Sino si Big Brother?
December 3, 2003 | 12:00am
Ano ang Big Brother? Ang big brother ay ang taong matatakbuhan mo kung ikaw ay mayroong problema. Siya ang nagtatanggol sa iyo nong ikaw ay tinutukso at pinagkakaisahan ng mga kaiskwela mo. Siya ang tagapayo na di nagsasawang magbigay ng mga paalala tungkol sa buhay. Ang Big Brother ay si Kevin Delgado sa kanyang bagong programa sa radyo.
Higit sa pagiging isang big brother, si Kevin na dating character actor at anak ng batikang aktres na si Marissa Delgado ay handang tumulong sa mga simpleng mamamayan na nais matupad ang mga pangarap sa buhay.
Ang Tol Sagot Kita! ay isang oras na lingguhang programa na tumutulong sa mga ordinaryong Pinoy na kapos sa buhay. Itoy mapapakinggan tuwing Linggo 12:00 ng tanghali sa DWIZ 882-AM. Kasama rito ni Kevin ang dating TV news anchor ng ABC-5 at magaling na brodkaster sa radyo na si Ces Datu.
Bukod sa pagtulong, layunin din ng programang magbigay ng inspirasyon sa mga taong nagsusumikap maiangat ang uri ng pamumuhay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng ilang mga kilalang tao sa lipunan ng sarili nilang istorya ng pagkatalo at paghihirap bago nila tuluyang naabot ang tagumpay. At sa paniniwala ng programa, walang imposible sa taong nagpupursige.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended