^

PSN Showbiz

Mga lalaki ang katulong nina Dawn sa bahay

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Inamin ni Dawn Zulueta na enjoy siya sa muling pagsasama nila ni Richard Gomez na dati niyang boyfriend sa pelikula.

"Richard is fun-loving at wala akong tensyon na makatrabaho siyang muli. It’s good to work with Richard at parang hindi siya tumatanda," anang aktres.

Malaki ang natutunan ni Dawn sa role na ginampanan niya sa pelikula at sinabing kahit anong pagsubok ang dumating sa buhay ay makakaya itong lutasin basta’t may pamilya na laging nasa likuran mo at syempre ang pananalig sa Itaas.

Sa kabilang banda, nag-enjoy kami sa kwento ni Dawn tungkol sa dalawang katulong na lalaki ang kasama nila sa bahay in Davao sa halip na babae. "Sabi nga ni Anton, (asawa niya) mas mabilis kumilos ang lalaki samantalang magbibihis pa ang babae bago lumabas ng bahay kapag inuutusan mo," dagdag pa ni Dawn.

Anim na taong nagsasama nang maligaya ang aktres at ang kanyang asawa pero wala pa rin silang baby.
Armida, naluha sa pagpasok ni FPJ sa pulitika!
Naniniwala si Armida Siguion-Reyna na malaki ang maitutulong ni Fernando Poe, Jr. sa bansa sakaling tumakbo ito sa pagka-pangulo sa darating na election. Kaya nang magpahayag si FPJ ng candidacy sa Manila Hotel noon ay napaluha ang pop lola sa galak.

Sigurado nang susuportahan ng premyadong aktres si Ronnie.

Sa kabilang banda, excited na si Tita Midz na sumakay sa karosa ng Filipinas kasama ang buong cast sa MMFF Parade of Stars. "Yong mga taong gusto kong makatrabaho ay natupad sa pelikulang ito, puro magagaling ang mga kasamahan kong artista rito like Richard Gomez, Maricel Soriano, Aiko Melendez, Dawn Zulueta, Eric Quizon at marami pang iba.
Magaling Na Singer
Naimbitahan ng Soroptimist International (Dasma-Salcedo Club) ang ilang artista para sa aming proyektong "Pasko Mula sa Puso" kung saan nagbigay kami ng mga regalo sa mga 60 pasyente ng charity ward sa San Juan de Dios Hospital noong Miyerkules. Binigyang-saya ng aming guest performer na si Aimee Torres ang mga pasyente kung saan nagbigay ito ng tatlong awitin mula sa kanyang album na may carrier single na "Pusong Bato". Kahit sa X’mas dealers party ng Philippine Star at Pilipino Star Ngayon ay hinangaan din ito sa kanyang pag-awit.

Si Aimee ay lumalabas sa mga sexy movies pero hindi siya naghuhubad o sumasalang sa mga daring scenes. Hindi lang siya artista kundi isang recording artist ng Concorde Records. Dati ring beauty queen ang magandang singer.
Vandolph, Happy Sa Pagpapakasal Ni Dolphy
Tinanong namin si Vandolph kung apektado siya sa planong pagpapakasal ni Dolphy kay Zsazsa Padilla? Ayon sa young actor, kung saan masaya ang kanyang ama ay ikaliligaya rin niya.

Totoo bang nagli-live-in na sila ni Jenny ng Gee Girls?

Pinabulaanan ito ng aktor at sinabing hindi rin totoo ang balitang buntis ang nobya. Kumalas na si Jenny sa Gee Girls pero hindi si Vandolph ang dahilan kundi ang pamilya niya dahilan sa hindi pabor sa pagsasayaw nito ng seksing-seksi.
Inaabangan Na Sa San Fernando Ang MMFF
Sa Disyembre 18 na ang simula ng Parade of Stars sa San Fernando, Pampanga kung saan kasama ang mga bituin ng Crying Ladies at iba pang entries. Masayang ibinalita ni Gisel Rivera, chairman ng MMFFP Parade of Stars sa naturang lugar na inaabangan na ng mga fans ang mga bituin ng siyam na pelikula lalo na si Sharon.
PJ, Saan Kaya Sasakay Na Karosa?
Tatlo ang entries ni PJ Malonzo sa darating na Metro Manila Film Festival ng Homecoming, Captain Barbell at Fantastic Man. Pero ang tanong nila ay kung saang karosa ito sasakay during the Parade of Stars?

"Siguro po sa Homecoming dahil malaki po ang role ko rito bilang ardent suitor ni Alessandra de Rossi."
Namili Ng Maraming Alahas Pero Isinauli Rin
Naikwento ng isang alahera na kasama ko sa isang samahang pangkababaihan na naimbyerna siya minsan sa isang sikat at premyadong aktres.

Ipinatawag siya nito thru a friend at pagkatapos ay pinagdala siya ng maraming alahas. Namili ang aktres ng mga nagustuhan niya na nagkakahalaga ng milyones.

Kaso nang sisingilin na niya ito after a month ay isinauli lahat ang mga mamahaling alahas. Saka na lang daw siya bibili. Ang kanyang asawa ay isang pulitiko na lumalabas din noon sa pelikula.

CENTER

DAWN ZULUETA

GEE GIRLS

PARADE OF STARS

RICHARD GOMEZ

SIYA

VANDOLPH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with