagay sa kanya ang role na ito," pagtatapos pa nito.

Abala ngayon sa promosyon ng Fantastic Man si Vic. Sinasabing very entertaining ang movie na tiyak na magugustuhan ng mga bata nang higit pa sa Lastikman. Sinabi pa rin nito na naka-costume siya ng Fantastic Man pagsakay sa karosa sa Parade of Stars sa December 24.
Mahilig Magpa-Derma Si Boyet


Isa si Boyet de Leon sa maalaga sa katawan kaya naman hindi ito tumatanda at malakas pa rin ang appeal sa mga kababaihang aktres. Naibalita ko noon kung ilang beses itong magsepilyo ayon sa ilang aktres na nakausap ko kaya naman laging mabango ang hininga nito.

Makinis din ang kanyang kutis kaya may nagtatanong kung paano nito napapangalagaan ang kutis. Akala nga ng iba ay sumailalim ito ng plastic surgery para magmukhang bata.

Sinabi ni Sandy Andolong na gabi-gabi ay gumagamit ito ng peeling lotion ito at buwan-buwan ay nagpapa-derma sa kanyang dermatologist na si Dra. Jacinto.

Dalawang buwang nagbakasyon sa Amerika si Sandy dahil nagkasakit ito sa kidney pero okey na ngayon. Malalaki na rin ang mga anak nilang lalaki na si Rafael who’s 21 years old na, Miguel (18) at si Gabriel (14). Ang dalawa naman niyang anak na babae ay sina Marielle (10) at si Mica ay 7 years old.

May TV show si Sandy kung saan mommy siya ni Danica Sotto sa May 1, 2 Love na napapanood sa GMA 7 tuwing Linggo.
Dingdong, Iiwan Na Naman Ni Toni!
Lucky year ang 2003 para kay Dingdong Dantes. Naging abala ito sa maraming trabaho sa TV gaya ng Starstruck na napakataas ng rating ngayon at sa soap opera na Twin Hearts. Nagdirek din ito ng Kakabakaba.

Kasama ito ngayon sa Malikmata at sasama sa Parada ng mga Bituin. Nalulungkot naman ito sa kabilang banda dahil aalis na sa Enero ang nobyang si Antoinette Taus patungong Amerika, at matagal ding mawawala dahil sa States muna ang dalaga. Kapag may panahon na lang ay dadalawin siya doon ng aktor.
Angel, Maaasahan Din Sa Pag-Arte
Magaling umarte si Angel Aquino na Maria Salazar sa tunay na buhay. Hindi siya nilamon sa mga eksena sa Crying Ladies nina Sharon Cuneta at Hilda Koronel.

Unang inilunsad bilang ganap na bituin si Angel sa pelikulang Mumbaki. Ginampanan ang papel ng isang dalagang Igorot at nabigyan ito ng nominasyon bilang new actress of the year sa Star Awards noong 1966. Ikalawang movie nito ang Goodbye Amerika na kung saan naipamalas ang potensyal sa acting.

Sa kasalukuyan ay isa ito sa co-host ng weekly women’s magazine show titled F. Isa si Angel sa napiling isa sa 10 pinakamagandang babae ng Mega Magazine at isa sa top supermodels ng Preview Magazine. Paborito rin ang aktres na maging cover ng halos lahat ng fashion and womens magazine sa bansa. Tapos si Angel ng AB journalism sa UP, Baguio.
Vanessa, John, Together Again!
Nakita namin si Vanessa del Bianco sa isang resto bar sa Libis, Quezon City matapos ang press preview ng Filipinas. Higit siyang maganda ngayon at sexy kaya kahit nakatagilid ay pinagtitinginan pa rin ng mga tao.

Tiyak na magiging masaya ang Kapaskuhan ni John Estrada dahil magkasama sila ng kanyang mahal. Pero after New Year ay muling babalik ng Canada ang dating aktres.

Pinabulaanan nito ang balitang may anak na sila ni John bagama’t open na ang relasyon ng dalawa. Ewan lang namin kung ipapasyal ng aktor ang kanilang anak ni Janice de Belen ngayong Pasko dahil narito si Vanessa.
Francine, Bagong Reyna Ng Seiko
Hindi kami nagtataka kung bakit alaga ngayon ng Seiko Films si Francine Prieto. Naniniwala si Robbie Tan na sisikat ito balang araw at mag-aakyat ng pera sa kompanya.

Nasabi ko ito dahil noong Parada ng mga Bituin sa San Fernando sa Pampanga ay kilala na ito ng mga kalalakihan. Litaw na litaw ang kaseksihan nito at fresh ang beauty nang sumakay ng karosa kaya walang kakurap-kurap ang mata ng mga kalalakihan. Kahit sa mismong parada ay tinatawag ito ng mga tao. Payo lang namin na sanay huwag lumaki ang kanyang ulo. Kunsabagay magaling naman ang humahawak sa kanyang career na si Ces Evangelista na kapatid sa hanapbuhay at isa ring director.
Feeling Sikat Na Ang Sexy Actress
Marami raw utang ang sikat na seksing aktres na ito kaya kailangan ng pera. Ang naisipan nito ay taasan na lang ang talent fee kung saan ang asking price ay P1.5 M. Sino naman kaya ang kukuha sa kanya?

Kaya naman dahil feeling supersikat ng seksing aktres ay biglang umatras ang isang independent outfit na gustong kumuha sa kanyang serbisyo.

vuukle comment

CENTER

FANTASTIC MAN

JUNIE LEE

KAYA

NAMAN

NITO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with