"Hindi kami naglive-in ni Jomari, ayoko pang mag-asawa" - Ara
December 1, 2003 | 12:00am
Maganda ang poster ng Fantastic Man, ang entry ng M-Zet Productions at OctoArts Films sa Metro Manila Film Festival. Nasa poster ang mga litrato nina Vic Sotto at Ara Mina na naka-costume ng Fantastic Man at Diabolika respectively. Kahit kontrabiday natutuwa si Ara sa partisipasyon niya sa pelikula dahil mapapanood siya ng mga bata.
"Ang hirap ng shooting namin, nangayayat ako. Ang dami naming fight scene ni Vic at pinakagrabe yung nasa ibabaw kami ng tumatakbong truck sa kahabaan ng Edsa. Wala akong double doon at may scene pang naka-harness ako, grabe," ani Ara.
Nagbiro si Ara (pero, totoo raw) na bukod sa magandang role, kaya niya tinanggap ang pelikulay dahil sa mataas na talent fee niya. Hindi naman siguro nagsinungaling si Leo Bukas nang ibalitang more than P1 million ang TF ni Ara rito.
Samantala, batay sa isinagot ni Ara, parang totoo ang tsikang cool off sila ni Jomari Yllana. Hindi nito nasagot ng diretso ang tanong kung break na sila ng actor.
"Hindi ko rin alam ang sitwasyon namin. Minsan nag-uusap kami, minsan hindi. Naguguluhan din ako pero, nagkakaintindihan kami," banggit nito.
Malakas na tawa muna ang reaksyon ni Ara, bago sumagot sa tanong kung totoong nagli-live in sila dati ni Jomari sa bahay niya. Nang palayasin daw niya ang actor ay inihagis pa niya ang mga gamit nito sa labas ng bahay.
"Saan ba ninyo nakuha ang tsismis na yan? Ang galing ng script. Ang bahay ko ay bahay ko at bahay ni Jomari ay bahay niya. Pag sinabing live-in, kulang na lang kasal at ayoko pang mag-asawa. Hindi totoo ang tsismis," tanggi ni Ara.
Ang ganda ni Hilda Koronel sa presscon ng Crying Ladies kahit ayos anime ang kanyang buhok. Sabi tuloy ng editor ng pahinang ito, kung kasing ganda siya ni Hilda ay gagayahin niya ang ayos ng buhok nito.
Aliw kami sa role ni Hilda sa nasabing pelikula lalo na sa dialogue nitong kumakain muna sila ng siopao habang umiiyak sa burol ng Intsik. Napaka-casual ng pagdi-deliver niya ng dialogue at para bang hindi ito umaarte. Iba talaga ang magagaling!
"I like my role here. Its not the typical Hilda Koronel role, its like a Nida Blanca role. I have to bring out my lighter side na hindi alam ng tao," pahayag ni Hilda.
Mabuti na lang at hindi itinuloy ni Hilda ang balak na tuluyang talikuran ang showbiz dahil kung nagkataon, nawalan tayo ng magaling na actress. Five years siyang wala sa showbiz pero, nang bumalik ay tuluy-tuloy na siya sa pag-arte.
Nalungkot si Dawn Zulueta nang matapos ang shooting ng Filipinas dahil hindi na niya makikita ang mga kasama niya sa pelikula. Naging close siya sa co-stars niya rito and in between takes, walang tigil daw ang kanilang kwentuhan. Tingin nga namin, nare-discover nina Dawn at Richard Gomez ang isat isa, but this time, bilang magkaibigan lang at walang romantic notion.
"If this is the last movie na gagawin ko, grateful ako because I was given the opportunity to work with them and Direk Joel (Lamangan). Pwede na akong bumalik uli sa Davao. Enjoy talaga ako sa group na ito," wika ni Dawn.
Pero mukhang hindi ang Filipinas ang magiging last movie ni Dawn, dahil balitang kinukuha uli siya ng Viva Films for another project na si Joel uli ang direktor. Mas matutuwa lang si Dawn kung sa bago niyang pelikulay makakasama niya ang isa kina Armida Siguion-Reyna, Aiko Melendez at Maricel Soriano.
Caregiver sa Israel ang role ni Dawn sa entry ng Viva Films sa 2003 Metro Manila Film Festival. May kakaibang dating ang pelikula nang mapanood namin ang trailer at parang magkakatotoo ang sinabi ni Ronald Constantino na magiging landmark movie ito dahil sa tema at ganda.
