^

PSN Showbiz

Unfair nga ba ang proseso sa 'Star Struck' ?

- Veronica R. Samio -
Isang finalist na na-vote out sa programang StarStruck ang tumawag ng aking atensyon. Hindi raw niya tinututulan na i-vote out siya ng mga kapwa niya finalists, dahil ganito naman daw ang takbo ng programa. Ang tinututulan niya ay bakit kinailangan pang tanungin ang mga kasamahan niya kung bakit kailangan nila siyang i-vote out. Ang mga sinabi nila tungkol sa kanya ay hindi raw totoo at nakasira sa kanyang image.

"On air yun kaya po maraming nakapanood. Sinabi nilang lumaki na ang ulo ko, yumabang daw ako, naging mapanglait at kung anu-ano pa. Masakit sa akin yun dahil hindi totoo. Ngayon, kung nagmo-malling ako, marami ang lumalapit sa akin at nagtatanong kung totoong yumabang na ako," ani Tyrone Perez, isang laking probinsya, bunso sa limang magkakapatid at umaasang makakatulong na siya sa pamilya kapag nakalusot siya sa StarStruck.

"Lumapit po naman sila sa akin after the show para mag-sorry. At kaya naman ako nagpapa-interview ay para iklaro ang mga sinabi nila (Yasmien, Jennylyn, Dion, Rainier, Anton at Mark) sa programa nung Nob. 21. Okay na matalo kung hindi ako magaling pero, hindi okay kung matatalo ako dahilan lamang sa mga maling akusasyon," anang isa sa mga hopefuls na sa linggong ito (Dis. 1-4) ay magpapamalas naman ng kanilang talino sa acting.
* * *
Sa Disyembre 6, isang magandang konsyerto ang mapapanood sa Palmeras Garden sa Zamboanga City.

Pinamagatang Marilou’s Dream, ang palabas ay may layuning makalikom ng pondo para sa mga proyekto at activities ng Marilou Cervas Agraviador Popera Memorial Foundation, Inc., isang non-profit charitable organization na itinatag to raise awareness and advocacy para sa cancer prevention and to provide support group for cancer patients and families.

Committed din ito na bigyan ang mga kabataan ng educational assistance and skills development at para magsilbing conduit para sa social services at community projects.

Tampok sa Marilou’s Dream sina Eddie Katindig, John Lesaca at Ivy Violan na ibabahagi ang kanilang mga talento para sa kapakanan ng Marilou Cervas Agraviador Popera Memorial Foundation, Inc.
* * *
Nakabalik na si Aiza Seguerra mula sa kanyang mga series of shows sa US at Canada. I’m sure napapanood n’yo na siyang madalas na nagpu-promote ng kanyang album sa Vicor Music Corporation, ang "Sabi Ng Kanta" na nagtatampok ng 11 kanta na pinangungunahan ng carrier song na "Dati Pa". Tampok din dito ang "What Matters Most" nila ni Vic Sotto.

Ngayong Biyernes, Dis. 5, nasa Robinson’s Place siya; SM Lucena (Dis.6 ); Robinson’s Metro East (Dis. 7); SM Fairview (Enero 3); SM Southmall (Enero 4); SM North EDSA (Enero 9); SM Bicutan (Enero 10); SM Marilao (Enero 11) at SM Baguio (Enero 24). Guest din siya sa PARI concert sa Dis. 14 sa Glorietta Center Makati at sa Dis. 13, may acoustic concert siya sa Hard Rock Café kasama si Bituin Escalante.
* * *
Sa Linggo, Dis. 7, 7-11 n.u. gaganapin ang 2-kilometer Finger-Painting at Quezon City Memorial Center. Hudyat ito ng pagsisimula ng 2003 Nationwide Architecture Week (NAW) sa pamumuno ni National President Architect Robert S. Sac, FUAP and UAP 2003 Chairman Ka Kuen T. Chua.

Simultaneous ang finger-painting na magaganap din sa Baguio, Iloilo, Capiz, Cagayan de Oro at Davao. Meron ding nakatakdang City Hall exhibits, MC Home Depot exhibits, sportsfest, design competition, quiz show, national symposium, tree-planting, gift-giving, atbp.

Sa Dis. 14, Linggo, 6 n.g., magaganap naman ang Culmination Night na kung saan pagsasama-samahin at susukatin ang lahat ng mga natapos na finger-painting na pinamagatang Concert at the Wall sa Baluarte Plano, Luneta de Sta. Isabel, Intramuros, Manila. Umaasa ang UAP na mapapabilang sila sa Guinness Book of World Records.

Tumawag sa UAP Secretariat c/o Allan 4126364/4126374/4126403, fax no. 372-1796 o c/o Arnel 4566515/4566495/ 9242403/92442445, fax no. 4566515.
* * *
Balik na si Pops Fernandez sa sitcom na All Together Now. Kararating lamang niya mula sa isang buwang pagsu-show sa US.

Siya si Rina na isang sikat na singer sa naturang palabas na napapanood sa GMA-7 tuwing Martes at nagtatampok din kina Christopher de Leon, Edgar Mortiz at Johnny Delgado. Tampok din si Pops sa seryeng Twin Hearts.

AIZA SEGUERRA

ALL TOGETHER NOW

CENTER

DIS

ENERO

MARILOU CERVAS AGRAVIADOR POPERA MEMORIAL FOUNDATION

TAMPOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with