^

PSN Showbiz

Executive producer,nangungutang sa artista

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Nakautang pala ang isang executive producer ng malaki-laki ring halaga sa ina ng isang young actress na kasali sa kanyang (EP) hawak na programa. Ito naman kasing mommy ng teener ay madaling mabola kaya pinahiram ng malaking pera ang EP. Ang katwiran ng nanay ng bagets ay para isama uli ang anak sa programang pambagets. Kaso nang maubusan na ng pera ang madir ni young actress ay bigla nitong siningil ang EP.

Ang ending ay hindi na isinama sa hawak na programa ng EP ang mestisang young actress. Galit ang ina nito at ang reporter na tumatayong PRO ng actress sa EP dahil sa nangyari.

Hindi ba dapat ay hindi nangungutang ang isang EP lalo na sa kanyang mga artista para hindi mawala ang respeto nila sa kanya?
Alin-Alin Ang Makakapasok Sa Magic 7?
Nagsimula na ang screening ng nine entries ng committee noong Biyernes at matatapos ito bukas December 10 ayon sa isang member ng execom. Ang committee ay binubuo ng mga respetadong director at iba pang kinatawan ng movie industry gayundin sa iba pang sector ng lipunan.

Magiging fair ang pagboto kaya next week ay malalaman na ang pitong entries ng MMFFP na ipalalabas sa December 25 at ang dalawa pang entries na sa January 1 naman mapapanood. "Hindi naman ibig sabihin na kapag nalagay ang pelikula sa dalawang entries ay saling pusa na ang mga ito. Lahat ng mga pelikula ay magaganda at makabuluhan," ani Mayor Malonzo.

Inaasahan nang magiging maintriga na naman ito after the selection kung saan by ranking ang sistemang gagawin sa pagpili ng 7 at 2 entries.

Sinabi pa ni Mayor Malonzo na vice-overall chairman ng Film Festival na di maiiwasan na magkaroon ng intriga pero okay lang dahil nakakatulong pa raw ito para pag-usapan ang MMFF.

Ang siyam na pelikulang pagpipilian ng selection committee para sa 7/2 entries ay ang mga sumusunod: Mano Po 2, Filipinas, Fantastic Man, Captain Barbell, Gagamboy, Homecoming, Malikmata, Crying Ladies at Bridal Shower.
Bilib Kay Direk Dingdong
Naging guest sa Okay Ka Mom hosted by Gigi Malonzo at Marjorie Barretto ang magandang teener ng GMA Artist Center na si Princess Schuck na mainstay ng Kakabakaba na ang director ay si Dingdong Dantes.

Paano ba makatrabaho ang aktor? tanong namin.

"Mabait siya Tita at di siya marunong magalit. Kapag mayroong nagkamali sa amin ay pinagsasabihan niya pero never niyang sinisigawan," sabi ni Princess.

Nagsimula si Princess bilang commercial model noong four years old. Nang mag-audition ito noon sa Channel 2 sa gulang na siyam na taon ay natanggap agad ito. Nag-undergo ito ng acting workshop kay Beverly Vergel. Kaya naman noong 2000 ay nanalo ito bilang Best Actress In A Single Performance sa TV para sa Pira-Pirasong Pangarap kung saan ginampanan ang papel ng isang rape victim na ginahasa ng amang si Bembol Roco.

Graduating na ito sa haiskul sa Espiritu Santo Parochial School.

Gusto niyang sumabak sa aksyon balang araw dahil marunong ang dalagita ng taekwondo.
Ayaw Mag-Sexy
May mga nag-aalok kay Crystal Moreno, ang magandang teener na myembro ng Click para sumabak sa sexy movie. Malaking bulas kasi ito at sexy pa. Pero pinaninindigan nito na panatilihin ang wholesome image at maging magandang halimbawa ng mga kabataan. Naghihintay lang si Crystal ng tamang proyekto dahil bata pa naman ito at hindi nagmamadali sa kanyang career.
Adjusted Na Bilang Talk Show Host
Nakausap namin si Lani Misalucha at tinanong kung ano ang feeling niya ngayong talk show host na siya ng bagong programang Celebrity Turns with Junie Lee and Lani Misalucha. "Honestly, kabado ako noong una dahil para akong nangangapa sa dilim dahil sa akin naka-focus ang atensyon this time unlike sa SOP na sandali lang ang portion sa pag-iinterbyu sa mga singers. Dito ay kailangan mong maging spontaneous at sundan ang daloy ng interview.

"Nakakapag-adjust na naman ako at talagang nag-eenjoy ngayon kasama si Michael V. Maganda ang format ng show dahil may halong kantahan, katatawanan sa mga iniinterbyu naming celebrities hindi lang sa showbiz kundi gayundin sa iba’t ibang sektor ng lipunan," aniya.

vuukle comment

ADJUSTED NA BILANG TALK SHOW HOST

ALIN-ALIN ANG MAKAKAPASOK SA MAGIC

ARTIST CENTER

AYAW MAG-SEXY

CENTER

MAYOR MALONZO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with