^

PSN Showbiz

Albert bilib pa rin kay Snooky

-
Tahasang sinabi ni Albert Martinez na hanggang sa kasalukuyan, malaki pa rin ang kanyang paniniwala sa kahusayan at kagalingan bilang aktres ng dating ka-loveteam niyang si Snooky Serna. Si Snooky ay naka-partner ni Albert sa Habang Kapiling Ka kung saan nakamit nito ang kanyang award bilang Best Actress sa nakaraang PMPC Star Awards for TV.

Ayaw na ni Albert na maiugnay pa ang pangalan niya kay Snooky bilang dating boyfriend. Aniya, "Pareho na kaming may mga pananagutan na. Si Snooky ay may Ricardo Cepeda na at ako naman ay may Liezl. Hindi naman selosa ang asawa ko, naiintindihan niyang trabaho lang ang pinagsasamahan namin ni Snooky. Lalo pa nga’t asawa ko rito sa Captain Barbell si Snooky. Anak namin dito si Ogie Alcasid (Enteng) at alter ego nito bilang Captain Barbell si Bong Revilla, Jr.

"Pagkatapos nito, gagawa pa ako ng pelikula na kung saan ako mismo ang actor, producer at director. Hindi ko pa alam ang title pero early January 2004 ito," sabi ni Albert.

Plano palang mag-Pasko ni Albert pati na ng pamilya niya sa Amerika kaya lang medyo pino-problema nito ’yung kanyang mga schedule sa parada at gabi ng parangal. "Mahirap magdesisyon pero pag-iisipan naming mag-asawa para naman makatikim na ng bakasyon ang buong pamilya ko!" pagtatapos ni Albert. — Boni A. Casiano

vuukle comment

ALBERT MARTINEZ

BEST ACTRESS

BONG REVILLA

BONI A

CAPTAIN BARBELL

HABANG KAPILING KA

OGIE ALCASID

RICARDO CEPEDA

SI SNOOKY

SNOOKY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with