Vaness Wu, may movie na!
December 1, 2003 | 12:00am
Lalo pang nag-iinit ang F4 fever mula sa Meteor Garden ng Taiwan dahil sa isang myembro nito, si Vanness Wu na inilunsad bilang isang romantic action star sa kanyang unang international movie, ang Star Runner. Ginastusan ng HK$60 milyon, isa itong love story ng dalawang nilalang mula sa magkaibang mundo na sumibol sa isang kapaligiran na ang problema ng puso ay pangalawa lamang sa pangangailangan ng sikmura.
Masosorpresa ang mga tagahanga na makita ang kanilang idolo na na nakikipagboksing tulad ng ginawa ni Manny Pacquiao laban sa pambato ng Mexico na si Marco Antonio Barrera.
Nagsimula ang pelikula sa magandang Koreana na si Jane, isang assistant lecturer sa Seoul University. Meron siyang fiance, isang matagumpay na negosyante, at pamilya na mahal na mahal siya. Lahat ng katatagan na itoy naging sanhi ng kanyang pagkabato at pagiging tau-tauhan sa buhay.
Nagpunta siya sa Hongkong at binisita ang isang kaibigan. Dito nakilala ni Jane si Little Tiger, isang kabataan na anak-mahirap at may isang matinding hilig- ang freestyle boxing. Wala silang pagkakapareho sa alinmang bagay o paniniwala. Liban lang sa bandang huli na parang kapwa sila naaakit sa isat isa sa di maipaliwanag na dahilan. Pero bago ang lahat, kailangang ibuwis muna ng underdog na si Little Tiger ang kanyang buhay laban sa boxing champion ng Asya na si Tank!
"Umakma siya sa karakter," wika ni Direk Daniel Lee, action choreographer ng The Matrix, si Vanness ay nagsanay ng husto sa turo ng maraming eksperto."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended