Ok lang kay Vic kahit medyo mahal ang cooking course ni Danica
December 17, 2003 | 12:00am
Kung galante man si Vic Sotto sa mga kaibigan at ka-trabaho, lalo na sa kanyang mga anak. Wala itong pagtutol munti man nang sabihin sa kanya ni Danica na gusto nitong mag-aral ng cooking sa Switzerland. Si Danica ang panganay sa dalawang anak nila ni Dina Bonnevie. Ang bunso, si Oyo Boy, ay supportive sa desisyon ng kapatid na mag-aral sa ibang bansa.
"Bunso nga sa magkapatid si Oyo Boy pero parang mas mature siya kay Danica. At maski si Danica ay aware dito kaya nga "kuya" ang tumataginting na tawag niya sa kapatid gayong siya ang "ate" nito," kwento ni Vic.
"Nakakatuwa na namana ni Danica ang hilig sa pagluluto ng nanay niya. Kaya nga wala akong tutol na karerin niya ito kahit mahal pa ang ibabayad ko sa culinary education na ipo-pursue niya, Swiss francs ang kailangan," patuloy pa ni Vic.
Makakasama ni Vic sina Danica at Oyo Boy sa noche buena at maging sa araw ng Pasko. "Tradisyon na namin ang magkasama-sama sa araw ng Pasko at maging sa Bagong Taon," kwento ni Vic na abala ngayon sa promosyon ng Fantastic Man na entry ng kumpanya niyang M-Zet at ng Octo-Arts Films sa Metro Manila Film Festival.
Panalo sa 2003 Anak TV Awards sa Soka Gakkal International Auditorium, QC nung Disyembre 11 ang Biyaheng Langit, isang programang tele-magazine na tatlong taon nang nagtatampok ng mga kwento ng buhay ng mga overseas Filipino workers at migranteng Pinoy. Napapanood tuwing Sabado sa RPN9, 3:30 n.h. at nagtatampok sa mag-amang Rey at Reyster Langit.
Ang parangal ay isinabay sa pagdiriwang ng International Childrens Day of Broadcasting at ang pagbibigay parangal ng Southeast Asian Foundation for Childrens Television sa 45 na programang pang-telebisyon na itinuturing nilang family friendly. Nagsimula nung taong 2000, ang nabanggit na organisasyon ay taun-taon nagbibigay ng seal of approval sa mga programang nakakapasa sa mga mapanuring humigit-kumulang na 3000 hurado sa buong Pilipinas.
Itinuturing ni Maye Tongco na isang magandang Christmas gift ang pagkakalusot ng pelikula niyang Alipin sa appeals committee ng Malacañang matapos na ma-double X ito. Naipalabas ito nung Dis. 10 at maganda ang naging resulta nito sa takilya. Nasa ikalawang linggo na ito ng pagpapalabas sa mga sinehan.
Pagkatapos ng matagumpay na video collection ni Joyce Jimenez, si Diana Zubiri naman ang ginawan ng BMG Records Pilipinas, Inc. ng sarili niyang koleksyon.
Pinamagatang DeZire: The Diana Zubiri Videoke Collection, makikita rito ang aktres sa mga kuhang di nyo pa nakikita naglalaro sa dagat, nasa shower at iba pang sexy at sensual scenes na kuha ni Raymund Isaac. Ito na marahil ang masasabing pinaka-daring na video ni Diana, mas daring pa sa kanyang mga ginawang movies.
Ang kolekyon ay may apat na volumes na nagtataglay ng mga famous sing-along songs, classics na tulad ng "The Greatest Love Of All", "The Way We Were"; all time favorites gaya ng "My Love Will See You Through"; pop hits na "If You"re Not The One", "To Love You More" at OPM, "Never Ever Say Goodbye" at "Kung Ako Na Lang Sana".
"Bunso nga sa magkapatid si Oyo Boy pero parang mas mature siya kay Danica. At maski si Danica ay aware dito kaya nga "kuya" ang tumataginting na tawag niya sa kapatid gayong siya ang "ate" nito," kwento ni Vic.
"Nakakatuwa na namana ni Danica ang hilig sa pagluluto ng nanay niya. Kaya nga wala akong tutol na karerin niya ito kahit mahal pa ang ibabayad ko sa culinary education na ipo-pursue niya, Swiss francs ang kailangan," patuloy pa ni Vic.
Makakasama ni Vic sina Danica at Oyo Boy sa noche buena at maging sa araw ng Pasko. "Tradisyon na namin ang magkasama-sama sa araw ng Pasko at maging sa Bagong Taon," kwento ni Vic na abala ngayon sa promosyon ng Fantastic Man na entry ng kumpanya niyang M-Zet at ng Octo-Arts Films sa Metro Manila Film Festival.
Ang parangal ay isinabay sa pagdiriwang ng International Childrens Day of Broadcasting at ang pagbibigay parangal ng Southeast Asian Foundation for Childrens Television sa 45 na programang pang-telebisyon na itinuturing nilang family friendly. Nagsimula nung taong 2000, ang nabanggit na organisasyon ay taun-taon nagbibigay ng seal of approval sa mga programang nakakapasa sa mga mapanuring humigit-kumulang na 3000 hurado sa buong Pilipinas.
Pinamagatang DeZire: The Diana Zubiri Videoke Collection, makikita rito ang aktres sa mga kuhang di nyo pa nakikita naglalaro sa dagat, nasa shower at iba pang sexy at sensual scenes na kuha ni Raymund Isaac. Ito na marahil ang masasabing pinaka-daring na video ni Diana, mas daring pa sa kanyang mga ginawang movies.
Ang kolekyon ay may apat na volumes na nagtataglay ng mga famous sing-along songs, classics na tulad ng "The Greatest Love Of All", "The Way We Were"; all time favorites gaya ng "My Love Will See You Through"; pop hits na "If You"re Not The One", "To Love You More" at OPM, "Never Ever Say Goodbye" at "Kung Ako Na Lang Sana".
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended