^

PSN Showbiz

Ayaw ni Aubrey sa lalaking walang pera

- Veronica R. Samio -
Hindi ikinahihiya ni Aubrey Miles ang pangyayaring matipid siya. Kuripot nga ang tawag sa kanya ng mga kaibiga’t kakilala niya.

Ang katipiran niyang ito ang dahilan kung kaya’t nakapagpupundar siya. Mayro’n na siyang isang mamahaling sasakyan, isang Porsche na iniintriga na bigay sa kanya ng isang DOM pero, sinabi niyang nagmula ito sa kanyang pawis at pagpapagod.

"Galing ito sa pinagpaguran ko. Pati na ang bahay na tinitirhan namin ay bayad ko na rin. Kasama kong nakatira rito ang mga parents at kapatid ko although may mga bahay pa kami sa bundok, sa Marikina at Caloocan. Bahay ito lahat ng lola ko," sabi ng aktres na sa kabila ng kaabalahan ay nagagawa pang mag-gym kahit minsan isang linggo.

"Kailangan ito ng katawan ko, para maging healthy ako at makaya yung maraming pagpupuyat na ginagawa ko," dagdag pa niya.

Itinatwa rin ni Aubrey na isang sugar mommy siya na ginagastusan niya si Troy Montero na bf daw niya. "Never akong gagastos sa lalaki. Gusto ko yong may pera. Never akong kukuha ng lalaking walang pera."

Si Aubrey ang object of competition nina Vhong Navarro na gumaganap ng role ni Gagamboy at Jay Manalo sa pelikula ng Regal, ang Gagamboy na entry sa Metro Manila Film Festival Phils., sa direksyon ni Erik Matti.
* * *
Grand opening ngayong araw na ito ng Rosmont Executive Villa sa Barangay Panampunan, Tarlac City na pag-aari ng producer ng FLT Films na si Mommy Rose Flaminiano. Magkakaroon ng motorcade sa ika-3:00 n.h. at magkakaroon ng isang programa sa ika-5:00 na ang host ay si Giselle Sanchez. Guest of Honor si Pag-IBIG Home Development Fund Chairman Atty. Romero Federico Quimbo at Home Development Fund Sec. Mike Defensor. Dadalo rin sina Rudy Fernandez, Joyce Jimenez, Aubrey Miles, Maui Taylor, Renz Verano at Dingdong Avanzado.
* * *
Maghuhubad ang sexy actor na si Mark Dionisio sa stage play na Daplis na pinagbibidahan rin ng entertainment Baron na si Andrew De Real sa direksyon ni Mel Magno.

Talagang ilalantad ni Mark ang maselang bahagi ng kanyang katawan sa naturang palabas katambal si Mamu Andrew, ang nanay ng mga sikat na sing-along masters sa bansa dahil sa kanyang sing-along bars na Library at Comic Lab.

"Nong tinanggap ko ang play na ito ay alam kong maghuhubad ako, may love scene ako sa kapwa ko lalaki at may torrid kissing scene pa ako. Inisip ko na legitimate stage ito at sa UP pa gagawin, so yung hubaran, parang bonus na lang," ani Mark.

Ang Daplis ay kakambal ng isa pang play, ang Helow Kadet na bida sina Mel Martinez at Francis Cruz lll sa produksyon ng Seventh Stage. Mapapanood ito sa Dis. 4,5,6, 11, 12, 13, 7:00 n.g. sa Pres. Lopez Hall, University Hotel, UP Diliman.
* * *
Malubos ang aking pakikiramay sa mga naiwan ng kanilang mga mahal sa buhay – ang mag-asawang Les at Dina Reyes , na ang anak na lalaki ay pinaslang ng isang cellphone snatcher sa gulang na 20. Inilibing ito kahapon.

Condolence rin kay
Gng. Rosario Tenorio, sa pagkamatay ng kanyang asawang si Tony Tenorio, isang dating editor sa Atlas Publishing.

vuukle comment

ANDREW DE REAL

ATLAS PUBLISHING

AUBREY MILES

BARANGAY PANAMPUNAN

CHAIRMAN ATTY

COMIC LAB

HOME DEVELOPMENT FUND

ISANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with