Pinag-uusapan ang hit party ng GMA-7 noong nakaraang Ad Congress na ginanap sa tennis court ng Baguio Country Club, Baguio City. Nag-enjoy ang mga delegate sa kakaibang party na para sumayay may party hat sa lahat.
Na-impress pang lalo ang delegates dahil sa ibat ibang klaseng booth na itinayo sa party place. May booth sa mga nag-aspire maging anchor, may videoke booth, massage booth at costume booth. Umapaw din ang pagkain, drinks at prizes. Isa sa mga delegate ang sinuwertet nag-uwi ng brand new Toyota Vios.
"Ang hirap ng shooting namin, nangayayat ako. Ang dami naming fight scene ni Vic at pinakagrabe yung nasa ibabaw kami ng tumatakbong truck sa kahabaan ng Edsa. Wala akong double doon at may scene pang naka-harness ako, grabe," ani Ara.
Nagbiro si Ara (pero, totoo raw) na bukod sa magandang role, kaya niya tinanggap ang pelikulay dahil sa mataas na talent fee niya. Hindi naman siguro nagsinungaling si Leo Bukas nang ibalitang more than P1 million ang TF ni Ara rito.
Samantala, batay sa isinagot ni Ara, parang totoo ang tsikang cool off sila ni Jomari Yllana. Hindi nito nasagot ng diretso ang tanong kung break na sila ng actor.
"Hindi ko rin alam ang sitwasyon namin. Minsan nag-uusap kami, minsan hindi. Naguguluhan din ako pero, nagkakaintindihan kami," banggit nito.
Malakas na tawa muna ang reaksyon ni Ara, bago sumagot sa tanong kung totoong nagli-live in sila dati ni Jomari sa bahay niya. Nang palayasin daw niya ang actor ay inihagis pa niya ang mga gamit nito sa labas ng bahay.
"Saan ba ninyo nakuha ang tsismis na yan? Ang galing ng script. Ang bahay ko ay bahay ko at bahay ni Jomari ay bahay niya. Pag sinabing live-in, kulang na lang kasal at ayoko pang mag-asawa. Hindi totoo ang tsismis," tanggi ni Ara.
Aliw kami sa role ni Hilda sa nasabing pelikula lalo na sa dialogue nitong kumakain muna sila ng siopao habang umiiyak sa burol ng Intsik. Napaka-casual ng pagdi-deliver niya ng dialogue at para bang hindi ito umaarte. Iba talaga ang magagaling!
"I like my role here. Its not the typical Hilda Koronel role, its like a Nida Blanca role. I have to bring out my lighter side na hindi alam ng tao," pahayag ni Hilda.
Mabuti na lang at hindi itinuloy ni Hilda ang balak na tuluyang talikuran ang showbiz dahil kung nagkataon, nawalan tayo ng magaling na actress. Five years siyang wala sa showbiz pero, nang bumalik ay tuluy-tuloy na siya sa pag-arte.
"If this is the last movie na gagawin ko, grateful ako because I was given the opportunity to work with them and Direk Joel (Lamangan). Pwede na akong bumalik uli sa Davao. Enjoy talaga ako sa group na ito," wika ni Dawn.
Pero mukhang hindi ang Filipinas ang magiging last movie ni Dawn, dahil balitang kinukuha uli siya ng Viva Films for another project na si Joel uli ang direktor. Mas matutuwa lang si Dawn kung sa bago niyang pelikulay makakasama niya ang isa kina Armida Siguion-Reyna, Aiko Melendez at Maricel Soriano.
Caregiver sa Israel ang role ni Dawn sa entry ng Viva Films sa 2003 Metro Manila Film Festival. May kakaibang dating ang pelikula nang mapanood namin ang trailer at parang magkakatotoo ang sinabi ni Ronald Constantino na magiging landmark movie ito dahil sa tema at ganda.
Na-impress pang lalo ang delegates dahil sa ibat ibang klaseng booth na itinayo sa party place. May booth sa mga nag-aspire maging anchor, may videoke booth, massage booth at costume booth. Umapaw din ang pagkain, drinks at prizes. Isa sa mga delegate ang sinuwertet nag-uwi ng brand new Toyota Vios.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended