Joel Torre, walang planong mag-pulitika
December 15, 2003 | 12:00am
Napaka-gentleman pala ni Joel Torre. Ilonggo talaga ang pag-uugali nito. Malambing at napaka-sweet ang porma. Napaka-swerte talaga ng asawa nitong si Cristina kung saan may dalawa itong anak.
Nakilala si Joel Torre sa pelikulang Oro, Plata, Mata ni Direk Peque Gallaga na sinundan ng markadong papel sa Init Sa Magdamag ni Lorna Tolentino sa Viva Films.
Lately, naging paborito na siyang isama sa mga pelikula ng Golden Lion Films nina Direk Carlo Caparas at Donna Villa. Ilan sa mga pelikula niyang ginawa rito ay ang The Myrna Diones Story, The Lilian Velez Story, Lipa Massacre at filmbio story ni Sec. Obet Pagdanganan Story. Last ang Chavit ni Cesar Montano, Dina Bonnevie. "Lucky charm raw kasi ako," bungad ni Joel Torre sa PSN.
Walang kabalak-balak makigulo o pasukin ni Joel ang pulitika. Ibang linya ang gusto niya, ang magkaroon ng sariling negosyo at ito ngayon ang negosyo nila, ang JT Manukan Grill sa Gilmore Ave., Ortigas.
"Yang pulitika, hindi ko naging ilusyon! Hindi ko linya yan! Ayaw kong yumaman sa pera ng ibang tao. Dadami pa ang kaaway ko kapag pinasok ko ang pulitika! Tama na itong pag-aartista ko! Ang magnegosyo at magkaroon ng sariling pamilya ang gusto naming mag-asawa! Boni A. Casiano<

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended