Dick at AiAi, pinalakas ang loob ni Vhong
December 22, 2003 | 12:00am
Kapansin-pansin sa mukha ni Vhong Navarro ang pagkadismaya dahil hindi napabilang ang kanyang pelikulang Gagamboy sa Magic 7 sa Metro Manila Film Festival Philippines 2003 na ipapalabas sa December 25 playdate. Nagpahayag ito na malaki ang kanyang tampo sa committee na nag-screen sa mga kalahok ng pelikulang napasama sa Magic 7.
Ito dapat ang kanyang launching movie dahil mas nauna pa niya itong nagawa kaysa Mr. Suave na tumipak sa takilya. Nagkaroon pa ng konting init sa pagitan ng Regal na gumawa ng Gagamboy at ng Star Cinema na gumawa naman sa Mr. Suave dahil nga na pre-empt ng huli na dapat sana ay launching movie ng komedyante.
Ang tanging naging pakunswelo ng komedyante ay nakasanayan na nito ang magkaroon ng New Year playdate ang kanyang pelikula. Tulad noong nakaraang taon na napunta rin sa bagong taong playdate ang kanilang Spirit Warriors na naging isa sa tatlong pinakamalakas ang kita. Kaya umaasa siya na ganoon din ang mangyayari sa kanyang pelikula.
Isa pa sa pakunswelo ng aktor ay ang buong pusong pagsuporta ng kanyang mga kaibigan sa industriya na kinabibilangan nina Roderick Paulate at Ai-Ai delas Alas. Talagang nadagdagan ang fighting spirit ng komedyante nang sabihin sa kanya na maganda ang playdate ng Bagong Taon. Ito ang panahon na mapera ang mga bata na siyang target market ng kanyang pelikula.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended