Young actress, nakipaghiwalay sa live-in partner, may new bf
December 8, 2003 | 12:00am
Nagsimula bilang mabait at wholesome na image ng young actress na ito. Pero napalitan ang imahe nito at papel na ginagampanan kung saan biglang naging kontrabida. Bagay naman siya sa ganitong role dahil maraming nagsasabing kahit naman sa tunay na buhay ay kontrabida ito sa buhay ng iba.
Kamakailan ay may nakapagsyete sa akin tungkol sa young actress na ito. Hiwalay na umano sila ng kanyang ka-live-in na young actor din. May bago itong boyfriend ngayon na guwapo at kasama niya sa mga lakaran.
Magaling umarte ang young actress na ito dahil sa mga pinagdaanan nitong problema sa pamilya.
Handang-handa na ang executive committee ng Metro Manila Film Festival Philippines sa pagdaraos ng Parada ng Mga Bituin na sisimulan sa December 18 sa ganap na 2 p.m. sa San Fernando, Pampanga.
Bongga ang preparasyong ginagawa ni Mayor Reynaldo Aquino ng naturang lungsod para mapasigla ang pagdiriwang na lalahukan ng siyam na entries ng MMFFP.
Magtitipon ang mga artista sa SM San Fernando, Pampanga at doon din magtatapos ang parada. Magkakaroon ng munting programa para mabati naman ng mga artista ang kanilang mga tagahanga.
Magdaraos din ng Parade of Stars sa Cagayan de Oro sa Disyembre 20 at Cebu sa Disyembre 22. Gagawin naman ito sa Kamaynilaan sa Disyembre 24 at sa Kapaskuhan naman ang pagbubukas ng siyam na entries ngayong taon sa Metro Manila. Kabilang sa mga entry ang Mano Po 2, Filipinas, Fantastic Man, Captain Barbell, Gagamboy, Malikmata, Homecoming, Crying Ladies at Bridal Shower.
Punumpuno ang SM Megamall Cinema 4 noong Biyernes kung saan idinaos ang finals ng Starstruck. Noon ko lang nalaman na ang dami pala nilang tagahanga na sumusuporta sa mga finalists na ang paborito ay si Rainier na ang dating ay mala-F4 kaya siya ang tinitilian ng mga bading.
Class naman ang mga beauty nina Yasmien, Sienna, Nadine, Jennylyn at Katrina kaya ngayon pa lang ay may kumukuha na sa kanila para maging commercial model.
Hindi lang mga kabataan ang nanonood ng programang ito kundi gayundin ang mga nakatatanda kabilang na ang aking auntie at mama. Kaya nga nang maalis si Sienna sa sampung Starstruck finalists ay nag-iyakan ang lahat kabilang na ang mga kalalakihan lalo na si Rainier. Bakit?
Inaasahang magpapatuloy pa ang kasikatan ng Starstruck lalo nat pabawas na ng pabawas ang mga finalist sa nalalapit ng announcement ng dalawang magiging pinakabagong star ng GMA.
Nakausap namin ang young actress na si Valerie Concepcion na kasama sa pelikulang Fantastic Man. Isa siya sa sinusuportahan ngayon ng Syete dahil bukod sa pagiging propesyonal nito ay magaling ding umarte. Regular ito ngayon sa Click at Bubble Gang.
Maganda ang takbo ng kanyang career sapul nang manalong New Female TV Personality sa Star Awards. Taliwas ito sa mga sinasabi na jinx ang award dahil mas lalo pa ngang dumami ang kanyang trabaho at unti-unti nang nakakapag-ipon ng pera.
March this year lang pumasok sa showbiz si Valerie at may two-year contract ito kay Becky Aguila na siyang manager niya.
Unang TV exposure nito ang soap opera na Ang Iibigin ay Ikaw Pa Rin bilang kapatid ni AJ Eigenmann.
Open sa pagsasabi si Miko Sotto na girlfriend niya si Angel Locsin at happy siya sa kanilang relasyon. Magkasundo ang dalawa at sinabing talagang mahal niya ang young actress. Swerte sa kanya si Angel dahil gumanda rin ang kanyang career na bukod sa TV appearances ay kasama na ito sa mga pelikula gaya ng Fantastic Man with his uncle Vic Sotto.
Hindi siya pabor sa pagpapa-sexy ni Angel lalo na nang tanungin ito tungkol sa pagkakasama ng bf sa sampung pinakaseksing model ng FHM kung saan naging cover pa ang aktres.
Kung inaamin ni Miko ang tungkol sa relasyon nila ni Angel ay lagi namang sinasabi ng young actress na magkaibigan lang silang dalawa.
Kamakailan ay may nakapagsyete sa akin tungkol sa young actress na ito. Hiwalay na umano sila ng kanyang ka-live-in na young actor din. May bago itong boyfriend ngayon na guwapo at kasama niya sa mga lakaran.
Magaling umarte ang young actress na ito dahil sa mga pinagdaanan nitong problema sa pamilya.
Bongga ang preparasyong ginagawa ni Mayor Reynaldo Aquino ng naturang lungsod para mapasigla ang pagdiriwang na lalahukan ng siyam na entries ng MMFFP.
Magtitipon ang mga artista sa SM San Fernando, Pampanga at doon din magtatapos ang parada. Magkakaroon ng munting programa para mabati naman ng mga artista ang kanilang mga tagahanga.
Magdaraos din ng Parade of Stars sa Cagayan de Oro sa Disyembre 20 at Cebu sa Disyembre 22. Gagawin naman ito sa Kamaynilaan sa Disyembre 24 at sa Kapaskuhan naman ang pagbubukas ng siyam na entries ngayong taon sa Metro Manila. Kabilang sa mga entry ang Mano Po 2, Filipinas, Fantastic Man, Captain Barbell, Gagamboy, Malikmata, Homecoming, Crying Ladies at Bridal Shower.
Class naman ang mga beauty nina Yasmien, Sienna, Nadine, Jennylyn at Katrina kaya ngayon pa lang ay may kumukuha na sa kanila para maging commercial model.
Hindi lang mga kabataan ang nanonood ng programang ito kundi gayundin ang mga nakatatanda kabilang na ang aking auntie at mama. Kaya nga nang maalis si Sienna sa sampung Starstruck finalists ay nag-iyakan ang lahat kabilang na ang mga kalalakihan lalo na si Rainier. Bakit?
Inaasahang magpapatuloy pa ang kasikatan ng Starstruck lalo nat pabawas na ng pabawas ang mga finalist sa nalalapit ng announcement ng dalawang magiging pinakabagong star ng GMA.
Maganda ang takbo ng kanyang career sapul nang manalong New Female TV Personality sa Star Awards. Taliwas ito sa mga sinasabi na jinx ang award dahil mas lalo pa ngang dumami ang kanyang trabaho at unti-unti nang nakakapag-ipon ng pera.
March this year lang pumasok sa showbiz si Valerie at may two-year contract ito kay Becky Aguila na siyang manager niya.
Unang TV exposure nito ang soap opera na Ang Iibigin ay Ikaw Pa Rin bilang kapatid ni AJ Eigenmann.
Hindi siya pabor sa pagpapa-sexy ni Angel lalo na nang tanungin ito tungkol sa pagkakasama ng bf sa sampung pinakaseksing model ng FHM kung saan naging cover pa ang aktres.
Kung inaamin ni Miko ang tungkol sa relasyon nila ni Angel ay lagi namang sinasabi ng young actress na magkaibigan lang silang dalawa.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 4, 2024 - 12:00am
November 2, 2024 - 12:00am