Susan malaking tulong kay FPJ
December 9, 2003 | 12:00am
Maraming mga tagahanga ni Susan Roces ang natutuwa rin dahil sa pagdeklara ng kanyang kandidatura ni Fernando Poe, Jr. Maraming nagsasabing malaki at malakas ang laban ng hari ng pelikulang sa pagiging presidente ng bansa dahil sa kanyang ginang.
Sa panayam namin kay Ms. Roces ay tinanong ko siya ng mga gusto niyang sa 5 unang ginang ng bansa. Una sa talaan niya si Gng. Imelda Marcos, ang pagiging malapit nito sa mga artista noon dahil may pagmamahal ito sa sining. Nagpatayo pa raw ito ng mga gusaling hanggang ngayon ay ginagamit pa tulad ng Cultural Center of the Philippines.
Nabanggit din niya sina Mrs. Luz Magsaysay at Mrs. Petronila Garcia at si Mrs. Ming Ramos. "Mayroon siyang concern sa mga kabataan at sa kanilang edukasyon dahil isa siyang educator. She loves plants na katulad ko rin, hilig ko ang mga halaman at may farm kami na talagang puno ng mga fruit bearing trees."
Dagdag pa nito na gusto niya ang pagiging simple ng pamumuhay ni Mrs. Ramos. Nasa likod lang daw ito ng kanyang asawa at nananahimik. Ayaw makisali sa isyu ng bansa at kung binigyan man ito ng proyekto ay dun lang nito itinutuon ang kanyang panahon.
Sa ngayon, maraming nagsasabing magiging magandang ehemplo si Ms. Susan Roces, kapag naging Unang Ginang ng bansa. Katulad din ng pagiging isang magaling na maybahay at artista sa pelikula. ALEX DATU

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended