Star Circle Quest,gaya sa Starstruck!
December 17, 2003 | 12:00am
Ang taas ng rating ng Starstruck ng GMA-7. Nagkaroon na ng maraming tagahanga ang mga bagets na kasali roon. Ang ibay nabigyan na ng TV show, komersyal at may nag-aalok na sa kanila ng pelikula.
Lahat ng kasali sa Starstruck at kahit yong natatanggal ay puro mga gwapo, maganda at may potensyal sa akting.
Minsan ay may tumawag sa aking kaibigang kolumnista at ibinalitang may bago na ring programa ang ABS-CBN na pinamagatang Star Circle Quest. Ginaya nila ang format ng Starstruck at linggu-linggo ay nagtatanggal din sila ng talent gaya ng ginagawa ng Siyete." Wala ba silang originality?" pahayag ng aking kaibigan.
Hindi ko palalampasin na panoorin ang bagong programang ito ng Dos para malaman kung totoo ngang nanggagaya sila sa Siyete.
Inamin ni Hilda Koronel sa isang pakikipagkwentuhan sa amin na malaki ang ipinagbago niya sa pagdaan ng mga taon. "Pasensyosa na ako at hindi na nagagalit. Noon kapag late ang isang artista sa set ay kinukumpronta ko agad siya. Kapag may addict na aktor o aktres ay kinagagalitan ko naman. Hindi na ngayon. Kuntento na rin ako sa mga mother roles bastat maganda ang proyekto."
Masaya rin ang kanyang lovelife. Pitong taon na ang relasyon nila ng businessman na si Ralph Moore.
Hindi rin payag si Hilda na pasukin ang showbiz ng kanyang mga anak na babae.
Natutuwa ito dahil kasama siya sa Crying Ladies sa MMFF. Saludo siya sa pagiging cool na direktor ni Mark Meily. "Di siya gaya ng ibang mga direktor na temperamental at wala na yatang ginawa kundi sumigaw nang sumigaw kaya apektado rin ang beauty ko," aniya.
Matatag pa rin ang relasyon nina Dingdong Dantes at Antoinette Taus. Pero hindi naman sila umaasa na sila pa rin ang magkakatuluyan pagdating ng panahon. Ipinauubaya na lang nila ito sa tadhana. Bastat ang mahalaga ay masaya sila at kapwa tinatapos ang pag-aaral sa Ateneo.
May tsismis na may anak na ang dalawa at nasa Amerika raw ito na madalas dalawin doon ni Toni.
Pinabulaanan ni Dingdong ang balita at sinabing kung totoo man ito ay hindi nila ito itatago dahil blessing ito at ipagmamalaki pa sakaling totoo ngang may anak na sila.
Sa kabilang banda, hanga kami sa galing umarte ni Dingdong sa Twin Hearts katambal si Tanya Garcia.
Walang anak na babae si Lorna Tolentino kaya tuwang-tuwa ito sa kanyang apong si Chelsea na anak ni Mark Anthony Fernandez. Limang taong gulang na ang bata at kamukhang-kamukha ito ni Mark. Tatlong beses sa isang linggo kung dalhin sa kanila ang bata at minsan ay doon pa natutulog sa kanilang bahay ni Rudy.
Malalaki na ang mga anak na lalaki ni Lorna na sina Renz at Ralph na parehong nag-aaral sa Ateneo. Nanliligaw na rin ang mga ito kaya walang mapaglibangang bata sa bahay. Kung pwede nga lang ay gustong ampunin ni LT si Chelsea.
Kung okey na kay Lorna na maging lola ng mga anak ni Mark Anthony Fernandez ay di naman type ni Bong Revilla na maging lolo. Kaya nga lagi nitong pinangangaralan ang mga anak na sina Bryan at Jolo na huwag munang magpakaseryoso sa panliligaw at pag-ibig dahil baka makabuntis sila. Okey naman kay Bong na makipag-date ang mga anak pero hanggang doon lang. "Sa edad naming ito ni Lani ay parang hindi pa bagay na maging lolo at lola," aniya.
Nagkaroon ng show ang isang sikat na sexy star. Sa isang dance number ay nagkaroon ito ng mga gwapong back-up dancers. Isa sa kanila ay natipuhan ng seksing aktres.
Matapos ang show ay nagtsikahan ang dalawa at sabay na umalis. Ayon sa aking source ay dinala ng aktres ang dancer sa kanyang condo.
Ang sexy actress ay kontrobersyal at mahilig sa gimik kaya laging napag-uusapan. Dahil din sa gimik ay mabilis itong nakagawa ng pangalan at bukod sa pagbibida sa pelikula ay laging guest sa TV.
Lahat ng kasali sa Starstruck at kahit yong natatanggal ay puro mga gwapo, maganda at may potensyal sa akting.
Minsan ay may tumawag sa aking kaibigang kolumnista at ibinalitang may bago na ring programa ang ABS-CBN na pinamagatang Star Circle Quest. Ginaya nila ang format ng Starstruck at linggu-linggo ay nagtatanggal din sila ng talent gaya ng ginagawa ng Siyete." Wala ba silang originality?" pahayag ng aking kaibigan.
Hindi ko palalampasin na panoorin ang bagong programang ito ng Dos para malaman kung totoo ngang nanggagaya sila sa Siyete.
Masaya rin ang kanyang lovelife. Pitong taon na ang relasyon nila ng businessman na si Ralph Moore.
Hindi rin payag si Hilda na pasukin ang showbiz ng kanyang mga anak na babae.
Natutuwa ito dahil kasama siya sa Crying Ladies sa MMFF. Saludo siya sa pagiging cool na direktor ni Mark Meily. "Di siya gaya ng ibang mga direktor na temperamental at wala na yatang ginawa kundi sumigaw nang sumigaw kaya apektado rin ang beauty ko," aniya.
May tsismis na may anak na ang dalawa at nasa Amerika raw ito na madalas dalawin doon ni Toni.
Pinabulaanan ni Dingdong ang balita at sinabing kung totoo man ito ay hindi nila ito itatago dahil blessing ito at ipagmamalaki pa sakaling totoo ngang may anak na sila.
Sa kabilang banda, hanga kami sa galing umarte ni Dingdong sa Twin Hearts katambal si Tanya Garcia.
Malalaki na ang mga anak na lalaki ni Lorna na sina Renz at Ralph na parehong nag-aaral sa Ateneo. Nanliligaw na rin ang mga ito kaya walang mapaglibangang bata sa bahay. Kung pwede nga lang ay gustong ampunin ni LT si Chelsea.
Matapos ang show ay nagtsikahan ang dalawa at sabay na umalis. Ayon sa aking source ay dinala ng aktres ang dancer sa kanyang condo.
Ang sexy actress ay kontrobersyal at mahilig sa gimik kaya laging napag-uusapan. Dahil din sa gimik ay mabilis itong nakagawa ng pangalan at bukod sa pagbibida sa pelikula ay laging guest sa TV.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended