^

PSN Showbiz

Assunta sa US na lang magpapagawa ng gown

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Pinag-uusapan ngayon ang alitang naganap sa pagitan nina Assunta de Rossi at ng kilalang designer na si Frederick Peralta. Si Frederick ang supposedly ay tatahi ng wedding gown ni Assunta sa kasal nito next year. Apparently, biglang nagdesisyon si Assunta na hindi na nito itutuloy ang pagkuha sa serbisyo ni Frederick at sa America na lang ito bibili ng gown na susuotin.

Sa The Buzz no’ng Sunday ay naging news item ang away nina Assunta at Frederick. Sinubukan ng staff na kunin ang panig ng magkabilang kampo pero parehong ayaw magbigay ng comment ng mga ito.

Isang reporter na malapit kay Assunta ang nakausap namin at nakuha namin ang panig ni Assunta. "Naguguluhan si Assunta dahil may ‘di magandang nangyayari. Hindi nasusunod ang style na gusto ni Assunta. Even doon sa gowns ng entourage na dapat sana ay gagawin ni Frederick, naiiba ang design. So, natural na mag-react si Assunta at si Jules who is spending for the gowns. Kaya ang nangyari, pag-alis nila Assunta at Jules ngayong December for the States, doon na lang sila bibili ng wedding gown. Actually, si Jules ang medyo masama ang loob. Kaibigan din kasi niya si Frederick," kwento ng kausap ko.

Kaibigan ko si Frederick at alam ko kung paano ito magtrabaho. Hindi naman niya hahayaang masira ang magandang pangalan niya lalo pa’t isa siyang kilalang designer. Pag may pagkakataon, kukunin ko rin ang side ni Frederick tungkol sa isyu.
* * *
Desidido si Baron Geisler at ang kanyang pamilya na sampahan ng kaso ang babaeng nagki-claim na naanakan siya ng aktor. Kinuha ni Baron ang serbisyo ng isang kilala at mahusay na lawyer para idipensa ang kanyang kaso laban sa babae.

Gustong turuan ng leksyon ni Baron ang babaeng ito who is out to destroy his name. May magandang objective rin si Baron sa kanyang gagawing pagsasampa ng kaso. Ito ay para maprotektahan ang iba pang artistang kabataan sa mga elemento na gustong manira ng reputasyon ng mga kabataang artistang lalake.

"Hindi kasi fair na kapag gusto nilang gumawa ng ingay, lalabas sila sa telebisyon para magpainterbyu at manira. Kawawa naman lahat ng lalaki kapag nagkaganoon. Siyempre, ang sympathy ng tao, doon sa babae kahit hindi naman totoo. Lalo pa dito sa atin na once na may nag-claim na si ganito o si ganyan ang tatay ng anak niya, right away kailangang aminin ito ng lalaki. Kaya sa ginawa nung Jaja, Baron and his family are filing formal charges. Masyadong affected si Tita Grace (ina ng aktor) sa akusasyon sa anak niya," sabi ng nangangalaga kay Baron sa ABS-CBN Talent Center.

Paninindigan ni Baron na hindi niya kilala ang babaeng nagki-claim na may anak siya rito.

"He has not seen or met the girl," sabi pa ng kausap ko. "Questionable ‘yung mga sinasabi niyang places and dates. "Magkikita na lang sila sa korte."

Desidido talaga si Baron at ang kanyang pamilya na turuan ng leksyon ang babaeng gustong sirain ang reputasyon niya.
* * *
Puspusan ang ginagawang pagwu-work out sa gym ni Bea Alonzo. Halos araw-araw ay nasa gym ito at nagpapapayat. Binigyan din ito ng personal trainor para matutukan ang program nito on weight loss. Tutok din ang manager ni Bea sa food intake ng alaga.

Ito ay bilang paghahanda sa bago niyang teleserye na magsisimula sa December na may titulong It Might Be You. Sila ni John Lloyd Cruz ang magbibida dito. Sina Gilbert Perez at Don Cuaresma ang mga direktor nito.

"Kailangan po talaga, eh," sabi ni Bea. "At saka gusto ko na rin kasi nagri-react na ang mga fans kaya ibibigay ko ang gusto nila na maging sexy ako. Hahahaha! At saka gusto rin ni Lloyd (palayaw ni John Lloyd) na mag-lose talaga ako ng weight," kikay na sabi nito.

Happy si Bea dahil nalaman niya na umabot sa three weeks showing ang My First Romance, ang launching movie nila ni John Lloyd at John Prats at Heart Evangelista. Dahil isa ito sa certified blockbuster ng taong 2003, sina Bea at Heart ang tinatayang most important stars ng Star Cinema at ABS-CBN sa papasok na taong 2004.

Matutuwa naman ang mga fans nila ni John Lloyd (lalo na ang mga members ng Simply John Lloyd-Bea Philippines at On-Line Friends of John Lloyd & Bea) sa bago nilang teleserye dahil kakaiba ito sa Kay Tagal Kang Hinintay. Mas makaka-relate ang mga teen audience sa kani-kanilang roles.
* * *
You can send your comments and reactions at ericjohnsalut@yahoo. com

ASSUNTA

BARON

BEA

FREDERICK

JOHN LLOYD

JULES

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with