^

PSN Showbiz

Chynna, Railey cool off muna!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Inamin ni Chynna Ortaleza na nagkaroon sila ng seryosong pag-uusap ni Railey Valeroso para mag-cool-off muna. Gusto kasi ng magandang aktres na pagtuunan nila pareho ng higit na pansin ang kanilang career.

"Three weeks kong iniyakan ang aming paghihiwalay dahil napamahal na rin siya sa akin at talagang nalungkot ako dahil na-miss ko siya. Kahit tahimik siya at misteryoso ang dating ay mabait si Railey at supportive sa aking career," aniya.

Sa dami ng trabaho ni Chynna ay nakakaipon na siya ng pera at nakabili na ito ng mamahaling sasakyan.

Isa siya sa paborito ng GMA 7 dahil bukod sa propesyonal ay magaling ding umarte.

Sa lahat ng leading man ay gusto niya si Richard Gutierrez dahil compatible sila sa maraming bagay, bilang magkaibigan at marami na ring followers ang kanilang loveteam. Magkasama ang dalawa sa Mano Po 2 at Love To Love (Season 2).
Cesar, Napalapit Kay Chavit
Bago nagsimula ng syuting ng Chavit ay laging kinakausap ni Cesar Montano ang dating gobernador bukod pa sa pagbabasa ng research na ginawa ni Direk Carlo Caparas kay Chavit Singson. "Mahirap kasing magkamali sa paglalarawan ng isang controversial figure. Tumulong din ako kay Direk Carlo sa pagbibigay ng tips para ma-execute ang mga eksena ng paglalarawan ko sa buhay ni Gov. Naiiba talaga ang pelikulang ito kaysa sa Muro Ami, Bagong Buwan at Rizal," sabi niya.

Sa kabilang banda, tinuruan din ni Cesar with Direk Carlo si Clavel Bendana na may-ari ng Velcor Productions at gumaganap sa papel ni Mrs. Imelda Marcos sa pagbibigay ng tamang emosyon. Malikot kasi ang mga mata nito habang nagda-dialogue at halatang kabado ang magandang prodyuser, kaya kailangan nilang abangan.
Bawal Ang Cellphone
Mukha talagang kagalang-galang ngayon si Jestoni Alarcon na konsehal ng Antipolo. Nakausap namin ito sa set ng Twin Hearts at sinabing maganda ang papel na ginagampanan niya sa soap opera. Asawa niya si Pops Fernandez. Huli niyang pelikula ang General Tomagan Story at ngayon ay naghihintay ng tamang project.

Kapag walang showbiz commitment ay nasa Antipolo City Hall ito at abala sa pagpapasa ng mga ordinansa. Isa na rito ang tungkol sa anti-film piracy at higit sa lahat ay ang pagbabawal ng paggamit ng cellphone sa kanilang lungsod habang nagmamaneho.

Kumusta naman ang kanyang pamilya?

"Tatlo na ang anak ko, si Jessica Liz, 9 years old, Angela Shaina 7 at ang bunso si Anthony Pierce na 5 years old. Okey naman ang aming pamilya.
Matagal Nang Crush Si Sunshine Ni Frank
Maswerte si Frank Garcia dahil kahit baguhan pa lang ay nakapareha na niya si Sunshine Dizon sa Yaya Lovely ng Love To Love.

Inamin nito na high school pa lang ay matindi na ang crush niya kay Shine lalo na noong nasa TGIS pa lang ito. Nagsimula sa ABS-CBN si Frank kaya hindi niya masisilayan ang kanyang inspirasyon hanggang magkita ang dalawa sa Sis kung saan pareho silang guest. Lumipat na kasi sa Syete ang gwapong aktor kasama ang grupo ng P4. Ang kanilang mga fans ang naglapit sa dalawa kung saan sinasabing bagay silang magkapareha. Naniniwala naman si Frank na hindi maaapektuhan ang kanilang career ng kanilang relasyon.

vuukle comment

ANGELA SHAINA

ANTHONY PIERCE

ANTIPOLO CITY HALL

BAGONG BUWAN

BAWAL ANG CELLPHONE

CESAR MONTANO

CHAVIT SINGSON

DIREK CARLO

LOVE TO LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with