^

PSN Showbiz

Nora Aunor, sumailalim sa siyensiya ng pagpapaganda!

- Veronica R. Samio -
Ito ang paniniwala ng maraming mga Noranians na nakita ng personal si Nora Aunor at ang iba na narinig lamang ang balita na ang kanilang idolo ay sumailalim sa isang total facelift sa Ellen’s kamakailan lamang. Ang Ellen’s ay hindi lamang isang beauty salon kundi isang aesthetic center na kung saan ay maraming mga babae at maging mga lalaki ang sumasailalim sa mga serbisyo na ipinagkakaloob nito para sila gumanda at pumayat. Marami rin naman ang gustong magmukhang bata kaysa sa tunay nilang mga edad kaya pumupunta sila kay Ellen Lising, ang proprietress ng nasabing bahay na nagpapaganda.

Alam ng marami na hindi vain si Nora, katunayan, halos ay ayaw nitong pa-make-up sa kanyang mga pelikula at maging sa mga singing engagements niya pero, pumapayag siyang magsuot ng damit ng mga kilalang taga-disenyo ng damit. Ito lamang marahil ang masasabing konsesyon niya bilang isang artista.

Ngayon pa lamang ay marami na ang nagaabang sa magiging pagbabago ng pisikal na kaanyuan ng Superstar. Lalo’t sinabi diumano ni Ellen na ibabalik niya ang Nora nun.
*****
Hindi kailanman inakala ni JayR na aabutin niya ang kasikatan na tinatamasa niya sa kasalukuyan. Nung pumunta siya ng Baguio para maging bahagi ng pagdiriwang ng Ad Congress ay inakyat ng mga kababaihan ang tinutuluyan niyang kwarto.

"Madalas may nagdo-doorbell sa condo ko," pag-amin ng baguhang singer sa launching ng album na "Akustik Natin Pana-panahon"
ng Universal Records na kung saan ay mayroon siyang isang awitin na kasama sa album, ang sikat nang "Bakit Pa Ba?"

"Hindi ko naman sila pwedeng bastusin, kaya pinagbubuksan ko sila ng pinto at
kinakausap," dagdag pa ni JayR na kasamang naninirahan sa condo ang kanyang best friend at isang pinsan na katulong niya sa pag-iistima ng mga bisita.

Mas lalong naging in-demand si JayR nang aminin niya na wala silang relasyon ni
Kyla maliban sa pagiging isang mabuting magkaibigan.

Siyam na buwan pa lamang dito sa bansa si JayR pero, tinatamasa na niya ang popularidad na di inaabot ang maraming tulad niya ng maraming taon nang nagti-tyaga.


First time niya na magpa-Pasko rito pero sa January 19 ay uuwi siya ng LA para dalawin ang kanyang pamilya. Two weeks sila run.

Ang "Akustik Natin Pana-Panahon" ay magtataglay ng 16 na songs, "Mr. Suave" ng
Parokya ni Edgar, "Kanlungan" ni Noel Cabangon, "Because Of You" ni Jed Maddela, "Tuloy Pa Rin" ng Neocolours, "Fool 4 You" ni Pipo Lina, at marami pang iba.

Sinabi ni
Ms. Bella Tan, may-ari ng Universal Records na ang kalahati ng "Akustik Natin Pana-Panahon" ay mga bagong recording. Kinailangan nilang gawan ng bagong recording ang maraming kanta para ito maging acoustic. Gaya ng: "Mr. Suave", "Tuloy Pa rin", "Because Of You", "Bakit Ngayon Ka Lang" at maging ang "Your Song" ng Parokya na isang hidden track ng "Bigotilyo" album.
*****
Mayroon ding karnabal na mapupuntahan ang mga taga-Las Piñas. Sinasabing pinakamalaki raw ito sa Kamaynilaan at pinatatakbo ng Development and Enhancement of Nature’s Resources.

Tinatawag na Bigger Bang sa Las Piñas, binuksan ito nung Nob. 21 at nakatayo sa isang 8 ektaryang lupa sa kanto ng Alabang/Zapote Road at Daang Hari.

Ang ilan sa mga atraksyon dito ay ang Grand Carousel, Roller Coaster, Double Ferris Wheel, Scramble, Hammer Plane at mga kiddie rides na Fantasy Train, Zoo-Go-Round, atbp.

May mga special events na gagawin dito tulad ng Magicians competition, Christmas Carol singing competition,Modern Dance competition, at weekends fireworks display.

Mayron ding Christmas Bazaar at Celebrity Bazaar na sasalihan nina Janna Victoria, Maita Sanchez, Cookoo Gonzales,, Jeffrey Santos, Efren Reyes, Angelica Jones, Via Veloso at Krista Ranillo.

Bukas ang karnabal at mga tindahan simula 2:00 ng hapon hanggang 2 ng umaga.

AD CONGRESS

AKUSTIK NATIN PANA-PANAHON

BECAUSE OF YOU

ISANG

LAS PI

MR. SUAVE

NIYA

UNIVERSAL RECORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with