Ruffa Gutierrez, ninakawan ng cellphone
December 8, 2003 | 12:00am
Ang magkapatid na Manay Ichu Maceda at Manay Gina de Venecia ang magkatulong na nag-host ng bienvenida at baby shower party sa mag-inang Ruffa Gutierrez at Lorin Gabriella nung nakaraang Huwebes (Dec. 4) ng gabi na ginanap sa Vera-Perez Garden at dinaluhan ng malalapit na kaibigan ng pamilya ni Ruffa at ng Vera-Perez. Na-outshine ni Baby Lorin ang kanyang popular mom na si Ruffa ganoon din naman ang kanyang celebrity grandmother na si Annabelle Rama. Talagang pinagkaguluhan si Lorin ng mga bisita. Palibhasay hindi pa sanay sa limelight, nagugulat pa ito sa maraming tao at mga camera lights kaya nagwala ito, dahilan para umuwi sila ng maaga. Tuloy, hindi na siya inabutan ng iba pang mga bisita na late dumating. Napakagandang bata ni Lorin kaya hindi kami magtataka kung balang araw ay tanghalin din siyang isang sikat na celebrity tulad ng kanyang mommy.
Napaka-intimate ng affair at walang mag-aakalang may magkaka-interes sa cellphone ni Ruffa. Ang pinanghihinayangan ni Ruffa ay hindi na yung unit kundi yung mga important numbers na naka-store sa Sim ng cellphone.
Natitiyak ni Ruffa na hindi isa sa mga invited guests niya ang nagkainteres sa kanyang cellphone dahil kilala niya ang mga ito
Sadyang napakabilis ng kamay ng kumuha ng cellphone ni Ruffa dahill nakapatong lang ito sa long-table kung saan naroon lahat ang mga bisita. Masama man ang loob, hindi gaanong nagpahalata si Ruffa dahil sila nga naman ng anak niyang si Lorin Gabriella ang honoree ng gabing yon.
Umaasa si Marvin Agustin na sa isang taon ay makukumpleto na ang kanyang pamilya sa paglaya ng kanyang ama. Habang nagbabakasyon ang ama ni Marvin, siya na ang tumayong bread winner sa kanyang pamilya kaya todo kayod siya. Naibili niya ang kanyang mommy at mga kapatid ng sarili nilang bahay habang nakabili naman siya ng sarili niyang condo unit. Bukod dito, may naipundar na rin siyang negosyo, ang sarili niyang franchise ng Mr. Donut at orihinal niyang konsepto na Ricecapdes (rice toppings). Nakabili rin siya ng apat na ektaryang strawberry farmland sa Benguet at iba pa niyang investments kaya marami ang hanga sa young actor dahil marunong itong magpatakbo sa perang kanyang kinikita sa showbiz. Alam ni Marvin na hindi panghabang-buhay ang showbiz kaya ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na niya ang panahon na hindi na siya gaanong in-demand. Palibhasay hindi siya nakapagtapos sa pag-aaral, kumukuha na lamang si Marvin ng mga short courses na may kinalaman sa management at business administration.
Ayon sa binata, humihingi siya ng pointers sa mga director na kanyang nakakatrabaho at isa na rito si Direk Joey Javier Reyes, ang kanyang director sa horror-thriller movie na Malikmata, isa sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival. Walang formal training si Marvin sa pagdidirek pero nais niya itong matutunan in due time. Sa ngayon, concentrated muna siya sa kanyang trabaho bilang actor at bilang isang negosyante. Pagdating naman sa lovelife, ayaw nitong aminin sa amin kung totoo ngang nagkabalikan na sila ni Kristine Hermosa na katrabaho niya sa Sanay Wala Nang Wakas.
Proud ang sexy star na si Ara Mina sa kanyang dual role na ginampanan sa comedy-fantasy movie na Fantastic Man dahil bukod sa siya ang leading-lady ng TV host-comedian na si Vic Sotto, siya rin ang kontrabida nito sa pelikula. "First time akong gumanap na ako ang leading-lady and at the same kontrabida ng bida," ani Ara. Ang maganda pa, wholesome ang role ni Ara sa Fantastic Man at pati mga bata ay puwede siyang panoorin.
Tulad ni Marvin Agustin ng Malikmata, si Ara ay may mga naipundar na ring negosyo at ibang properties, di tulad ng iba sa ating mga veteran stars na nagpabaya ng kanilang mga kinikita nung kasikatan nila kaya naman, marami sa kanila ang mahirap pa sa daga ngayon.
Personal: Ang aming pakikiramay kay Richard Gomez sa pagyao ng kanyang mahal na lola na si Gng. Lydia Kelly Gomez ganoon din sa pamilya ni Danny Reyes sa pagkamatay ng kanilang ina na si Gng. Teodora Reyes. Belated birthday greetings kay Bhoy Navarette ng Bhoy Navarette Hair Salon nung nakaraang November 27.
Napaka-intimate ng affair at walang mag-aakalang may magkaka-interes sa cellphone ni Ruffa. Ang pinanghihinayangan ni Ruffa ay hindi na yung unit kundi yung mga important numbers na naka-store sa Sim ng cellphone.
Natitiyak ni Ruffa na hindi isa sa mga invited guests niya ang nagkainteres sa kanyang cellphone dahil kilala niya ang mga ito
Sadyang napakabilis ng kamay ng kumuha ng cellphone ni Ruffa dahill nakapatong lang ito sa long-table kung saan naroon lahat ang mga bisita. Masama man ang loob, hindi gaanong nagpahalata si Ruffa dahil sila nga naman ng anak niyang si Lorin Gabriella ang honoree ng gabing yon.
Ayon sa binata, humihingi siya ng pointers sa mga director na kanyang nakakatrabaho at isa na rito si Direk Joey Javier Reyes, ang kanyang director sa horror-thriller movie na Malikmata, isa sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival. Walang formal training si Marvin sa pagdidirek pero nais niya itong matutunan in due time. Sa ngayon, concentrated muna siya sa kanyang trabaho bilang actor at bilang isang negosyante. Pagdating naman sa lovelife, ayaw nitong aminin sa amin kung totoo ngang nagkabalikan na sila ni Kristine Hermosa na katrabaho niya sa Sanay Wala Nang Wakas.
Tulad ni Marvin Agustin ng Malikmata, si Ara ay may mga naipundar na ring negosyo at ibang properties, di tulad ng iba sa ating mga veteran stars na nagpabaya ng kanilang mga kinikita nung kasikatan nila kaya naman, marami sa kanila ang mahirap pa sa daga ngayon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended