^

PSN Showbiz

Susan nagdadala ng adobo sa set

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Panay ang kwento ni Kris Aquino tungkol kay Susan Roces na nakasama nito sa Mano Po 2. Ayon sa TV host, mas malaking pelikula ang MP2 kaysa sa naunang Mano Po. "Hinintay na ang pagbabalik-pelikula ni Tita Susan. Mabait talaga siya, walang reklamo at walang pretension kahit sabihing isa siyang respetadong movie queen. Sinabi niya na lahat ng episode ng Morning Girls ay pinapanood niya. Minsan ay nagbibigay pa siya ng feedback sa akin gaya ng pagsusuot ko ng damit na masyado ang pagka-backless. Magaling din siyang magluto at laging may dalang adobo sa set," sabi ni Kris.

Dahil sa kabaitan ni Susan ay binigyan siya ng mamahaling make-up ni Kris at maraming lipstick. "Idol ko siya because she’s an ideal woman na pwedeng gawing role model ng mga artista. Never siyang naging primadonna, instead very motherly pa," pahayag pa ni Kris.
Ang Mga Artista Noon At Ngayon
Kausap namin si Hilda Koronel sa presscon ng Crying Ladies at napadako ang paksa sa mga artista ngayon at noon. "Napaka-unprofessional ngayon ng mga artista. Late na kung dumating at minsan ay hindi pa memoryado ang linya. Pinaghihintay kami sa set gayung noong una akong mag-artista ay never namin itong ginawa sa mga premyadong artista. Pero, nagagawa nila ito sa amin lalo na ang mga baguhan," sey nito.

Sa kabilang banda, ibang Hilda ang mapapanood sa Crying Ladies dahil may pagka-kikay ang papel nito. Noong una ay hindi type ng director si Hilda sa dahilang hindi ito bagay sa role. Pero nang mapanood niya ito sa Daddy Di Do Du ay na-impress siya sa aktres.

Ni-revise ni Direk Mark (Meily) ang script na bumagay sa role ni Hilda bilang laos na bituin.
Yoyoy Pinarangalan
Ang Kapuso Lifetime Achievement Award ay pagbibigay ng parangal sa isang tao o grupo na nakapag-ambag tungo sa pag-unlad ng Filipino music. Ang parangal sa taong ito ay iginawad kay Yoyoy Villame na isang songwriter, humorist at novelty singer.

Nakakatuwa ang pinagmulan nito bilang isang driver kung saan habang nagmamaneho ay ini-entertain ang mga pasahero lalo na kapag traffic. Ang kanyang boss na si Leo Meneses na may-ari ng bus company ang nakatuklas sa kanyang talino sa paglikha ng mga awitin. Ito ang naging daan para maging recording artist si Yoyoy sa isang maliit na music recording house.

Nakapag-perform na rin si Yoyoy sa London, Sydney, Los Angeles, Toronto, Vienna, New York at Hongkong.
Malaking Tagumpay
Super galing ng ating mga Pinoy composers at lyricists na ipinamalas sa Metro Pop Song Festival sa taong ito. Napakagaling ng mga finalists sa temang "Smile That Close The Gap". Wala ring itulak kabigin sa lahat ng interpreters kabilang sina Jolina Magdangal, Kyla, Agot Isidro at Arnell Ignacio.

Mula sa 12 finalists ay nanalo ang mga sumusunod: pangatlong gantimpala ang "Buti Na Lang" ni Jonathan Manalo; ikalawang gantimpala ang "Pretend That I Don’t Love You" ni Mike Villegas at ang kampeon ay si Bayang Barrios sa awiting "Malayo Man Malapit Din". Nagkamit ito ng P500,000. Ang nagwaging Best Music Video Competition ay ang "Pretend That I Don’t Love You" ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Ang Close-Up Planet Award ay napanalunan ng "Buti Na Lang".
Bulol Pa Rin Ang Sikat Na Young Actor
Sa isang presscon ay naging usap-usapan ang sikat na young actor na hindi nila maintindihan ang sinasabi lalo na kapag sinasagot ang mga tanong ng mga press people.

Maliwanag namang magsalita ang ibang artista maliban sa kanya. Bulol pa rin siya dahil sa pagdo-droga niya noon.

Isa ang aktor sa pinakamagaling umarte sa kalipunan ng mga kabataang artista.

ARTISTA

BUTI NA LANG

CENTER

CRYING LADIES

HILDA

LOVE YOU

MANO PO

PRETEND THAT I DON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with