^

PSN Showbiz

27 artista may exhibitng painting sa Muebles Italiano

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Higit na bongga at malaki ngayon ang All Star Art and Painting Exhibit na gaganapin sa Muebles Italiano mula Disyembre 17 hanggang Enero 16. Nasa ikalawang taon na ang annual art/showbiz happening na ito with Maria Isabel Lopez.

Nagmagandang loob ang mga art patrons na sina Mr. & Mrs. Noel & Aileen Gonzales – may-ari ng Muebles Italiano – na doon gawin ang exhibit sa kanilang main showroom at home depot sa Pasong Tamo, Makati City. Nasa pagtataguyod pa rin ito ng Rotary Club of Makati Central at sa taong ito, mapupunta sa Breaking Barriers National Art Contest for the Handicapped, scholarship program para sa kabataan ng Manggahan Floodway, sa Talao-Talao Medical and Dental Mission at para sa Ten Outstanding Students of the Philippines search ang kikitain ng exhibit.

Pinahayag ng negosyante at art patron na si Noel Gonzales na ang target nila ay makalikom ng at least P5 milyon mula sa art exhibit. Magkakaroon pa ng diamond and jewelry sale sa venue kaya’t dito lang ay baka sakaling isang item lang ang mabenta may P10 milyon na!

Very optimistic ang Rotary Club of Makati Central na malaking halaga ang malilikom nila sa loob ng isang buwan.

Sa All Star Art and Painting Exhibit na malapit ng magbukas, 27 mga showbiz personalities ang participants. Lahat sila ay allowed na maximum 5 pieces at minimum of 3 works na ma-exhibit. Ang mga kasali: Cesar Montano, Rosanna Roces, Francis Magalona, Rachel Lobangco, Ruby Rodriguez, Cris Villanueva, Criselda Volks, Baron Giesler, Joey De Leon, Dranreb Belleza, Michael V., Nadia Montenegro, Danny Zialcita, Leo Rialp, Mark Aquino, Victor Wood, Lani Lobangco, Rommel Montano, Celso Ad. Castillo, Evangeline Pascual, Andrea Del Rosario, Kaye Dacer, Maria Isabel Lopez, Heber Bartolome, Al Quinn, Vic Vargas at Jao Mapa.

Kasali rin sa exhibit ang mga sikat at premyadong mga artists na sina Ricardo "Gerry" Dueñas, Heritage Gallery artists at ang Contreras Sculptures.

Ilan sa participating artist nakausap namin tulad ni Dranreb Belleza na anak ni Divina Valencia. Kaibigan ko si Divina, kaya’t ang turing ko kay Reb, apo ko na. Matagal din kaming nagkasama ng ina niyang si Baby, noong mga paslit pa lamang sila ng kapatid niyang si Maricris.

Si Dranreb, tulad ng karamihan sa mga artistang kasali, ilang beses na nagkaroon ng one-man exhibit ng kanilang mga paintings.

Kabilang sa kanyang exhibits ay ginawa sa Thomas Jefferson Cultural Center at ibang local galleries. Nakapag-exhibit na rin siya sa iba’t ibang States ng U.S. of A. at hanggang sa ibang bansa sa Asia at sa Venice, Italy.

Nag-aral sa U.P. College of Fine Arts si Reb, pero aminado siyang hindi siya naka-graduate.

Karamihan sa kanyang gawa, malalaking paintings at mga murals. Madalas sa kanyang paintings, mga commisioned works. Kinokontrata siyang gumawa ng murals ng mga corporations sa mga fashionable buildings.

Iba’t iba ang subjects ng kanyang mga obra. Kadalasan ang mga current issues ang kanyang napagtuunan ng pansin.

"Tulad ngayon, balita na ipatutupad na muli ang death penalty," sabi ni Reb. "I’m very much against killing a person as punishment. Nobody has the right to take away a person’s life."

Kaya malamang na ang kanyang mga ipipinta sa mga panahong ito ay tungkol sa temang ito.

Kasapi si Dranreb sa Amnesty International at active member din siya ng Green Peace. Malinaw na tema rin ng kanyang mga paintings ang tungkol sa human rights at ang pagkakait sa mga tao nito. Paborito pa niyang paksa sa mga pinipinta ang environmental concerns. Kaya di nakapagtataka na magagandang nature trips ang nailalarawan niya.

Isa pang kasali sa All-Star Art Exhibit ay ang Miss World first runner up na si Evangeline Pascual. Ang sabi niya, "There’s more challenge in this year’s exhibit. We have to work so much more this year dahil higit na malaki ang expectations ng mga tao this time."

Tiniyak naman ni Maria Isabel Lopez na pawang mga high-quality works lamang ang kanilang isinama sa art exhibit.

Sa mga art collectors o mga taong naghahanap ng magandang pang-dekorasyon sa inyong mga bahay, bisitahin agad ang All-Star Art and Painting Exhibit sa Muebles Italiano. Pwedeng-pwede rin ninyong panregalo ngayong Pasko ang mga magagandang art works.

AILEEN GONZALES

ART

DRANREB BELLEZA

EVANGELINE PASCUAL

EXHIBIT

MARIA ISABEL LOPEZ

MUEBLES ITALIANO

ROTARY CLUB OF MAKATI CENTRAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with